Denden's POV
I don't know what to do or where should i go. It hurts! Ang sakit, ang sakit na hanggan ngayon sya pa din pala.
"do you still love me?" tanong ni rachel kay aly habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ng huli.
Para ako nanigas sa kinatatayuan ko. Lalapitan ko sana si Aly pero naunahan ako ni rachel. Naramdaman ko ang dalawang kamay na nagtakip sa tenga ko pero tinanggal ko agad yun. Gusto kong marinig yun.
"yes.." sagot ni Aly. Parang nadurog ng unti unti ang puso ko sa narinig ko. Kala ko ba? Ang sakit, ang sakit na marinig sa kanya pa mismo na mahal pa din nya si rache. Naguunahan sa pagdaloy ang mga luha ko. Gusto kong umalis na sa lugar na yun, pero ayaw ng mga paa ko. "i still love you.."
Ayoko na. Sobrang sakit na.
Tumakbo ako palabas ng bahay nila kim. Nakasalubong ko pa sila ni Mela pero dire-diretso lang ako. Saktong may dumaan na taxi sa lugar na yun kaya agad kong pinara at sumakay.
"san po tayo mam?" tanong nito.
"kahit saan manong" sabi ko tapos umiyak ako ng umiyak
Nandito ako sa loob ng ateneo. Ewan ko kung bakit ako dinala ni manong driver sa ateneo. Hindi na din ito nagpabayad pero ang kapalit,wag na daw akong umiiyak, hindi bagay sakin. Sakto naman walang guard sa gate kaya nakapasok ako.
Dumiretso ako sa oval kung saan nagtetraining kami tuwing umaga. Napangiti ako ng mapait.
Nakikita ko yun nangyari dati. Yun mga lokohan namin habang nagtetraining. Yun mga asaran, yun habulan kapag naaasar na.
"alyssa, lagot ka talaga sakin kapag naabutan kita" malakas kong sigaw dito. Pero hindi ako makatakbo kasi nasa kanya yun isang sapatos ko.
"kung kaya mo" sabi pa nito tapos binelatan pa ko. Nagtawanan pa ang mga kasama namin na ngayon ay nagpapahinga sa gitna ng field.
Inalis ko din yun isang sapatos na naiwan sakin tapos binato ko sa kanya. Dahil nakatalikod sya ay tinamaan ko sya sa ulo.
"ARAY!!" sigaw nito. Tiningnan nya ko ng masama kaya dinilaan ko sya. Ang ending, pinarusahan kami ni coach parehas.
"those times, kala normal lang yun pakiramdam ko na masaya ako kapag kasama kita pero may ibang dahilan na pala" umiiyak pa din ako. Kainis, nagagamit ko lang to dati kapag may scene ako na nakakaiyak.
Maya maya nakaramdam ako ng patak ng ulan. Ngumiti ako, akalain mo nga naman, pati langit nakikisabay sa pighati ko. Ilang years na, ilang taon ko ng tinatago to. Sobrang sakit na.
""dennise" mahinang tawag nya sakin.
Pumikit ako tapos huminga ng malalim bago sya hinarap ulet
"gusto kita"
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...