Den's POV
"i miss you.." basag ni alyssa sa katahimikan na nabalot samin dalawa. "i miss you so much babe.."
Hindi ako agad nakasagot. Namimiss ko na din ito ng sobra.
"Ly.." hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito. Alam ko ng nasasaktan kami parehas, sobrang nasasaktan.
Naalala ko na naman yun araw na nakausap ko ang lolo nito ng personal.
Nagising ako dahil sa isang tawag. Umidlip lang kasi ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"hello Ms. Dennise" sabi ng nasa kabilang linya.
"hello, sino to?" number lang kasi ang lumabas.
"hi, sorry sa pagistorbo Ms. Dennise, si Jovee Bautista to ng CE" ito yun katrabaho ni alyssa. "still remember me?"
"ah yes, what can i do for you?" tanong ko dito.
"pede ba tayong magkita? its about Ms. Valdez" sabi nito. Pumayag na din ako pero bigla akong kinabahan.
Nagkita kami sa isang coffee shop tapos dumiretso sa office nito.
"nandito ba si Ly?" tanong ko dito habang nasa elevator kami.
"wala, tinakasan na naman ako" nakangiting sagot nito. Huminto ang elevator sa pinakatuktok na floor ng building. "shall we?"
Naglakad na kami sa mahabang hallway. Kinakabahan talaga ako ng sobra. Napansin ko ang pangalan ng taong pupuntahan namin sa may pinto.
"relax, gusto ka lang nyang makausap" sabi sakin ni Jovee tapos kumatok sa pinto. "sir, nandito na po si Ms. dennise."
Narinig kong tumugon ang tao sa loob kaya binuksan na ni Jovee ang pinto. Tumambad sakin ang malaking kwarto na may table sa gitna. Halos walang kalaman laman yun lugar na yun.
"Ms. Dennise, i would like to introduce to you the President and CEO of Caymo Empire. Mr. Frederico Caymo." sabi ni Jovee. Nagbigay galang naman ako sa matanda. Hindi ko maiwasang matakot dito. Iba kasi ang aura nito at nakakatakot talaga.
Lumabas si Jovee dahil na din sa utos ng matanda. Pinaupo naman ako nito sa sofa nandun at tinapatan ako nito.
"hindi na ko mapapaligoy ligoy pa Ms. Lazaro, gusto kong layuan mo ang apo ko" walang kagatol gatol na sabi nito.
"excuse me sir?" hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.
"alam kong narinig mo ang sinabi ko. For Alyssa, your just nothing and a commonner.." nasaktan ako sa sinabi nito. Unting unting umahon ang galit sa dibdib ko. "gusto kong layuan mo sya para hindi ka maging hadlang sa mga pangarap ko para sa kanya. Makakasira sa dignidad ng pamilya namin kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa inyo."
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...