Chapter 32 (FaTunay)

34.1K 319 14
                                    

Aly's POV

"oy baldo, nabalitaan mo na ba yun bagong transferee dyan sa kabilang section?" ito agad ang bungad ni Kim pagkapasok na pagkapasok nya sa classroom namin. May kasama pa yang pagyugyog ng katawan ko.

"kimmy naman e, ang aga aga pa o" sabi ko dito habang dahan dahang umubob sa desk ko. 

"anong maaga, magtitime na kaya" sabi pa nito. Umupo na ito sa upuan nya sa kaliwa ko. "hoy ano na?"

Nilingon ko sya pero hindi ko inangat ang ulo ko. Tiningnan ko sya ng masama.

"anong oras ka na ba natulog?" tanong nito.

"madaling araw na, hindi ko namalayan ang oras e" sabi ko dito. Pipikit sana ako ng biglang tumunog ang bell. Hudyat na magistart na yun klase. 

Dumating naman ang teacher namin. Nasa kalagitnaan kami ng klase ng pumasok si Vic. Usual, late to, anong oras din kaya ito natulog.?

"you're late Miss Galang" sabi dito ng teacher namin.

"i'm sorry ma'am, something came up" sagot nito at umupo na sa upuan nya. Maya maya pa ay nakita ko syang napipikit na. 

"langya talaga tong si Vic" bulong ni Kim. Kumuha ito ng papel tapos binato kay Vic. Nagising naman yun isa.

Naggantihan pa sila. Ako, umubob lang kasi antok na antok talaga ako. Ganito ako kapag kulang sa tulog. May tinapos pa kasi ako na painting at hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Masyado kasi akong nasisiyahan.

"the three of you, in my office" sabi ng teacher namin. Napakamot naman ako ng ulo. Eto na naman, napatawag na naman kami. Yun dalawa naman nagngingisian pa.

Pagkatapos ng klase ay nagpunta kami sa office ni Mrs. Leoncio. Habang naglalakad ay ang ingay nun dalawa. 

"hoy, Ly, sya yun sinasabi ko" sabi ni Kim. Napatingin naman ako sa classroom na dinaanan namin. Alin pa ba ang tinitukoy nito? Ang daming tao sa loob, hindi ko naman mga kilala ang mga ito pano ko malalaman kung sino yun bago. "vic, tingnan mo yun transferee "

'nasan ba dyan?" tanong ni Vic. Nagdiretso lang ako ng lakad.

"yun nakayellow na shirt" sabi ni Kim. Napatingin ako sa sinabi nito. Napataas ang kilay ko. Pano kasi ang daming nakayellow sa loob.

"langya naman kimmy, ang dami kaya ng nakayellow" sabi ni Vic. Napatawa naman ako. Ewan ko ba ha, parang lahat sila nakatingin samin nun napadaan kami.

Nakalagpas na kami sa classroom na yun at hindi naman nakita ang sinasabi ni Kim. Yun isa naman reklamo ng reklamo. Ang layo daw ng office ni Mrs Leoncio e halos isang building lang naman ang pagitan nun sa classroom lang namin.

Ito ang highschool na walang uniform. Ang alam ko din puro may-kaya ang nagaaral dito. May mga scholar din naman kaya lang konti lang kasi nga puro anak mayaman nun nagaaral dito, umaayaw sila. May pagkamatapobre kasi ang mga tao dito kala mo kung sinong mayaman.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon