Chapter 8

30.7K 404 7
                                    

"WAAAHHHHHH!!" sigaw ko habang nasa kwarto ako. Agad naman akong binato ng unan ni Shar. "para akong--"

"nababaliw kasi 2 weeks mo ng hindi nakikita si Den? okay.." sabi pa nito. Binato ko pabalik ang unan nito. Tinamaan ko sya sa ulo. "aray ha! ipapaadmit na kita sa mental!"

"ikaw kasi!, panira ka ng trip!" sabi ko dito.

"wag ka ngang magulo, kita mong busy yun tao e" sabi nito sakin. Kakauwi lang din nito galing sa taping. pero paguwi naman nya may dala syang script, kailangan daw nya imemorize. Lumipat ako sa kama nya at humiga sa likod nya dahil nakadapa sya habang nagbabasa. "valdez ano ba"

"walang kasama si Mich sa kabila o" sabi ko dito. Umikot ito kaya napunta ang ulo ko sa tyan nya.

"nangaasar ka ba?" tanong nito sakin. Hinawakan nya ang ilong ko.

"ar-aayy! masakit!" tinapik tapik ko pa ang kamay nya na nakapisil sa ilong ko. Bigla syang nagseryoso.

"hmm, Ly, malulungkot ka ba kapag nawala na din ako?" seryosong tanong nya sakin. Inagaw ko sa kanya ang script nya.

"anong mukha yan ha, ang pangit" hinampas ko sa kanya ang hawak kong papel.

"sumosobra ka na a!, kanina binato mo ko tapos ngayon hinampas mo pa ko!" pinanggigilan nya ang pisngi ko. Tigilan nya yun ng mangiyak ngiyak na ko. Bumangon ako sa pagkakahiga ko.

"mahal mo pa?"biglang tanong ko dito. Sa loob ng 3 weeks ay kami ang nagdadamayan sa problema sa puso namin.

"oo naman" malungkot na sagot nito. Hanga ako sa tao na to kasi kahit anong sakit ng nararamdaman nya natatago pa din nya sa iba. Maliban sakin.

"labas tayo" aya ko dito. Nagsuot lang ako ng hoodie jacket.

"san naman tayo pupunta?" tanong nito pero nagsuot na din sya ng jacket. Umuulan kasi sa labas.

Kaya medyo malamig.

"starbucks?" tanong ko dito. Tumango naman sya. Nagpunta kami sa pinakamalapit na starbucks. 

Habang umoorder ako ay busy sya sa mga nagpapapicture sa kanya, sikat kasi.

"ahm, kayo po ba ni Alyssa?" narinig kong tanong nun fans nya.

"no, we're friends lang" nakangiting sagot nito. Bumalik na ko sa table namin. Nagpaalam naman yun mga fans nya.

"ang showbiz ng sagot mo" pabiro kong sabi dito.

"ganun talaga, maissue pa tayo, mahirap na baka dumugin ka ng fans ko" tapos tumawa sya.

"kapal din" sabi ko dito. Pagtapos namin magkape ay nagmall kami. Buti nalang may cap at shades sa sasakyan ko.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon