Chapter 5

371 11 0
                                    

STEV POV


Nakita kong lumabas sa room si Ira, kaya naman binaliwala ko lang ito. Ano bang pake ko kung saan-saan yang magsusuot? Aba makikipaglandian nalang ako sa mga girls, bubuhay pa ang alaga ko bwahaha.


Bigla akong lumapit kay ate girl na nagbabasa nang libro, classmate ko siya pero i don't even know what's her name. Napansin kong napansin niya din ako kaya binaba niya ang binabasa niya na libro tsaka tumitig saken.


"Hi, what's your name Miss?" Ngiting sabi ko, at bigla namam syang lumunok at namumula na ang pisngi niya.


"I-Im Nethel Cruz." Nice name huh?


"Steven Park is the name, single and always ready to mingle!" Kininditan ko para mas mamula siya nang todo, at mas namula nga siya. Agad akong lumipat sa harap kaya medjo nagulat siya 'don.


"U-Uhm may kelangan kaba?" Sabi ni Nethel.


"Oo meron sana eh. Kaso baka di mo ibigay!" Malungkot na sabi ko kunwari.


"H-Huh? A-Ano ba y-yun?" Naiilang na si Nethel, baka iba ang iniisip nito :3


"Yung oo mo sana, kukunin ko. Pwede bang makuha pati narin puso mo?" Pacute na sabi ko kaya para na siyang tomato sa sobrang pula nang mukha niya. Ang gwapo ko talaga!


"U-Uhm...."


Nang inaantay ko ang sagot ni Nethel, lumagpas ang mata ko sa likod niya. Yung maganda at sikat dito sa campus, what is her name again? Leslie Kim?


Tinignan ko siya, at tinignan niya din ako nang mata sa mata. Kaya medjo nailang ako doon, at bigla siyang ngumisi. Titignan ko na sana ulet si Nethel, nang nag-lipbite si Leslie. Agad kong inalis ang paningin ko sakanya, at bumalik sa upuan ko. Nakita kong nadismaya naman si Nethel nang bumalik ako sa upuan ko, nginitian ko nalang siya.


Nakita kong nakabalik na pala si Ira, saan kaya nanggaling 'to? Matanong nga.


"San ka pumunta?"

"Tss, 'jan lang." Inarapan niya naman ako. Sanay na ako eh hehehe kaya di ko na siya tinanong pa uli baka ma-badtrip, kasalanan ko pa tapos di pa ako makakauwi mamaya kase iiwan niya ako dito sa school, nako wag na lang.


*bell rang*


Huh? Bakit nag-bell? Dismiss naba kami? Mabuti din 'yon, nailang ako kay Leslie eh -,- Nakita kong nagligpit na nang gamit si Ira, kaya dali-dali kong iniligpit ang gamit ko. Aba syempre baka iwan ako dito ni Ira, mabuti na 'yung nag-iisip.


"Tara." Sabi ni Ira, kaya sumunod na ako sa kanya habang palabas kami sa room at makababa na sa building.


Dumiretso agad kami sa parking lot, hooo nakakapagod ang araw na ito kahit wala naman akong ginawa. Sumakay na ako sa kotse ni Ira at sumakay sa passenger seat. At syempre si Ira ang driver, sasakyan ito eh. Hahahahaha swerte ko talaga dahil may Saphira Reign ako. Hehehehe.

*Kinabukasan*


No One POV


*someone's calling*


Tinignan ko ang cellphone kong nakapatong sa lamesa, oh important call pala akala ko naman walang kwenta. I accepted the call.


"Boss, wala napo'ng natira sa kanilang lahat."


"Are you sure?"


Muling kumoum ang aking kamao, sa wakas wala nang sagabal sa mga plano ko. Natatanging siya nalang ang hampaslupang natitira sa mundong 'to, at humihinga pa.


*BANG*

*BANG*


*Lights off*


STEV POV


Nandito ako sa mall ngayon naglilibot-libot lang, walang magawa sa bahay mas lalong walang magawa sa buhay. Kaya eto ako nasa mall, nahahanap nang magpalibangan, ka-bored naman! Tawagan ko nga si Ira hehehe


*Bespren ko♡ Calling*


"Hmm?"

"Nasaan ka?"

"Why?"

"Samahan mo naman ako dito oh, wala akong kasama para akong nagluluksa dito." Malungkot na kunwaring sabi ko hehehe.

"Nasan kaba?"

"Sa lagi kong pinupuntahan, hehehehe! Hintayin kita ha?"
"Hmm, bye."

-Ended the call-


She knows a lot about me, my hobby's, my likes, dislikes, lahat na ata eh. I knew some information about her, but not that much kase hindi naman siya pala-kwento, tsaka bihira lang ako nakaka-punta sa condo niya. Agad akong tumungo sa entrance para hintayin siya doon. Nang biglang may nagtext saken.


1 message received. I opened it.


From: 09987654321

Notice me.


Huh? Notice me? Baliw ba 'to? Mareply-an nga..


"Huy!" Medjo nagulat ako don, pero pagtingin ko si Ira pala. Aish!


"San tayo?" Tanong niya, agad kong binulsa ang cellphone ko at nginitian siya at hinila.


Mage-enjoy na ako dito kase kasama ko na siya. Hahahaha ang lakas ko talaga kay Ira.

