IRA'S POV
Alam kong mahal ako ni Steven, pareha lang kase kami nang nararamdaman. Hindi ko pinakipakita but yes, im sure what i've said earlier. Kanina padin ako kinukulit ni Mal na ulitin ko ang sinabi ko, dapat ini-record niya nalang. Tss
Hindi ako nagmamadali para sa aming dalawa, i want to ready for that status kung hindi man maudlot. Hindi pa ako handa sa relasyon, gusto ko pang makilala siya nang husto. Sabi nga niya "Love takes time"
"Alas nuwebe na guys, sleep na tayo. Antok na ako eh." Kinusot pa ni Leslie ang mata niya, sakto pagod na akong umupo.
"Makapaglibot-libot pa tayo bukas, kaya dapat maaga tayong matulog ngayon." Sabi ko at tumayo na, tumayo nadin ang tatlo.
Pumasok na kami sa hotel at tumungo sa elevator. Parang pagod na pagod ang katawan ko. Naalala ko tuloy ang dalawang animal, tss rest in peace mga bobo.
*TING*
Lumabas na kami sa elevator at nalakad patungo sa mga kwarto namin.
"Goodnight." Panimula ko sa dalawa.
"Sweetdreams." Masayang sabi ni Leslie
"Good night." Sabi ni Luke
"Keep safe! Hehehe." Napatingin kaming lahat kay Steven, pinagsasabi nito? Matutulog na nga lang keep safe pa?
Pumasok na ako sa loob ng kwarto namin ni Mal, at kumuha nang damit sa maleta. Mabuti nalang nasa ayos ang mga damit ko.
Nilock na ni Mal ang pintuan at humilata sa kama. Sinenyasan ko siyang maliligo muna ako. Tinanguan niya lang ako.
Mabilis akong natapos maligo, hindi naman ako nagdasal sa loob nang banyo. Tss ewan ko ba sa ibang babae ang tagal-tagal matapos maligo. Parang may seminar talaga sa loob nang cr.
"Maligo kana." Sabi ko kay Mal at sinampay ko ang tuwalya sa upuan. Sinuklay ko na ang buhok ko para mapabilis ang pagtuyo nito.
Pumasok na siya sa cr, at umupo ako sa headboard ng kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa drawer at tinignan kong may mga text ito na importante.
Si Paps at Lolo lang ang tingin kong importante. Inuna kong buksan ang kay Lolo.
From: Lolo
Apo, kumusta na kayo diyan? Nakakain naba kayo ng maayos? Palagi kayong mag-iingat.
Reply-an ko nalang si Lolo, baka sabihin niyang snob ako. Yea may nabili pala akong souvenir kaninang umaga, pasalubong para sa kanila nila Paps at Mams.
Composing Message
To: Lolo
Okay lang po kami dito, Lo. Bukas nang hapon po ang uwi namin. Salamat Lolo.
Message Sent!
Binuksan ko ang text ni Paps na sabay nang pagreceive ko sa text ni Lolo.
From: Paps
Apo, mukhang enjoy na enjoy kayo ah? Kumusta na ikaw? Masaya ba diyan? Wag kalimutan kumain.
Composing Message
To: Paps
Enjoy po talaga dito Paps. Mabuti naman po, kayo ho diyan? Masayang-masaya po. Opo Paps, ikaw rin. Hehe
Message Sent!
Binalik ko na sa drawer ang cellphone ko, at sinuklay uli ang buhok buti naman at medyo tuyo na siya.
Pinagpag ko ang higaan namin at humiga na ako, sakto namang kakalabas lang ni Mal sa banyo.
Nakatapis lang siya nang tuwalya, nakangisi pa ang loko. Tss asa namang maakit niya ako sa abs niya. Inirapan ko na lang siya at tumalikod sa kanya.
"Mahal?"
"Hmm?" Lalaking 'to kahit nagbibihis hinahanap parin ako.
"Totoo ba talaga yung sinabe mo kanina?"
"Oo, ba't mo natanong?" Naga-alinglangan ba siya sa sinabe ko?
"Hindi lang kase ako makapaniwala, akala ko jino-joke time mo lang ako."
"May mga bagay talaga na hindi mo inaasahan sa hindi inaasahang sitwasyon." Makahulugang sabi ko sakanya, ramdam ko namang lumubog ang kabilang higaan.
"So ano na? Tayo naba? O liligawan paba kita?"
"Hindi pa ako handa sa pakikipag-relasyon Steven, alam mo 'yan. Ayaw ko ring magpaligaw. Ayoko ng gulo, gusto ko ng katahimikan." Sagot ko, nakatalikod parin ako sakanya.
"Paano na ang nararamdaman natin sa isa't-isa? Babaliwalain nalang natin? Ganoon ba?"
"Hindi ko kailanman sinabi 'yan, ang akin lang matuto tayong makuntento sa kung anong meron sa atin. Hindi basta-basta agad nakukuha ang isang bagay, matuto tayong maghintay sa tamang panahon." Sabi ko. Naramdaman kong niyakap niya ako, pero hindi ko pinansin iyon.
"Alam ko. Ang akin lang kasi pag dumating na ang araw na 'yan, baka may iba kanang napupusoan, o di kaya ako. Hindi sa lahat nang bagay maghihintay nalang tayo sa wala, kailangan din itong madalain kung kinakailangan."
"Kung totoo man iyang nararamdaman mo dapat mong isipin na kung gusto mo talaga ang isang bagay, dapat may tiyaga ka sa paghihintay. Hindi lahat nakukuha mo nang madalian, ang iba kailangan mo pang mahirapan." Sagot ko, at hinarap ko siya.
"Pero sabi mo diba mahal mo ako, mahal din kita. Kailangan pabang patagalin 'yun? Parehas naman tayo nang nararamdaman."
"Hindi purket parehas nating mahal ang isa't-isa eh magpadalos-dalos na lang tayo sa isang bagay. Hindi kailnman sukatan ang nararamdaman para madalian mong makuha ang isang tao. Sabi mo nga diba, Love takes time." Sabi ko sakanya at diretsong nakatingin sa kaniyang mata.
"Matulog kana, 'wag kang mag-alala bukas mahal parin kita." Hinalikan ko siya sa pisngi at umayos nang higa para makatulog agad ako.
LUKE'S POV
Hindi ko talaga kayang kontrolin ang nararamdaman ko. Ngayon paba na pareho silang may nararamdaman sa isa't-isa? Masyadong mailap ang tadhana para sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, nagkamali, o anong kasalanan ba ang nagawa ng magulang ko. Kung bakit pati ang babaeng pinakamamahal ko, kay mahal 'ding iba. Siya mismo ipinagkait sa akin.
"Okay ka lang?" Ramdam kong lumapit sa akin si Lay. Nakadungaw ako sa bintana at nakatingin sa malayo.
"Oo. May iniisip lang." Sabi ko sakanya at pinakawalan ang hingang kanina ko pa ginagawa.
"May problema kaba?" Tanong ni Lay. Isinarado ko ang bintana at umupo sa kama... sa tabi niya.
"Wala naman." Sabi ko sakanya at tuloyang humiga sa kama, gusto kong maglasing at humiyaw pero tinatamad ako.
"Nararamdam kita Luke, i know what kind of situation you're in." Sabi niya, kaya tinignan ko siya sa mata. Halata naba ako masyado?
"Don't expect some matters Lay. Wala lang 'to." Sabi ko sakanya pero umiling-iling lang siya.
"You can fool yourself but not the people surrounded by you." Sabi niya habang nakangiti.
"Alam kong gusto mo siya, Tart." Napahinto ako ng tawagin niya akong muli nang Tart, at sa sinabe niya.
"Alam ko ang pakiramdam na 'yan." Sabi niya at humiga sa tabi ko.
"Dati, pilit kong sinasabe na trip lang kita. Hindi ako seryoso sayo. Pero nagkamali ako, ako din pala ang talo." Natatawang sabi niya, tinignan ko siya ng seryoso.
"Alam kong nagkagusto ka din sa akin noon, pero may nauna talagang babae na nagustohan mo bago ako." Tinignan niya ako ng seryoso.
"Pinigilan ko na 'to, simula palang na nagka kilala kami. Hanggang sa dumating ka pero nabigo ako nang makita ko siya ulet, mas lumala pa pala." Sabi ko, nakokonsyensya ako sa mga pinagsasabe ko.
"Nirerespeto ko ang nararamdaman mo, pero sana respetuhin mo din ang nararamdaman namin ni Steven." Pinahid niya ang luha niya, habang nakatingin sa akin.
"Pinipigilan ko ito Leslie, pero ayaw niyang magpa-pigil." Sabi ko at pinahid ang luhang tumulo galing sa mata niya.
"Huwag mong hintayin na isang araw, wala na itong nararamdaman ko para sayo." Nabigla ako sa sinabe niya at nasaktan
"Good night." Sabi niya at tumalikod sa akin.
Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko, pag pinatuloy ko 'to marami akong masasaktan na taong malapit sa akin. Nakokonsyensya ako, dapat ba akong tawaging makasarili? Kasi iniisip ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya? Magpaparaya nalang ba ako? Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
He is Mine
Mystery / ThrillerRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revised. You may read some mistakes.