Chapter 15

283 9 0
                                    

LESLIE'S POV

We've finally destined El Nido, Palawan. Sobrang ganda dito, hindi din masyadong maraming tao para ngang pribado ang lugar nato.  Nagstop na ang taxi at naunang bumaba si Luke tsaka ako.

Binaba na niya ang mga maleta namin, nginitian ko siya at tumango lang siya saken. Psh

Nakita kong papalapit samin si Ira, at dumiretso kay taxi driver, magbabayad ata siya. Kinawayan pa niya si manong at umalis na si manong driver.

Binalikan ni Ira si Steven para kunin ang maleta niya at pumunta sa direksyon namin.

"Naka check-in naba tayo, Mahal?" Tanong ni Stev, psh uncomfortable talaga ako pag ganyan ang tawag ni Stev kay Ira

"Hindi pa, anong gusto niyo? 2persons in 1 room? 1persons in 1room? 4persons in 1room syempre yung pinakamalaki." Hmm ano nga ba? Masyado namang uneasy kung ikaw lang isa, lalo na pag marami kayo psh.

"2persons in 1room." Sabay pa kami Luke niyan, nagkatinginan kami saglit at agad niya naman iniwas ang mata niya saken.

"Okay, si Stev ang katabi. So kayong dalawa sa isang room." Kuminang naman ang mata ni Stev sa narinig niya -.- Pero wait! What?

"Okay lang ba sayo 'yun Luke?" Sayo Leslie?" Habol na tanong ni Ira, ayaw kong maging pabigat sa gastusin kaya okay.

"Ok." Sagot naming pareho ni Luke. Di ko na siya tinignan, tinanguan lang kami ni Ira at naunang maglakad papasok sa Hotel. Kaya sumunod nadin kaming tatlo.


LUKE'S POV

Nakapasok na kami sa Hotel at todo bumati ang mga staff doon, panay tango lang kami ni Ira at panay bati din si Steven at Lay. Dumiretso kami sa front desk para makapag-check in na kami. Ewan ko ba kung bakit siya pa ang katabi ko.

"May available pa ba kayong room?" Tanong ni Ira sa nakabantay sa front desk

"Yes mam. 2persons in 1room po ba mam?"

"Yes. 2 room na good for 2persons in every room." Sagot agad ni Ira

"Yes mam, wait lang po mam." Tinanguan lang siya ni Ira, at may hinanap don sa computer at kinuha ang susi sa likod niya na dalawa.

"Room 234 and 235 po mam. Pinatabi ko na po ang dalawang room. Ilang days po ba mam?" Kinuha ko ang isa at kinuha ni Stev ang isa.
"3days." Sagot ko. Kase paramang tinatamad na magsalita si Ira

"50k po mam and sir. Dalawa na pong rooms 'yun."

"Here." Nilapag agad ni Ira ang 50k na nakatali pa. Kinuha iyon nang babae at may ginawa naman sa computer. Naunang umalis si Ira kaya sumunod nadin kami.

"Enjoy your staying Mam&Sir. Have a good day!" Pahabol na sabi nung staff, hindi namin pinansin iyon at tumayo na sa harap ang elevator.

*TING*

Pumasok na kami sa elevator, malayo pa kami. Katabi ko si Ira at nasa likod ni Ira si Stev at sa likod ko si Lay. Tapos meron pa sa likod nila na dalawang babae.

"Ganda nung nasa unahan oh! Ang kinis, pang mayaman!" Tsk nagbubulungan naba sila niyan?

"Makinis din tung kaharap natin ah?" Buti nalang hindi nila pinapansin ang sinasabe nang dalawa. Too loud to talk about it behind of us.

"Mag couple ata sila no? Bagay yung nasa harap at ito ring nasa harap at ito ring nasa likod nila."

o_O

Tinignan ko si  Ira, nakataas ang kilay niya. Nabibingi ata siya kase salita nang salita ang dalawang babae, o di kaya? Ayaw niya yung mismong  narinig niya na b-bagay k-kami?


"Pwede ba manahimik kayo?" Agad lumaki ang mata ko, si Steven pala ang nagsalita. Tinignan niya nang masama ang dalawang babae.

"Sorry po." Paumanhin nung isang babae.

"Stop talking if your mouth talked nonsense." Napalingon bigla si Ira kay Steven, alam na alam niya kung paano magalit si Steven.

Tinignan niya ako at bumulong na tabihan-mo-muna si-Leslie-bilisan-mo kaya agad akong umatras. Pinuntahan ni Ira si Steven, at niyakap ito. Pumunta sila sa harap kaya nasa likod na kami ni Leslie.

"Isang salita pa!" Naghahamon na sabi ni Steven habang yakap-yakap ni Ira

"Tama na Mal." Tinignan ni Ira si Steven mata sa mata. Nawalan naman nang lakas si Steven

"Eh kasi, hindi maganda ang mga pinagsasabi nila eh!" Parang bata si Steven sa inasta niya, tsk

"Dont mind them." Sabi ni Ira. Kaya yumuko si Steven na para bang nahihiya, at may binulong sakanya si Ira at inangat nito ang ulo.

"Okay?" Sabi ni Ira, kaya tumango si Steven. Lumingon siya ulit sa dalawang babae, at tinignan ito ng masama. Di ko mata ang reaksyon nang dalawang babae kasi nasa likod ko sila. Wala din akong pakialam sa reaksyon nila.