IRA POV


Guess what? Nasa play house kami nang mga bata, dito napagtripan ni Stev. Ayaw nga kaming papasukin nang crew na naka-assign pero nadala din sa pakiusap at pacute ni Stev. Nakaupo lang ako sa bench, at siya? Ayun nakikipaghabulan sa mga bata, kalalaking tao napaka-isip bata  -,-


"Iraaaaaa!" Sigaw niya nung nagslide siya don sa slide.

"Oh?" Ngumiti lang siya nang napakalapad, at umakyat uli para makapag-slide -,-

Kanina pa anjan yan, magto-2hrs na siyang nanjan hindi napapagod, ako ang napapagod sa kanya eh. Makabili nga nang makakain.


"Stev, bili muna ako nang foods. Dito ka lang."


"Okaaaaay po!" Tsaka ako lumabas.


Dumiretso ako sa supermarket, at namili na nang makakain. Syempre mineral at towel din pala na maliit para sa piling bata, alam kong pagod na pagod na 'yun eh. Pagkatapos kong bayaran, dumiretso agad ako sa kaharap na Jollibee, para makapag-take out.


"Is that all, Miss?" Tanong nang staff.


Tinanguan ko nalang siya, at bumalik na sa Play House Kids. Natanaw ko namang nakikipaglaro parin siya sa mga bata, malala na sakit niyan. Papasok na sana ako nang pigilan ako nang crew, wtf?! Kumunot ang kilay ko.


"A-Ah M-mam, bawal po kumain sa loob. Sa likod nalang po k-kayo m-mam may Food Area po d-doon."


"Stev, labas na jan!" Napahinto naman si Stev, at tumakbo papunta sa direksyon ko at nag-sapatos.


"Bawal ba dito kumain?" Inilapag ko muna ang bitbit ko, at kinuha ko ang towel tsaka mineral bottle.

"Bawal po sir eh, nasa likod po yung Food Area namin."


"Ah ok."

"Upo ka nga." Agad siyang umupo sa tabi ko.

"Mineral oh, alam kong pagod na pagod ka na. Kakain tayo maya-maya." Kinuha niya ang mineral at binuksan tsaka ininom niya.
At naubos niya naman lahat.

"Anong pinamili mo?" Hinanda ko na ang towel, kasi pupunasan ko na ang pawis niya sa noo at likod.

"Jobbee." Maikling sagot ko.


Agad kong pinunasan ang noo niya, tss ang laking tao nakikipaglaro pa sa mga bata -,-

"Talikod ka." Sabi ko

Pinunasan ko ang likod, ang basa-basa nang likod niya. Tss nakalimutan kong bumili nang tshirt para sakanya.

"Stay there." Agad kong tinakbo ang kaharap na Bench.


"Ito lang poba mam? 4,890 po mam." Agad ko itong binayaran at lumabas na. Tsaka tumakbo papunta na sa Play House Kids.


"What's that?" Tanong niya.

"Harap ka saken---Magpalit ka nang damit." Nabigla naman siya, kaya tinaasan ko lang siya nang kilay.

"S-Sure ka?"  Don't tell me nahihiya siya sa katawan niya? Aba anong pake ko kung may abs siya?!

Tinanguan ko nalang siya, at hinubad na niya ang basang-basa na tshirt niya tsaka sinout ang binili kong tshirt para sakanya. Tss fit him well, i knew his size of course.


"Tara sa likod na tayo." Agad kong kinuha ang bitbit kong cellophane kanina, at inagaw niya naman yun sakin. Tss kunwari gentleman


"Ang sweet naman po nang girlfriend niyo sir." Animong kinikilig pa na sabi nang staff na babae. Di ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad tsaka hindi naman ako ang kinausap niya.

STEV POV


"A-Ah Oo, sweet talaga yan kaya mahal na mahal ko yan." Yan nalang nasabe ko, aba bespren ko po 'yan hindi girlpren. Pero kinilig ako don sa inasta niya kanina, feel na feel ko pa nga e.


Agad kong binilisan ang lakad ko para mabutan ko  siya, malapit lang pala ang Food Area nila eh. Malapit na kami sa Entrance.

"Ticket niyo po Mam/Sir?" Agad nilabas ni Ira ang ticket na dalawa nung binigay na babae samin kanina noong papasok palang kami. Agad namang binuksan ang glass door at pumasok na kami.


"Dito tayo." Sabi ni Ira, pang dalawang tao lang talaga ang table na ito. Kinuha ni Ira ang Jollibee ana inilapag niya isa-isa ang pinamili niya. At punong-puno ang lamesa.


"Ang dami naman nito?" Tinanguan niya lang ako, at nagsimula na siyang kumain. Kaya kumain nadin ako nang kumain.

Hanggang sa naubos ko na lahat, hehehe ginutom ako kalalaro don ah! Mabuti nalang talaga at bumili nang makakain Ira, hays busog na ako. Makakapag-laro ulet ako! Yudiiee.

"Tara na." Naunang lumabas si Ira tsako ako.

Yehey! Malapit na, makakapag-laro ulet ako, hehehe. Papasok na kami sa entrance bwahaha--

"Where do you think you're going?" Napahinto naman ako at hinarap siya.

"Akala ko ba papasok ulet tayo?" Tinaasan niya lang ako nang kilay, at umiling-iling.

"H-Huh? Ira naman eh!"

"Uuwi na tayo."

"Mamaya na, Please?"

"Ngayon na. At aalis na tayo!"

"Pero..."

"I said no."


Nakakainis naman eh! Tuloyang tumalikod si Ira at  nauna na, kaya iiyak akong luhaan. Waaaaah!!!

He is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon