Aly's POV
"kailangan pa ba to?" tanong ko kay angel. Inaayos na kasi ako para sa commercial.
"oo, lalaki ka sa role mo kaya hindi pedeng nakalugay ang buhok mo" sagot nito. Chineck nito ang script.
Nakasimangot ako habang inaayusan. Nakatuxedo ako at nilalagyan ng konting makeup. Nakavest din ako para itago ang dibdib ko. Magaling din tong mga makeup artist ng kuya ko. Hindi na din halata na babae ako.
"perfect! ang gwapo mo" sabi sakin ng hairstylist ko. Nakawig ako para itago yun buhok tapos inayos nila. Hindi nga halata na wig lang e.
Napatingin ako sa salamin. Kamukhang kamukha ko ang kuya ko sa ayos ko ngayon kaso mas gwapo lang ako ng konti.
Kaupo lang ako sa may dressing room habang hinihitay akong tawagin. Pumasok naman ang mga magulang ko.
"ang gwapo talaga ng anak ko" sabi sakin ng papa ko. Napasimangot tuloy ako.
"si papa talaga" sabi ko dito.
Ang Mama ko naman busy sa kakapicture sakin.
"ang gwapo nga ng anak nyo madam, mas gwapo pa kay Andreu" sabi ng isang makeup artist. Kilala ito ni Mama kasi ito ang kasama lagi ng banda ng kuya ko. Nasa subic si kuya para sa isang presscon.
"sinabi mo pa, dalawa na pala ang binata ko" nakangiting sabi ng mama. "ang gwapo mo pagkinasal"
"Ma!" sabi ko dito.
May kumatok naman sa pinto ng dressing room ko. Pagbukas ni angel ng pinto ay dennise pala yun. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang ganda nya sa wedding dress nya.
"ahm, hi? ako nga pala si dennise lazaro" pakilala nito. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Nagising ako ng tumikhim si angel.
"ah, eh, Al--"naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa may pinto.
"Magsisimula na po tayo" sabi ng isang staff.
Ngumiti sakin si Dennise tapos tumalikod na.
"nice to see you again AL" sabi nito at lumabas na sa kwarto.
Nakita ko naman nakangiti ang mga magulang ko.
"Al, tayo na sa labas" asar sakin ni Angel. "AL pala ha"
"bwisit!" binuksan ko na ang pinto at naunang lumabas dito. Kasunod ko naman sila mama.
Sa isang hotel lang ginawa ang shooting, nagimprovise na lang sila ng church sa loob ng function hall.
nagstart na kami.. ako nasa harap lang ng altar at naghihintay lang sa bride ko. Bumukas ang pinto at niluwa nun si Dennise..Nakatingin lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fiksi Penggemar"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...