Umayos nang tayo si Steven, yakap-yakap siya ni Ira sa likod nang balakang niya. Tinignan ko ang nasa tabi ko, at nagulat pa siya sa reaksyon niya. Tsk

*TING*

Naunang lumabas ang dalawa, hawak-hawak parin ang maleta leta nila. Kaya sumunod nadin kami sa likod nila. Nasa left side ang 200-220 na rooms then sa gitna ang elevator sa right side ang 230-250. Last floor nga pala to.

231-232-233-234

234 ang nakuha kong susi, at huminto kami doon ni Leslie. Sinusian ko na ito, at tinignan ko ang dalawa sa katabi naming room. Tinanguan lang kami ni Ira at pumasok nadin sila sa kwarto nila. Pumasok nadin ako.


STEV'S POV

Ni lock ni Mahal ang door. Inilagay niya ang maleta sa baba nang maleta. Hinubad niya ang jacket niya at tinanggal ang salamin pati sapatos niya. Hinubad ko narin ang polo ko, at pants. Naka boxer nalang ako at nakasando.

"Tulog muna ako Mal, sakit ng katawan ko. Gisingin mo lang ako pag kakain ka, sabay tayo." At ipinikit na niya ang mata niya. Kumportable ba siya na magkatabi kaming dalawa? Wala akong masamang gagawin. Hmp!

Tumabi na ako sakanya, at humarap sa kanya. Hindi namn ako pagod o inaantok, gusto ko lang magrelax. Tsk

"Mahal?" Baka hindi pa siya tulog eh, nagugutom ako

"Mahal ko?" Tsk mukhang nakatulog na yata. Inilibot ko ang mata ko, yeah buti nalang may telephone dito. Ayokong bumaba, nakakapagod tsk.

Tumayo ako at umupo sa sofa nang kwarto. Tsaka inabot ko ang ang telephone.

(Hi, Goodmorning. What can i help you Mam/Sir?)

Direkta na pala to sa network nila. Mabuti naman

"I want meal, 2 dish in 235 and 2 dish in 234. Serve the best please."

(Okay sir, is that all?)

"Yes, just serve us fast. Don't forget the water"

(Okay Sir. Thankyou.)

Binalik ko na ang telephone at kumuha nang isang magazine para makapagbasa muna.

*AFTER 15minutes*

*tok tok*

Tumayo ako at binuksan ang pinto, yung order ko pala.

"Sa lamesa nalang." Tumagilid ako para makapasok ang isang babae. Nakita ko namang bumukas din ang pintuan nila Luke, tinanguan ko nalang siya.

"My treat." Sabi ko sakanya at kinuha niya ang tray sa lalaki, tsaka sinarado ang pinto nila.

"How much?" Nakalabas na ang babae, nasa bulsa ko naman ang wallet.

"6k sir." Kumuha ako nang pera sa wallet at ibinigay ang kailangan nila, nilock ko na ang door.

Pumunta ako sa kama para gisingin si Mahal. Ang himbing nang tulog niya. Paano ko ba 'to magigising?

"Mahal?" Tinapik ko ang balikat niya

"Mahal Ko?" At tinapik ulit ang balikat niya

"Hmmm" Napaka-antukin niya talaga

"Mahal?" This time niyugyug ko siya nang mahina

"Mahal, nagugutom na ako." Sabi ko, nakapout pa ako gusto ko nang kumain eh pero gusto ko kasama siya.

O_O

Gising na siya, ang bilis naman? Sinabe ko lang na gutom ako, nagising siya agad. Tumayo siya at pumunta sa cr. Tumayo nadin ako at pumunta sa lamesa, good for 2persons lang ang table nila.

"Tara baba na tayo." Napatingin ako kay Mahal, naghilamos pala siya. Ang ganda niya talaga

"Nag-order na ako." Sabi ko kaya tinignan ang nasa harap ko, umupo na siya sa kabilang dulo.

"Sila Luke ba nakakain nadin?" Tanong niya

"Ah oo, nag-order din ako para sakanila." Tumango naman siya

"Kaninong bayad?" Kelangan paba alamin yun? Mahal talaga

"Ako."

"Tss dapat ginising mo 'ko, gumasto kapa tuloy." Sabi niya at nagsimula na siyang kumain, kaya kumain nadin ako

"Kunti lang 'yun Mahal." Sabi ko at sumubo nang kanin

"Tss libre ko kayo okay?" Sabi niya at uminom ng tubig

"Okay na, tama na. Kumain kana diyan." Baka humaba ang usapan eh ang ending nag-away kami. Hays

"Gusto mong magbeach tayo?" Tanong niya habang pinupunasan niya ang bibig niya nang tissue, tapos na pala siyang kumain.

"Sige, maaga pa naman eh." Sagot ko, tinanguan niya lang ako at tumayo tsaka kinuha niya ang maleta niya.

"Magbibihis lang ako, magbihis kana rin." Sabi niya at pumunta sa cr

Niligpit ko na ang kinainan namin at nilabas yun sa hallway at iginilid doon. Kukunin din naman nila yun. Agad akong nagpalit nang short at hinubad ang sando ko.

"Nakabihis kana?" Si Mahal pala, tinignan ko ang sout n-niya. Bat ganyan ang sout niya?!

Naka twopiece siya na color brown!!!

"Anyare sayo?" Hmp

"Bat ganyan sout mo?!" Di ko na mapigilang mainis tsk

"What? Oh come on Mal, nasa beach tayo alangan naman mag gown ako diba?" Inirapan niya ako tsk

"Tsk, ewan ko sayo. Basta may titingin sayong lalaki. Sumpa man sasamain siya saken!" Tinalikuran ko na siya at lumabas na sa kwarto. Naiinis ako Mahal, naiinis ako sa sout mo hindi sayo. Bahala ka jan.

He is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon