Chapter 22

28.4K 411 22
                                    

Aly's POV

Pagkagaling namin ng mall kanina ay nakatanggap ako ng tawag mula kay angel na may interview daw ako sa tv network namin. Para sa isang features ng magazine ng publishing house namin. Mayaman e, lahat ng negosyo meron.

"so, kelan kayo babalik dito?" tanong agad ni Marge samin. Nandito pa din kami sa resort.

"baka bukas ng tanghali" sagot naman ni Vic. 

Kasama ko ito at kim. Sa pagkakaalam ko nauna lang samin si Fonso pero kasama din ito.

"naks! kayo na talaga" biro samin ni ate fille.

"kasalanan to ni ate gretch. De kung sana hindi nya kami Finitured sa article nya de sana tahimik ang buhay namin" sabi ko tapos masamang tumingin kay ate gretch. Nagpeace sign naman ito.

"sorry na, wala lang talaga akong maisip na ilagay dun e. Hirap kayang magisip ng dating athlete tapos successful na sa kani-kanilang career ngayon" nakangiting sabi ni ate gretch. "kayo agad naisip ko."

"salamat ha! tyak iingay na naman pangalan namin nito at may magseselos na naman" sabi ni Kim tapos tumingin kay Mela. Sinamaan naman ito ng tingin ni Mela. Napatawa tuloy kami.

"hindi ako selosa!" sabi ni mela dito tapos nagpout.

"bakit hindi kasama si Den at Shar kung ganun?" sabi ni ate fille. Napatingin naman ako sa direksyon ni Den. Busy ito sa pagbabasa ng script.

"sa next issue pa namin ilalabas yun sa showbiz na side. Sa ngayon for business muna" sagot dito ni ate gretch. "don't worry babe, hindi kita isasama dun, ayokong magulo buhay mo" 

"daya, may favoritism talaga!" sabi naman ni Marge dito.

Narinig na namin ang chopper na susundo samin.

"ingat ka dun B a, wag mambabae" bilin ni Bang kay Vic. Niyakap naman ito agad ni Vic.

"yes B. ikaw lang" sagot nito kay Bang tapos hinalikan sa noo.

"hoy kimmy, kapag nalaman kong nambabae ka, uubusin ko ang lahi ng babae mo" banta ni Mela kay Kim.

"sus, kaya Love na Love kita Melalabs!" sabi ni Kim tapos yumakap dito.

"oyy may naiinggit" 

Napatingin ako sa nagsalita. Si mika pala.

"asa! tayo na nga" hinatak ko ito papunta sa helipad. Kasama din kasi ito. Kahit hindi halata, successful din ito sa businessworld. 

"hindi ka ba magpapaalam kay den?" tanong nito sakin.

"busy e, baka makaistorbo lang ako" sabi ko dito.

"sus, wari ka pa, tara samahan na kita" sabi nito tapos hinila ako papunta sa lugar ni Den.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon