LUKE'S POV
We're here again @RestoBar, gaya nang napag-usapan iinom ulit kami. Tahimik akong nakikinig sa kanilang tatlo, madalas nagkwe-kwento din ako ng mga naranasan ko. Alas dos palang nang hapon kaya mataas-taas ang oras namin para makapag-kwentuhan. Total kaninang umaga nilibot na namin 'tong isla, nag-jetskie na kami, sumakay nadin kami ng yati at nag-snorkling nadin kami. Sinulit na namin kasi bukas na ang alis namin.
"Naalala ko pa 'nong, nagre-recite ako tapos biglang nagsabi si Mahal nang, "Ma'am nauutot ako, pwede po bang umutot dito? Tinatamad akong lumabas eh!" Hindi ko na napigilan tumawa ako ng malakas, galit na galit yung subject teacher namin 'non." Sabi ni Steven habang naiiyak na sa kakatawa, tawang-tawa din si Lay sa kinu-kwento ni Steven.
"You're disgusting, Mal." Natatawang sabi ni Ira kay Steven pero binelatan lang siya ni Steven kaya napailing-iling nalang si Ira.
"I really enjoy spending days with you guys, mygod my jaw's incisived so much." Natatawang sabi ni Lay, siya ang pinakamalakas na tumawa sa amin. Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Grabe ang sakit nang panga ko." Steven wiped his eyes dahil may mga luha pang natira dito. Sila lang naman ang tumatawang dalawa eh.
"Nandito kayo ulet? Seems like nagka-kasiyahan kayo." Sabi ni Cris kasama si Trevor, may pasa si Cris sa bandang ibaba nang labi niya. Ngumisi naman si Ira sa kanya. Hmm
"A-Ah oo, nagku-kwentuhan kasi ka--- Hi Steven, mas gwapo ka ngayon." Pinutol ni Cris ang sagot ko ni Lay. No manners, tss. Sinenyasan ko si Lay, na tumahimik nalang.
"Tsk." Inis na iniba ni Steven ang tingin niya.
"Hi there Luke!" Bati sakin ni Cris pero tinanguan ko lang siya.
"Hi Ira." Sabi ni Trev, pero hindi siya dinapuan nang tingin ni Ira pero tumango lang siya.
"Makikiupo muna kami dito, pwede ba?" Tanong ni Cris habang nakatingin kay Ira.
"S-Sure." Sagot ni Lay kase alam niyang hindi siya kikibuan ni Ira.
Kumuha nang dalawang upuan si Trevor at umupo sila sa harap namin. Tumawag nang waiter si Cris at kinuha ang wine na nakalagay sa tray. Regular customer ang dating nilang dalawa dito.
"Kwento na kayo guys, nanahimik kayo bigla eh." Sabi ni Cris. Tss answer your statement cunt, nakikisali kapa sa usapan namin.
"Excuse me." Lahat kami tinignan ang nagsalita, tumayo si Ira at lumabas sa RestoBar.
"A-Ah palagi ba kayong nandito? Parang kilala kayo dito eh." Buti nalang binasag ni Lay ang katahimikan sa pagitan naming lima.
"Ah yes, every month nandito kami." Sagot naman ni Cris habang iniinom ang wine. Nasa labas naman ang tingin ni Trevor kung saan lumabas si Ira.
"Nice to hear that." Tuwang sabi ni Lay kaya nginitian lang siya ni Cris
"Trevor, speak it up. Magsalita ka naman." Sabi ni Cris kay Trevor.
"I have nothing to say Cristine." Seryosong sagot ni Trevor. Natawa naman si Cris sa sinabi nang asawa niya.
"Kailan ba uwi niyo?" Umangat ang ulo ni Steven sa tanong ni Trevor. Tinignan niya ako at binalik ulit kay Trevor ang tingin."Sa makalawa pa." Sabi ko, napataas naman ang kilay ni Lay sa sinabe ko. Pero tumango-tumango din siya sa nais kong iparating. Bukas na talaga ang uwi namin, sinabe ko lang iyon para magawa na nila ang gusto nilang gawin.
"Makakapag-bonding pa tayo niyan." Nakangisi si Cris nang sabihin niya ang katagang iyon. Napansin naman yun ni Steven pero tinitigan ko siya sa mata at tumango naman siya.
"*ehem*" Bumalik na si Ira at umupo na sa tabi ni Steven, at uminom na nang alak.
"You took so long, what did you do?" Tanong ni Steven kaya nakuha nila ang aming atensyon. .
"Nagpahangin lang, biglang sumama ang hangin dito eh." Nakangising sagot ni Ira habang nakatingin sa hawak na bote. Binalingan ko si Cris at humigpit ang hawak niya sa wine.
"Hi there Trevor... and who are you again bitch? I mean misis?" Tanong ni Ira habang nakangisi paren. Gusto kong tumawa sa inasta niya pero parang masyadong mainit ang ulo ni Cris.
"She's Cristine." Pakumbabang sabi ni Trevor. Kaya tinanguan lang siya ni Ira.
"So what brought you here? Maraming vacant na table that good for 2. Dito pa talaga sa pwesto ko, naisipan niyong umupo." Hambog ang pagkasabi ni Ira sa sinabi niyang 'yon. Pulang-pula na ang mukha ni Cris pero lumaki lang ang ngisi ni Ira habang nakatitig sa kanya.
"Bawal pala? Hindi kasi namen alam." Pabalang na sabi ni Cris kay Ira.
"Hindi naman sa bawal, parang pakitang-tao kasi ang asal niyo lalo na ikaw." Pabalang na sagot ni Ira. Hindi 'to maganda.
"Oh talaga? Binabantayan mo pala ang kilos namin. Masyado ka namang pakialamera kong ganon." Nakangisi si Cris habang sinasagot niya si Ira.
"Lol. Masyado kasi kayong halata kaya hindi na kailangan pakialaman. Sabi nga nila, "If the two birds hit by a one stone, flocks together." It's suits you dear." Sagot ni Ira, habang tinitignan niya ang dalawa na parang diring-diri siya.
"What do you want from us?" Seryosong tanong ni Cris kay Ira pero napatawa nalang mahina si Ira.
"Ako? Ako ang may kailangan sa inyo? Oh c'mon don't fool around. Kayo ang may kailangan sa amin or should i say SAAKIN." Sumeryoso ang mukha ni Ira, kaya nagulat nang bahagya si Trevor sa pagsigaw ni Ira. Nangangamoy away na naman ito.
"Let's go Trev, she's insane totally insane." Pailing-iling na sabi ni Cris habang hinila-hila si Trevor palabas nang RestoBar.
"Parang transparent lang kayong dalawa, ako contrast na. Stupid alliance." Seryosong sabi ni Ira habang nakatingin sa dalawa, napahinto naman ang dalawa at nagpatuloy na lumabas nang RestoBar.
Alam ko kung anong gustong sabihin ni Ira sa mga binitawan niyang salita, pero nanahimik lang ako.
"Grabe Ira, humuhugot kaba? Yung linya mo pamatay!" Kunwaring pinapay-payan pa ni Lay ang sarili niya.
"Mahal yung totoo? Broken ka?" Natatawang sabi ni Steven, pero nginitian lang siya ni Ira.
Mas mabuti nalang na wala silang alam sa nangyayari sa paligid. Tahimik na pinagpatuloy ni Ira ang pag-inom niya nang alak.
"Let's talk Luke." Napaawang ang labi ko nang sabihin ni Ira 'yun. Ano ba ang pag-uusapan namin? Tumayo nadin ako at dinala ang bote ng alak. Dala din niya yung kanya, bagong bukas nga lang.
"Wait! Hindi niyo naman kami tatakasan diba?" Tinignan ko si Lay nang seryoso-kaba-diyan-look. Mukhang seryoso nga siya.
"We're not. May pag-uusapan lang." Sabi ko, at tumango-tango naman siya.
"Mahal hindi mo naman ako ipagpapalit diba?" Napailing-iling nalang si Ira sa sinabe ni Steven.
"Babalik din kami. Stay here for good, wag kayong aalis pag hindi pa kami nakabalik." Sabi niya at hinalikan si Steven sa pisngi, tss. Parang kamatis naman ang loko -,-
Nauna nang lumabas si Ira at sumunod ako. Tinanguan ko uli ang dalawa para mapanatag ang loob nila. Nakalabas na kami sa RestoBar, at tuloy-tuloy na nilisan ang parte na iyon.
BINABASA MO ANG
He is Mine
Mystery / ThrillerRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revised. You may read some mistakes.