IRA'S POV
Bumalik ako sa cr para makapag-lotion at malagyan nang sun block for face para sa mukha ko. Kahit magtagal pa ako dito wala namang naghihintay saken sa labas.
Nang matapos akong maglotion at maglagay nang cream sa mukha, inayos ko ang buhok at tinalian iyon. Tsaka lumabas nang cr, nilayasan na talaga ako nang Steven na 'yun -,-
Sinout ko na ang cottonjacket ko para hindi balandra ang katawan ko pag lumabas ako sa kwartong 'to. Niligpit ko na ang dapat ligpitin tsaka lumabas nang kwarto. Wala namang papasok dito kase may cctv sa hallway, bawat floor.
Dumiretso na ako sa elevator para makasakay buti nalang may nanggaling sa baba na dito ang room nila. Kaya pumasok na ako sa elevator, panay ang titig nila saken -,-
*TING*
Lumabas na ako nang elevator, at tuluyang nakalabas sa hotel. Hinanap agad nang mata ko si Mal. Gotcha, nasa may duyan siya na natatakpan nang puno kaya hindi mainit sa parteng 'yun.
Pumunta ako sa direksyon niya, tss nililibot niya lang ang paningin. Bakit hindi pa siya lumangoy? Hinihintay pa niya siguro ako lol.
"Bakit hindi ka pa lumalangoy?" Tanong ko nang makatabi ako at makaupo sa duyan. Di niya ako nilingon, ay galit nga
"Hinihintay mo ako no? Sweet mo talaga, walang kupas!" Insultong sabi ko kaya tinignan niya ako nang masama. Scary pfft hahaha
"Bakit kapa kase nang bikini? Tss pwede namang short at sleeveless lang." Umiling-iling nalang ako.
"Ngayon lang 'to woi." Sabi ko, at tumayo na din ako para makapunta na sa beach, tumayo nadin siya. Hinubad ko na ang cotton jacket ko. Shems nakatingin na ang mga nandito saken -,-
"Ayan nga ba ang sinasabe ko. Pati babae natitibo sayo!" Inis na bulyaw niya, tsk bakit napaka-mainitin ang ulo nito?
"Pabayaan mo sila, Mal." Wala ako sa mood sabayan ang init nang ulo niya
"Tsk eh kasi naman bakit gan---*kiss* Tama na, okay? Sayo lang naman ako tatabi, masyado kang paranoid." I kissed him on the lips nang manahimik na siya kaka-salita nabi-bingi na ako sakanya. Nagulat naman siya sa ginawa ko, o diba masyado siyang gulatin sa edad niyang 'yan -,-
"Tara na, wag ka nang mag-daydream." Hinila ko na siya para makaligo na kami sa dagat. Natanaw ko naman sa hindi kalayuan si Luke na nakatayo lang at si Leslie na nasa likod niya. Kanina pa pala sila nandito.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko kay Luke nang nasa harap na nila kami. Hanggang boobs ko lang ang tubig dito.
"Oo, sinamahan ko lang si Leslie." Sagot naman niya, kaya tinanguan ko nalang siya. Hinarap ko si Steven at binitawan ang kamay niya.
"Lalangoy muna ako." Wala akong sagot nakuha mula sa kanya kase nasa state of shock parin siya.
Lumangoy na ako sa tubig at malinis nga ang El Nido. Walang dumi o basura man lang. Nag-floating ako at sumisid sa ilalim. Hmm nakakarelax ang tanawin dito. Bumalik ako sa kinaroroonan nang tatlo.
"Marunong ka palang lumangoy?" Tanong ni Luke saken nang makaahon na ako
"Oo, since birth." Baka sabihin niya pang nagpaturo ako
"Huy, ano na?" Tinulak ko nang mahina si Steven kaya nasubsub ang mukha niya sa tubig. Tss hindi ko pa 'yun pitik pero parang tinulak ko siya nang malakas sa epekto niya -,-
Sinamaan niya ako nang tingin, kaya tinawanan ko lang siya nang mahina. Hahaha lol
"Lumangoy kana. Hihintayin kita." Hindi niya ako sinagot, bagkos lumangoy nalang siya. Tss
"So how's the view?" Tanong ko kay Luke, tinignan ko si Leslie sa likod busy siya sa kakapicture sa mga isdang maliliit.
"Relaxing. Ang ganda dito." Napataas naman ang kilay ko, hindi paba siya nakarating dito? Ah okay
"Pagkabalik ni Mal, kain tayong apat sa resto dito." Oo dala ko, siniksik ko sa bra ko kanina pero nung nasa duyan ako nilagay ko sa may puno. Kung saan nakasabit ang jacket ko.
