Chapter 6

28.9K 410 17
                                    

Training-study-shooting/filming- training. Ito ang daily routine ko sa araw araw, nagugulo pa to kapag may biglaang lakad o appointment na naiisched sa oras ko.

"dennise, are you okay?" tanong sakin ng manager ko. Nandito kami sa van at pauwi ng dorm. Katatapos lang ng shooting ko sa batangas. 

"yeah, pagod lang siguro. Pede bang sa condo unit ko na lang tayo?" sabi ko dito. Nakahiga ako sa improvised bed sa loob ng van.

"sige, tutal mas malapit yun kesa sa katipunan" sagot ng manager ko.

Mabilis naman kaming nakarating dun. Hindi na ko nagpalit ng damit dahil sa sobrang antok ko at pagod. Madaling araw na din kasi natapos yun shooting.

Tiningnan ko muna ang phone ko baka may text. May nagext nga pero hindi ko na binasa sa sobrang antok ko.

Nagising ako na nilalamig at ang bigat ng pakiramdam ko. Masama na din timpla ng ulo ko, para na syang binibiyak. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya dahan dahan kong kinuha yun.

"Hello?" mahinang sagot ko.

"hello den, nasan ka?"

"nasa condo unit ko"

Bigla akong inubo pagkasagot ko dito.

"bakit ganyan boses mo, may sakit ka ba? masama ba pakiramdam mo?"

"medyo masakit ang ulo ko saka mabigat din ang katawan ko."

"hala, may kasama ka ba dyan?"

"okay lang ako Ly, don't worry, kaya ko sarili ko"

"hindi ka okay, pupunta ako dyan, san ba bahay mo?"

Hindi ko na ito nasagot kasi sumakit bigla ang ulo ko. Nabitawan ko tuloy yun phone ko at nalaglag sa sahig.

ALY's POV

kakatapos lang ng training namin. Hindi dumating si Dennise kaya tinawagan ko ito pero parang may sakit ito.

"anong sabi Aly?" tanong sakin ni Sha. Pabalik na kami ng dorm.

"may sakit ata, binabaan ako ng phone" sagot ko dito. Tinitingnan ko pa din ang phone ko.

"puntahan kaya natin" suhesto nito. Napatingin naman ako sa kanya.

"alam mo ba address nya?" tanong ko dito. Umiling naman ito. "marge, alam mo ba address ni Den?"

"hindi e, tanong mo kaya sa manager nya?" sagot nito. Magkakasabay kaming tatlo habang naglalakad, yun iba naman ay nauna na.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon