\Denden's POV
Nagising ako na sa pagkakaidlip ko kanina. Pagmulat ko ay nahawakan ko bigla ang labi ko. Ang gara kasi ng panaginip ko. Pagtayo ko ay saktong bumukas ang pinto ang pumasok sina Mika at Shar.
"kakagising mo lang ba den?" tanong ni Shar sakin.
"yup" sagot ko dito. Nakita kong nagkatinginan ang dalawa. "kelan pa kayo dumating Miks?"
"ah, kanina lang" nakangiting sagot nito.
"Si aly?" tanong ko ulet dito. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang nakakaloko nilang mga ngiti sa labi. "why?"
"nothing!" napalakas na sabi ni Mika. "si Aly ba? ayun namumula ang mukha."
"namumula ang mukha?"
"ah..kasi..ano.." hindi maituloy ni Mika ang sasabihin dahil sa kung anong iniisip nito.
"kanina pa kasi nakabilad sa araw kaya namumula..oo, kaya ganun" sabi ni Shar. Napatingin ako dito.
"oo, kaya namumula" segunda ni Mika.
"labas lang ulet kami Den, chineck ka lang namin" sabi ni Shar sakin tapos mabilis na lumabas.
Pailing iling naman ako habang papunta ng CR. Ang weird kasi ng dalawa na yun.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng room namin. Sabi ni Direk, aalis na kami dito bukas at pupunta na kami sa ilocos. Tapos na din kasi ng taping namin sa lugar na yun. Last na shooting ay sa ilocos.
Naabutan ko silang nakikipaglaro sa dagat. Napangiti naman ako ng makita ko si Aly na nakatalungko sa buhanginan at may pinagkakaabalahan.
"HI!" sigaw ko dito. Nagulat naman ito kaya medyo napaupo sya. Tawa naman ako ng tawa. Bigla itong namula. "anyare sayo?"
"w-a-la" nauutal na sabi nito tapos tumalikod at naglakad palayo sakin.
problema nun?
Naramdaman kong may umakbay sakin. Pagtingin ko ay si Kim at Vic.
"problema nun?" tanong ko sa dalawa.
"aba'y malay namin. Lumabas yan sa kwarto nyo na namumula." sagot ni Kim sakin.
"wala ka bang ginawa dun?" tanong naman ni Vic sakin.
"wala, natutulog ako e, hindi ko nga namalayan na dumating na pala kayo" sagot ko sa dalawa.Inalis ko ang pagkakaakbay nila sakin tapos hinarap sila. "may nangyari ba sa manila?"
Nagkatinginan ang dalawa tapos sabay tumingin sakin tapos umiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/20392832-288-k518214.jpg)
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...