"Sige." Tinanguan ko nalang siya, at tinignan ang direksyon ni Mal. Ang layo na niya, pabalik na siya dito. Tinignan ko naman si Luke na nakatingin kay Leslie, tss may something talaga sa dalawang 'to eh.
"Watdapak!" May humihila nang binti ko sa ilalim nang tubig, walangya. Sino ba 'to?
"Are you okay?" Tanong ni Luke na nag-alala ang tingin niya, hinawakan niya pa ako sa balikat.
*SPLASH*
"Who told you to touch my property?" Tss si Steven yan, ang sama-sama ng tingin kay Luke.
"Pabayaa mo 'yan, paranoid lang yan." Sabi ko nang natatawa kay Luke kay umiling-iling din siya nang may ngiti sa labi. Natatawa din siguro siya kay Steven.
"Tara na, sa resto tayo. Nagugutom ako kahit kakain ko lang." Nauna na akong umahon sa tubig, tss oo nga pala nakapaa lang pala ako, kaya mapupuno nang buhangin ang paa ko at paa nila. Naka-ahon na ako sa tubig, at sinout ko ang c.jacket ko tsaka kinuha ang wallet ko sa pinagsiksikan ko sa puno.
"Ganto lang ba ang sout naten?" Napalingon ako sa nagsalita, oh si Leslie woring her white two piece.
"Oo, pagkatapos nating kumain. Mag-inuman nadin tayo." Sabi ko kaya tumango naman silang lahat, tinignan ko si Steven na pinupunasan ang buhok niya nang tuwalya. Nagdala pala siya, wow.
"You wore it. Bagay sayo." Napalingon ako kay Leslie, sa sinabe niya kaya pilit na ngiti lang ang sinagot ko. Tss pati nga necklace t anklet ni Mal&Luke sinout ko.
"Tara." Sabat ni Luke kaya naglakad na kami. Shems ang init, tapos panay tingin din samin ang karamihan. Freedom pls?! -,-
Narating na namin ang resto&bar kasi di naman kalayuan, nauna akong pumasok doon at umupo sa good fod 4persons. Tumabi saken si Mal, at nasa kabilang side ang dalawa. May lumapit agad na waiter samin.
"Anong order niyo po Mam/Sir?"
"Your best dish please, 4 dishes for us." Sabi ni Leslie.
"And prepare the hard drink, just serve it after were done eating, sisig ang pulotan and kung ano pa ang pulotan ninyo jan." Pahabol ko, kaya sumulat nang sumulat ang waiter.
"Is that all Mam/Sir?"
"Water please, im thirsty." Sabi ni Mal, ang hilig-hilig niya talaga sa tubig.
"Ok sir. Enjoy staying." Lumayas na sa harap namin ang waiter, wala pang 2mins na serve na ang water na order ni Mal. Todo inom naman siya, baka mabusog siya sa tubig niyan.*After 15mins*
"Here's your order Mam&Sir. Here's the chargeable. Enjoy!" Malaki naman 'tong table nila, kaya kasya ang 2 tray na dish na pina order namin. Kinuha ko ang receipt para sa babayaran namin na 15k pala, kasali na siguro ang alak dito. Kinuha ko ang wallet ko at dumukot nang pera tsaka pumunta sa counter kung saan na nakatayo ang waiter na nagserve samin.
"Here's the payment. Kasali naba dun ang pina-reserve ko na alak at pulotan?" Tinanggap niya ang bayad at resibo tsaka may sinulat don.
"Ah opo mam, ise-serve ko po yun mam mamaya." Tinanguan ko nalang siya at bumalik na sa table namin.
"Let's eat." Nagsimula na kaming kumain nang tahimik, sea foods pala ang best dish nila dito. Sakto ang lasa, hindi masasayang ang pera mo dito sa resto&bar nila.
Nauna akong matapos kumain, at pinahinga ko muna ang tiyan ko kase mag-iinon kami mamaya. Nang matapos na silang kumain, tinawag ko ang waiter na nagserve samin, may bitbit siya na bucket at tray.
Niligpit na niya ang kinainan namin at inilapag ang dalawang bucket at tray na nasa plate ang pulotan namin. 2 sisig at 2 inihaw na isda ang pulotan namin. Hmm masarap 'to
Kumuha ako nang isang bote, at binuksan iyon gamit ang opener niya. Kumuha nadin ang tatlo at binuksan iyon.
"Cheers."
*PLING*
*PLOK PLOK*
"Hinay-hinay meron pa bukas." Natatawang sabi ko kay Luke, natawa din siya nang mahina. Kumain ako sa isda na meron nang sawsawan.Shit favorite ko 'to!
BINABASA MO ANG
He is Mine
Mystère / ThrillerRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revised. You may read some mistakes.