Chapter 7

352 13 0
                                    

No One II POV



Hindi namam purket nilusob niya kami eh, hindi namin kayo tatablahan? Baka hindi niyo kilala ang binangga niyo? Meet us @Pavillion 10pm. See you losers!



-DieNoFear



May halong kaba ang nararamdaman ko ngayon, aaminin kong takot nga ako sakanya ngunit hindi ko lang 'yun pinapakita sa mga alagad ko. Kaya kahit ayokong pumunta sa tagpuan mamayang gabi, wala akong magawa baka lusubin pa niya ang lungga namin at dito na ako mamatay.



IRA POV




"Mam ihahatid po ba natin si Sir?" Buti nalang may bumasag sa katahimikan.



"Oo Kuya, malapit lang sa condo ko yung subdivision nila." Tumango-tango nalang si kuyang driver. Hindi naman kasi siya masyadong matanda mga 30-40 lang ata siya eh.



*vibraaaaaate*



Hmm? Oh crap, cellphone ko pala. Agad kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ang nasa screen. Tumatawag si Lolo kaya sinagot ko iyon.



(Nasaan na kayo?)



"Ihahatid pa lang po namin si Steven Lo."



(I see. Sige, mag-ingat kayo. Sya nga pala napakuha ko na ang koche mo don sa paaralan apo.)



"Ah salamat po Lo."



(Okay bye) He ended the call.




"Si Lolo NATIN ang tumawag Mahal?" Tsss ayan na naman siya



"A-Ah Oo."



"Ano sabi?" Tssk halata namang nakinig ka sa usapan eh



"Ah pinapatanong kung nasaan nadaw tayo, sabi ko ihahatid ka pa lang." Tumango-tango nalang siya



"Ah Mam, saan ba dito mam?" Agad kong nilingon si Kuyang Driver, nasa subdivision na pala kami nila Mah--Steven tsk.



"Diretso lang Kuya, malapit lang 'yun."


"Papasok ka paba sa bahay?" Huh? Ako? Bakit naman? -,-



"Hindi na, gabi na eh."



"Psh!" Luh? Anyare sa kanya?



"Ihahatid nalang kita sa mismong gate ninyo." Kase alam kong mangungulit kana naman



"T-Talaga?" Tinanguan ko nalang siya



"Dito lang kuya... Oh tara na hatid na kita baka mawala kapa eh." Kinuha ni kuya sa likod ang box at bumaba na kami ni Steven sa koche. Ipinasok ni kuya sa loob ang box, at sa gate lang ako huminto... pati siya rin -,-



"Goodnight." Sabi ko sakanya



"Goodnight Mahal Ko." Abnoy



"Ge." Yan nalang sinabe ko, tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako kaya napaharap ulit ako sakanya.



"What?"



"Sabihin mo na." Alam kong yun lang ang hinihintay mo ulol



"Goodnight Mahal Ko, matulog kana ha?.... Okay na?" Inirapan ko siya pero tumawa lang siya. Kaya tumalikod na ako at binuksan ang backseat.



"Ingat Mahal." Hindi ko na siya nilingon at kumaway-kaway nalang habang papasok ako sa loob ng koche.



"Tara na manong." Nagbacking na si Kuya at mabilis kaming nakarating sa condo ko. Pina-assist ko sa guard ang box at dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga.

He is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon