Denden's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao sa loob ng kwarto. Pagmulat ko ng mata ay puro puti ang nakikita ko.
"hey" bati ng kung sino sakin. Medyo malabo pa kasi ang paningin ko. "good morning"
Umaga na?, ganun kahaba ang tulog ko?
Bumangon ako bigla mula sa kinahihigaan ko. Pagtingin ko sa paligid ay nandun sina tita Michelle at yun batang lalaki.
"dud morning ate den" bati sakin ng batang lalaki.Ngumiti naman ako dito.
"good morning din baby boy" bati ko dito.
"daya si michael binati ako hindi" nagtatampong sabi nitong katabi ko. Nakaupo kasi sya ngayon sa kama na hinigaan ko.
"arte mo, ang aga aga a" sabi ko dito sabay hampas sa kanya. Bumaba ako ng kama para maghilamos. Naalala ko wala nga pala akong toothbrush kasi biglaan ang pagpunta namin dito.
"here" napatingin ako sa pinto. Si aly may inaabot saking toothbrush at tshirt. "magpalit kana din, kahapon pa yan suot mo. Mamaya, uwi muna tayo sa resort para makaligo tayo"
Kinuha ko yun at tumango sa kanya.
"mikey, tara puntahan natin si Papa mo" narinig kong sabi nya kay Michael. So mikey para ang palayaw nito. Mabilis akong naghilamos at paglabas ko ng banyo ay saktong pumasok yun dalaga kagabi.
"good morning" bati ko dito.
"good morning din po" alanganin sagot nito. Nilapag lang nya yun plastic tapos umalis din.
"pasensya ka na sa anak ko na yun a, mahiya talaga si Miko" sabi sakin ni Tita Michelle.
"ilang taon na po sya?" tanong ko dito. Tinulungan ko na din syang magayos, pagkaen pala namin to.
"15, anak ko sya sa pagkadalaga" sagot nito. napatingin ako sa kanya. "mahal na mahal nya si Mike kasi pinaramdam ni Mike dito na hindi sya iba."
Ngumiti naman ako. Ang saya siguro ng naging buhay ni Papa sa loob ng 17 years.
Maya maya pa ay pumasok na yun tatlo at kumaen kami.
"ah den, baka pumunta dito sila Vic bukas, saka sila mela" sabi sakin ni Aly habang kumakaen. Tumango naman ako.
"dennise, pede mong papuntahin ang mama mo dito" napatingin ako kay tita Michelle. Tumango ito sakin at ngumiti.
"pero tita-"
"it's okay, kahit papano kayo pa din ang pamilya nya" alam kong nagpipigil ito ng iyak. Nakikita ko sa mata nya.
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...
