Chapter 25

23.8K 379 9
                                    

Aly's POV

3 days na kami dito sa Ilocos, 3days na kong hindi pinapansin ni Dennise, simula ng malaman nya na nandito ang papa nya. OO nagulat ang lahat ng malaman nila na Papa ni Dennise ang General Manager ng hotel na to. Kahit ako, hindi ko alam, matagal ko ng kilala si Tito Mike pero hindi ko alam yun. May ibang pamilya na si Tito Mike dito. Kaya alam kong mas masakit to kay Dennise.

Nandito ako ngayon at sinusundan si Den. Alas diyes na ng gabi pero naglalakad para sa tabi ng dagat. Ang lakas pa man din ng hangin. Napansin kong umupo sa buhangin. Medyo malapit lang ako dito. Nakita kong yumuko sya. Sa tatlong araw na tinitingnan ko ito ganito ang laging ginagawa nya. Alam kong umiiyak sya. 

Hindi ko na matiis kaya nilapitan ko sya. Hinubad ko ng jacket ko at pinatong sa balikat nya. Nakatshirt lang kasi ito.Nag-angat ito ng ulo, nang makita nya ko ay akma syang tatayo pero pinigilan ko agad sya. Umupo ako sa tabi nya habang hawak ko ang braso nya. Medyo maliwanag naman dun kasi dahil sa ilaw na nakakaalat dun.

Tahimik lang kami. Narinig kong humihikbi na sya kaya naman inakbayan ko sya.

"sige lang,iiyak mo lang yan, hindi ko man alam ang reason behind that. Nandito ako para sayo" sabi ko dito at sinandal sya sa balikat ko. Sa tatlong araw na nandito kami. Hindi ako kinakausap nitong si Dennise. Pagkatapos ng shooting nila diretso agad sa kwarto. Ang sabi nila Mela sakin, lagi daw itong tulala.

"i hate him" sabi nito. 

"why?" gusto kong malaman bakit galit na galit ito sa Papa nya.

"bigla na lang syang nawala nun mga panahon na kailangan namin sya. Hindi namin alam kung san sya nagpunta at kung bakit sya umalis" wika pa nito. "that day, nun dapat magkikita kami sa isang coffee shop, hinatid ako ni mommy nun dun tapos umalis din, ang sabi nya sakin dadating daw si Papa galing Cebu. That time kasi dito pa kami sa manila nakatira at si Papa sa Cebu. Ang tagal kong naghintay dun hanggan tinawag ko si mommy na magpapasundo na ko. Walang Mike Lazaro na dumating. Alam mo ba, kala ko sa usapan lang namin sya hindi dadating pero hanggan ngayon pala. I live my life na walang ama, pero heto sya ngayo't may iba na palang pamilya."

Hindi ako makaimik sa sinasabi nito. Wala din akong alam. Hindi ko alam ang side ni tito Mike.

Inalalayan ko si Dennise hanggan sa kwarto nila. Binuksan ni Mela at bang yun. Inalalayan ko sya hanggan makahiga sya sa kama nya.

"don't worry okay, malalaman din natin ang dahilan" sabi ko dito. Tumango naman ito. "get your rest na, i know your tired"

Pinikit na nya ang mata nya. Hinalikan ko muna sya sa noo bago ko hinarap ang mga kaibigan ko.

Nasa mukha nila ang pagaalala kay Dennise. Hinatid nila ako sa may pinto.

"bantayan nyo muna a" sabi ko sa kanila.

"okay, we know na masakit sa kanya yun kasi for how many years, ngayon lang ulet nya nakita ang Papa nya" sabi ni Mela.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon