IRA'S POV
Agad akong umuwi nang bahay, nang pagkatapos naming mag-usap ni Luke.
Nagtaxi lang ako kasi ayokong magpasundo kay kuyang driver, at saka isa pa wala ako sa mood para makihalubilo.
"Salamat, ma'am." Sabi ni taxing driver, tumango lang ako at tumalikod na.
"Magandang hapon, Ma'am Ira." Sabi nang guard at hardinero nang bahay, tanging tango lang ang itinugon ko.
Pagpasok ko sa loob nang bahay, tahimik. Wala akong paki kung saan silang lahat, wag lang nila akong magalit.
Umakyat ako nang hagdan, at dire-diretsong pumasok sa kwarto.
Nilapag ko sa kama ang bag ko at nagtungo sa study table ko. I should think some thing.
Kailangan magsawa ako nang plano, dapat malinis at walang bahid.
Pagkatapos kong makaisip nang plano, tumayo ako at pumunta sa cr para makaligo.
Nakalimutan kong kumain sa sobrang pagmamadali ko kanina.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas nang kwarto para tumungo sa kusina.
"Hi Paps, Mams." Sabi ko. Hinalikan ko sa pisngi, at umupo sa tabi ni Paps.
"Oh apo, sakto kakain din kami." Sabi ni Paps, kaya nginitian ko lang siya.
Nasa harap ko ang pamilyang Fernandez, na nginitian ko si Mr. and Mrs. Fernandez. Pero hindi ko dinapuan nang tingin si Uster, ni hindi ako lumingon sa direksyon niya.
Nailapag na lahat nang makakain sa lamesa, kaya nagsimula na kaming kumain lahat.
"Apo, kailan nga ang balik niyo sa school?" Tanong ni Paps, na ikinalaki nang mata ko. Oh my god.
"K-Kahapon po, Paps. Nawala sa isipan ko na pasukan na po pala." Sabi ko. Bakit nga ba nawala sa isipan ko? Siguro nahibang lang ako kay Uster at kasal na hindi pa nila nabanggit sa akin.
"Ay oo nga pala, ano. Kailan kaba papasok?" Tanong ni Paps ulit.
Hindi ako pwede pumasok kase may problema pa ako kay Steven, dapat ko pang tapusin ang bagay na 'yun.
"Next week po ata, Paps. Pakisabi naman po kay Lolo, may inaasikaso po kasi ako." Sabi ko kay Paps. Tumango naman siya na ibig sabihin sumang-ayon siya.
"Anong pinagkaka-abalahan mo, iha?" Tanong ni Mrs. Fernandez. Ang bastos nama kung 'di ko siya sasagutin.
"Ah, tungkol po sa kaibigan ko. May sakit po kasi siya." Ang lame nang reason ko, i know it. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ililigtas ko si Steven mula sa grupong black rose.
"Ganoon ba." Sabi ni Mrs. Fernandez, kaya tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya.
Nang matapos kaming kumain lahat ay nagtungo ako sa likod nang bahay, alas sais pa lang naman kaya may taong naglilinis pa doon.
Umupo ako sa upuan na may round table, kaharap ko ang swimming pool na mayroong light sa ilalim nang tubig.
"Manang?" Tawag ko kay Manang na nagliligpit nang kalat, agad naman siyang lumapit sa akin.
"Yes, ma'am?" Tanong niya.
"Pakisabi kay Yaya na dalhan niya ako nang light snack dito." Sabi ko, at tumango naman siya tsaka pumasok sa bahay.
Mabuti na lang nasa bulsa ko ang cellphone ko, kinuha ko 'yun at nag pa soundtrip na lang.
*Now Playing: Tagpuan by Moira Dela Torre*
BINABASA MO ANG
He is Mine
Mystery / ThrillerRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revised. You may read some mistakes.