Aly's POV
You know what the good news kapag kasama mo na yun mahal mo? This!
"good morning babe" nakangiting bati ko sa kanya. Nakayakap lang ako sa kanya habang nakasiksik sya sa leeg ko.
"good morning" sleepy na sabi nya.
"hmm, get up na, magsisimba pa tayo" bulong ko dito. Narinig ko syang tumawa. Nakiliti siguro sya sa ginawa ko.
Sunday ngayon kaya wala akong pasok sa office. Buti na lang talaga,kasi hindi ko na nabibigyan ng oras si den. Sobrang busy kasi sa office. Busy din naman sya sa tinatayo nyang negosyo pero syempre iba pa din yun nagkikita kami araw araw.
"10 minutes please" sabi nito. Napangiti naman ako.
"okay, pero babangon na ko, maghahanda na ko ng breakfast natin" sabi ko dito. Humiwalay naman sya sa pagkakayakap sakin.Niyakap nya yun unan ko. Hinalikan ko sya sa cheeks bago ako nagpunta ng banyo.
Tumawag muna ako sa flowershop nila ate fille. 24 hours yun kaya kahit maaga palang may bulaklak na sila.
"yeah, 13 pieces na blue roses" sabi ko dito.
"hay nako, why so sweet Alyssa" kinikilig na sabi nito.
"nagbabawi lang ako sa mga panahon na nasayang samin." sagot ko dito. Naghang-up na ko ng phone. Nagsimula na kong magluto.
Den's POV
Kahit sobrang busy, nagagawa pa din naman namin magkita. Madalas lunchout and dinner. Pag saturday naman at sunday, dito sya natutulog sa condo unit ko.
Nagpasya na din akong bumango. Baka malate pa kami sa mass ngayon umaga. Nagpunta ako sa banyo para magtoothbrush at maghilamos. Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso ako ng kusina. Naabutan ko syang nagluluto dun sa kusina ko. Ang cute ng getup nya. Naka tshirt lang sya tapos boxer shorts tapos nakaapron pa ata.
"good morning babe" sabi ko dito. Nilapitan ko sya at binack hug. Namiss ko talaga sya.
"hmm, namiss mo ako agad? bilis naman" sabi nito. Umikot sya para makaharap sakin. Kiniss nya ko sa lips. "good morning again"
Ngumiti ako sa kanya.
"upo ka na babe, maluluto na tong fried rice" sabi nito at tinulak ako papunta ng mesa. Hindi ako sumunod dito bagkus ay lumapit ako sa lagayan ng plato para tulungan syang maghain. Napangiti naman sya. "kulit din"
Binelatan ko sya. Pagkalapag nya ng fried rice sa mesa ay umupo na sya.
"let's eat" nakangiting sabi nito. Naglalagay na ko ng kanin ng biglang may nagdoorbell.
"aga naman nun" tatayo sana ako pero naunahan nya ko. Pinaglagay ko na lang sya ng rice sa plate nya saka ng bacon and egg
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Фанфик"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...