Denden's POV
Pabaling baling ako sa kama ko. Hindi kasi ako makatulog.
"dito ko na lang kaya sya patulugin?" tanong ko sa sarili.
waahhh! dennise ano ba tong iniisip mo!
Nasa labas kasi si Alyssa. Sya ang naginsist na sa sofa na lang sya matulog. Pero halatang hindi sya komportable dun. Napatingin ako sa relo sa side ko. 12 midnight na pero hindi pa din ako makatulog.
"bahala na nga"
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Medyo madilim ang loob ng condo ko pero kabisado ko naman iyon. Binuksan ko ang ilaw sa sala pero wala dun si Alyssa. Nakatiklop pa din ang kumot na binigay ko dito.
Nagpunta ako ng kusina, bago ako makapasok dun ay may narinig akong boses..
"yeah, okay po, magbebehave ako don't worry, hmm, nope, ikaw lang promise, yeah, see tomorrow, i love you.."
Sumandal ako sa pader sa labas ng kusina. Siguradong si rachel ang kausap nito. Nun lumabas sya sa kusina ay napansin nya ko.
"o dennise, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito sakin. Napatitig ako sa kanya. "hey!"
"ah e,. hindi kasi ako makatulog, iinom sana ako ng tubig" pagsisinungaling ko dito. Mabilis akong pumasok ng kusina. Ang bilis tibok ng puso ko kapag nakakaharap ko sya. Napabuntong hininga naman ako.
Paglabas ko ng kusina ay napatingin ako sa pwesto ni aly, nakabaluktot ang paa nito kasi maliit ang sofa para sa kanya.
"ly?" tawag ko dito.
"hmm?" sagot nito. Nagmulat ito ng mata.
"gusto mo sa kama kana din matulog, tyak mangangalay yun mga binti mo dyan" sabi ko dito. Bumangon naman ito tapos tumingin sakin.
"are you sure?" hindi makapaniwalang sabi nito sakin.
"yup, tara na" aya ko dito. Nauna akong pumunta ng kwarto ko. Pero hindi ito sumunod sakin. "tara na!"
Sumunod naman ito. Pagpasok nito sa kwarto ko ay natigilan ito.
"what?" tanong ko dito. Napangiti ito.
"wala lang, iba lang inexpect ko" nakangiting sabi nito. Binato ko sya ng unan.
"kainis ka! bawal magbago?" tanong ko ulet dito. Umupo na ito sa kama. Inayos ko naman yun pwesto ko.
"hindi naman, pero sabagay, matagal na din kasi" sabi nito. Humiga na ito.
Katahimikan ang bumalot samin dalawa.
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...