Denden's POV
One week ng hindi nagpapakita si Alyssa simula ng umalis sya nun sa subic. Nandito kami sa antipolo para kunan ang ilang scene sa movie.
"namimiss mo no?" napalingon ako sa nagtanong sakin. Si Shar, umupo ito sa tabi ko.
"huh?" takang tanong ko dito.
"sabi ko kung namimiss mo?"nakangiting sabi nito sakin.
"sino?" takang tanong ko dito.
"si Valdez"
"okay?, sinong valdez?"
"hala! isang linggo lang hindi nagkikita nakalimutan na"
"oyy, hindi a, syempre naman oo, tagal na nya hindi nagpapakita e"
Napangiti naman ito sa sinabi ko.
"nasa business trip kasi" dagdag ko pa.
"sino?" tanong nito. Nalito ata ito sa sagot ko.
"si AL, sya pinaguusapan natin di ba?"
"ayy, oo sya" alanganin sagot nito. Napailing naman ako sa reaksyon nito. Umalis na ito sa tabi ko kasi sya na ang susunod.
Aly's POV
"guess what?" bungad ni Kim samin.
Nandito kami sa likod bahay namin. May malawak kasi backyard dun. Nakahiga kami nila ara sa damuhan. Nandun din si Mika.
"what?" sabay sabay naming tanong dito.
"i got another big fish" nakangiting sabi nito.
"wow! nice one!" sabi nila dito. Ako naman nakatitig lang sa langit.
"parang hindi masaya ang isa jan" singit ni Kim sa pagmumuni muni ko.Bigla itong umupo sa tyan ko.
"hoy! ang bigat mo!" sigaw ko dito. Nagpupumiglas ako sa kanya.
"bakit ang lungkot mo ata ngayon?" tanong nito. Nakaupo pa din sya tyan ko.
"baka may namimiss?" singit ni ara.
"oo nga, let me guess" dagdag ni Mika. "mahaba buhok?"
"maputi?" sabi ni Bang.
"artista ba yan? Model?" si mela naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/20392832-288-k518214.jpg)
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...