Aly's POV
Nandito na kami sa ilocos. Buong byahe katabi ko si den. Pero natutulog lang sya ako naman hindi makatulog dahil sa kilig na nararamdaman ko.
"hoy Aly, gisingin mo na yan" sabi sakin ni Besh.
Nakababa na kasi sila pero kami hindi pa pano kasi tulog pa tong katabi ko.
"Den,den? gising na,we're here" sabi ko dito habang tinatapik ang pisngi nya. Ungol lang naririnig ko dito. "ano ba naman to"
Napaingin ako sa labi nya. Bigla akong naginit kaya napatingin ako sa bintana. Binuksan ko yun kanina kaya pumasok ang hangin sa loob.
"hoy baldo! pinagnanasahan mo na naman si dennise" wika ni Kim. Bigla itong dumungaw sa bintana sa tabi ko. "aray!"
Nabatukan ko ito sa gulat.
"hoy kimmy, wag mo nga ko tawagin na ganun, masasapak talaga kita" tapos nilakihan ko sya ng mata.
"ang tagal mo kasi, pano kaya kami makakapagreserve sa hotel" sabi nito habang hawak ang ulo.
"hanapin mo na lang si Tito Mike." sabi ko dito. "nabilin ko na sa kanya yun"
Ngumiti naman ito pagkatapos kala ko aalis na ito pero nakadungaw pa din ito dun.
"bakit hindi ka pa umaalis?" tanong ko dito.
"baka kasi raypin mo si Dennise e" sabi nito sakin, babatukan ko sana ulet to kaso lang nakalayo na agad.
"siraulo! tsupi! baka naghihintay na sila dun" sabi ko dito. Bago ito umalis ay bigyan nya pa ko ng nakakalokong ngiti.
Maya maya naman ay nagising na din sya.
"kanina pa ba tayo dito?" tanong agad nito sakin.
"medyo" nakangiting sabi ko dito.
"bakit hindi mo ko ginising?" tanong nito.
"ang sarap kasi ng tulog mo saka kanina pa kita ginising, ayaw mong magising"
Napasimangot naman ito sa sinabi ko. Bumaba na din kami pero tahimik lang.
Nasa lobby pa din sila ng madatnan namin sila. Nandun na din sila direk. Ito na ang pinakahuling location ng taping nila.
"anong problema?" tanong ko sa kanila.
"wala daw tayong reservation" sagot sakin ni Kim. Agad ko naman pinuntahan yun receptionist.
"may i talk to your gen. manager?" sabi ko dito. ngumiti muna ito bago kinuha ang receiver. May kinausap lang ito saglit.
![](https://img.wattpad.com/cover/20392832-288-k518214.jpg)
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...