DENDEN's POV
3 days ko na parating nakikita si Alyssa dito sa tv network. Madalas kasi sya dito dahil tinutulungan nya ang Mama nya sa pagsusupervise ng buong istasyon.
"dennise, this will be your last film, so sana ibigay na natin ang lahat" sabi ni direk sakin. Tumango naman ako dito. "hindi na ba kita mapipigilan?"
Ngumiti lang ako dito. Ito kasi ang director na nakadiscover sakin sa cebu kaya malaki ang utang na loob ko dito.
"direk naman, ilang beses na ba natin napagusapan to?" nakangiting sabi ko dito. Ilang beses na din nya kong kinumbinsi na wag munang umalis pero nakasettle na yun utak ko na kailangan ko naman magtuloy sa pagaaral.
"baka lang lumusot" sabi nito sakin.
"hindi pa ba tayo magiistart?" tanong ko sa mga ito. Halos nandun na kasi ang lahat ng casts, pati na ang writers.
"hinihintay pa natin ang producer natin" sagot nito. Natahimik naman ako. Abala ako sa phone ko ng tumayo ang direktor namin pati na ang ibang staff.
"o ayan ka na pala" sabi ng direktor. Nagangat ako ng tingin. Si alyssa pala ang producer namin.
"sorry. i'm late, may inasikaso pa kasi ako" sabi nito. Ngumiti lang ito sa lahat pati na sakin. "babe dito ka nalang"
Dahil nakafocus ako kay Alyssa, hindi ko napansin ang kasama nito. Ngumiti sakin si rachel kaya napilitan akong ngumiti.
Habang abala ang lahat sa pagrereview ng script, hindi naman ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Medyo naiilang kasi ako sa aura ni alyssa. Para bang nakatingin sya lagi sakin. Pero pag napapatingin naman ako dito ay hindi naman, abala ito sa script pati sa katabi nya.
Pagkatapos ng review ay nagsalita si direk.
"so may 3 weeks tayo para maghanda and to settle down all the things that we need in the production, so ayun may questions ba?" sabi nito
"direk bakit 3 more weeks pa, pede na tayo magstart next week" sabi ni Jai. Ang leading man ko.
"sorry, dahil sakin yun" paumanhin ni alyssa. " i need to go first in my agency in US to settle down some personal things next week and i will stay there for two more weeks pa,"
Naintindihan naman ng iba yun. Hindi na ko umimik kahit may gusto akong itanong.
Lumabas na ko ng conference room sakto naman dumating si AL, may usapan nga pala kami na maglulunch ngayon.
"den" sabi lang nito. "tayo na?"
"kanina ka pa?" tanong ko dito. Nakabusiness suit ito. Bagay na bagay talaga dito ang americana. Para pa din itong model sa paraan ng pagdala nya ng damit.
"hindi naman" sagot nit tapos ngumiti. "dude, sabay na kayo samin maglunch"
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...