Chapter 33 (FaTunay)

25.9K 336 9
                                    

Mela's POV

Para akong walang buto habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Kim dito sa hospital. Hinang hina ako ng malaman ko na sinugod sya dito. Naabutan namin si Vic na nasa labas ng emergency room. Nakaupo lang ito sa sahig.

"Vic" tinakbo agad ni Alyssa si Vic.

"hey" hinang hina nyang sagot. Mugto din ang mata nito. Maya maya pa ay dumating din si Bang. Niyakap ni Bang si Vic. May sugat din ito sa labi at pasa. May dugo din ang kamay at damit nito.

"what happened?" tanong dito ni aly. Dinala namin si Vic sa bench na nasa labas ng emergency room. Nakatulala lang ito. "Vic"

"nasaksak sya, hindi ko man lang nakita yun sumasaksak, basta ang alam ko, apat na lalaki yun at dalawang babae" yun lang ang sinabi nya. "hawak ako ang dalawang lalaki kaya hindi ko sya natulungan"

"napaaway kayo?" takang tanong ni Alyssa."vic, pano? di ba alam mo yun level natin sa martial arts, pano naging ganito.?"

"hindi ko din alam, sinamahan ko lang si Kim, tinatawag nya ko kanina after ng training, pagdating ko sa bar lasing na sya, sinamahan ko lang sya habang nagdadrama, pero pinainom nya ko, konti lang ang ininom ko pero alam mo naman ang estado ko sa alak. Basta ang nangyari na lang, may lumapit samin na dalawang babae, malay ba namin na taken na pala sila kaya napaaway kami" mahabang lintanya nito.

"you fuck those girls?" hindi makapaniwalang tanong dito ni Bang. Lalo akong nasasaktan sa naririnig ko.

"no, we're not. Hindi namin sila inentertain kaya parang nabastos sila. Nun lumabas na kami ng bar, dun nangyari. I'll kill them, i swear. " 

"bakit kayo lumaban?" tanong ni Alyssa dito. Nagaangat ng tingin sakin si Vic.

"she said, nagpromise sya na hindi na sya makikipagaway.Ako lumalaban ako pero sya hindi talaga, tinanggap nya lahat" naiiyak na sabi nito. "Fo, ano bang ginawa mo sa kaibigan namin?"

Napaiyak ako sa sinabi nito. Sobra ko na din silang nasasaktan. Sobra na. Maya maya pa ay nilabas si Kim sa ER at dinala na sa private room. 

Sabi ng doktor buti na lang daw walang organs na tinamaan. Pero maraming stiches ang ginawa dito kasi medyo malalim yun tama.

Nandito kami ni Aly sa kwarto ni Kim. Pinauwi muna namin si Vic para makapagbihis. Pinasamahan na din namin ito kay Bang. Nasa tabi lang ako ng kama nito.

"kimmy, bakit hindi ka lumaban? bakit?" tanong ko sa kanya. Ano man sandali, papatak na yun luha ko.

Naramdaman ko ang kamay ni aly sa likod ko. Nakatayo lang sya sa likod ko. Hinawakan ko ang kamay ni Kim.

I miss her, grabe, sa araw araw na nakikita ko sya para akong sinasaksak ng maraming beses, yun mga ngiti nya na  genuine sakin hindi ko na yun nakikita. Kapag nasa classroom lang kami tapos walang klase, gagawa sya ng paraan para makaalis dun, minsan maririnig ko na lang may pinopormahan na sya. Gustong gusto kong sugudin yun babae, para sabihin na wag nyang landiin si Kim. Pagtraining, tuwing bibigyan nya ko ng bola, feeling ko, binibigay nya ulet ang puso nya sakin, pero hindi e, pinalo ko yun palayo sakin. I miss her, sobra, kung pede ko lang bawiin yun sinabi ko sa kanya dati. Kung pede ko lang sabihin na sanabi ko lang yun para layuan nya ko. Kung pede ko lang sabihin dito ang sitwasyon ko. 

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon