1 year after..
Sa bawat lovestory, may nasasaktan, may umiiyak, may umaalis,may naiiwan. Meron din naman happy ending, papunta palang sa happy ending.
"den, please tanggapin mo na un offer" napatingin ako ngayon kay ate cris, yun dati kong manager.
"ate, tapos na ko dyan di ba? bakit hindi nalang yun iba mong talent?" sabi ko dit. May nakaharang samin na counter. Nandito kasi ako at nagtitimpla ng kape. Sa halos isang taon, natutunan ko ng magtimpla ng kape dito sa coffee shop ko.
"e ikaw ang gusto ng company" sabi nito tapos uminom ng kape na binigay ko sa kanya. "sige na please"
"ayoko ate" sabi ko dito. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat nyan.
"last na yun den" sabi nito sakin.
"yan din yun sinabi mo sakin nun commercial na ginawa ko a year ago."
Napatingin kami sa pintuan ng tumunog ang chime nun.
"kamusta yun ibang branch?" tanong ko dito. Lumapit ito sa pwesto namin pero ginala muna ang paningin sa paligid.
"himala, nasan yun manliligaw mo?" bagkus tanong nito sakin.
"kaalis lang" si ate cris ang sumagot dito.
"yun tanong ko please" sabi ko dito.
"ah yeah, okay naman, nadelayed lang ng konti yun delivery ng supply sa branch sa alabang" sagot nito.
Madami na kaming branch ng Dennise, sa loob ng isang taon, dito ko binuhos ang lahat ng oras ko. Simula ng iwan ako ni alyssa.
"anong ginagawa mo dito ate cris?" tanong nito sa katabi.
"kinakausap tong si Den para dun sa commercial na inaalok sakin" sagot nito. Hinayaan ko lang silang magusap.
Inasikaso ko yun mga bagong dating na customers.
Naging ganito ang routine ko. Gigising ako sa umaga para pumasok ng office para asikasuhin ang paperworks tapos sa hapon kapag may time pa, ako mismo ang magaasikaso sa counter kapag wala akong pasok sa med school. Yup tinuloy ko yun pagmeMed school ko. Pang hapon lagi ang schedule ko. Nagkikita pa din naman kami ng mga kaibigan ko pero bibihira na lang pero nun mga unang tatlong buwan na umalis si alyssa, madalas sila ang kasama ko. Sila kim naman, madalas dumadalaw sa cafe kung nasaan ako. Minsan pa nga dinadala nila ang mga client nila dito para daw isang puntahan na.
Nandito ako sa office ng pumasok si rachel dun. Nagaayos na ko ng gamit para umuwi. Magsasarado na din ang cafe ngayon araw.
"kamusta?" nakangiting tanong nito. Hindi kami madalas magkita nito. Siguro isa o dalawang beses lang sa isang linggo. Pero tuwing magkikita kami ganito ang tanong nya.
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Фанфик"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...