Author's Note :(

17.5K 266 51
                                        

i would like to used this moment,this page, para sa pinakabully kong pinsan.

that moment ng sabihin samin na nagpakamatay daw yun pinsan namin. Hindi kami makapaniwala, pero nun nakita ko sya kanina na mapayapang natutulog sa puting kahon na yun. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak habang nakatingin sa kanya.

Sometimes words fail and tears always to the rescue. Wala akong masabi kanina habang nakatingin sa kanya. basta dumadaloy lang ang mga luha ko. I miss him so much. Sya yun laging nangaasar sakin kapag may family reunion kami. Sya yun laging patagong nagbibigay ng inumin samin magpipinsan. Sya yun laging pinapat ang ulo ko kapag nagkikita kami at nakikipaghigh five sakin.

"pare kamusta, may girlfriend na ba?" yan lagi nyang sinsabi sakin, everytime na magkikita kami. He always smile at me. Sya yun pinakapogi daw. Sya yun handang makipagaway kapag may naagrabyado samin magpipinsan. Sya yun..sya yun laging nandyan para patawanin ka kapag may problema ka.

Pinsan, sana nun ikaw naman yun may problema, kami naman yun nagpatawa sayo, Sana kami naman yun umaway sa mga kaaway mo. Sana kami naman yun nagbibigay ng advice sayo. Sana isang case lang ng beer yan at mani. Sana ako naman yun nagpapat sa ulo mo at nakipaghigh five sayo kapag okay kana. Sana ako naman yun crying shoulder mo. Pero..pero ang selfish mo! alam mo ba yun! Sinarili mo lang lahat and worst, you kill yourself.. Sana kasama kapa namin hanggan ngayon kung sinabi mo agad. Gano lang kalayo yun Batangas sa Bulacan.:(( 

I love you, kahit huli na, sasabihin ko pa din..lagi kitang maaalala, sana lang wag kang magpaparamdam sakin o magpapakita, okay na yun alam ko na nasa paligid ka lang..

P.S (PAKIBASA)

readers! kung may problema man kayo at kailangan nyo ng kausap, i always here, you know that. Kahit na medyo hindi ako mabilis magreply sa mga message nyo, gagawa ako ng time para sa inyo. Ang please kung sobrang depressed na kayo, no matter what happened, wag kayong magiisip na tapusin ang buhay nyo. Please! maraming masasaktan and isa na ko dun.

Pasensya na, hindi lang talaga ako makagetover. Ingat readers, one hell week na lang sembreak na! hintay lang po sa update, thanks!

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon