Chapter 8

4.3K 169 1
                                    

Bigla nagising ang inaantok na diwa ni Alexiz Ann ng sumalubong sa kanya ang mabangong amoy na yun. Kalalabas lang niya sa private office niya pagkatapos ng inuwi niyang trabaho dahil nga umuwi siya ng maaga at inuwi na lang niya ang trabaho.

Nalalanghap niya ang matamis na amoy. Agad siyang natakam. Alam niyang kung saan nanggagaling ang amoy na yun pero lagpas hatinggabi na dapat nagpapahinga na ang mga ito. Kaya naman niyang kumuha ng pagkain at initin tuwing gabi bago siya matulog kapag nakaramdam siya muli ng pagkagutom.

Walang ingay na bumaba siya para silipin kung sino ang nasa kusina.

Oh,Yung yummy na cook mo pala,anang ng wolf niya.

Humalukipkip siya at tahimik na pinanuod niya ito. Abala ito sa kung ano nasa harapan nito nakatalikod kasi ito sa kanya at dito nanggagaling ang matamis na amoy na yun.

Yummy!

Kahinaan niya ang pagkain kaya walang ingay na lumapit siya rito para tignan kung anong klaseng pagkain ang naaamoy nya.

Nang masilayan niya iyun biglang nanubig ang baga niya kasi sa itsura pa lang niyun masarap na.

Nagbake ito ng cake!

"What's that?"untag niya rito.

Napaigtad ang lalaki sa pagkabigla. Mukhang tutok na tutok talaga ito sa ginagawa at hindi naramdaman ang paglapit niya rito. Bumaling siya paharap dito ng matunghayan ang nasa ibabaw ng center island.

"M-ma'am,kayo ho pala," napapahiyang saad nito ng makabawi mula sa pagkabigla.

Nanatili blanko ang emosyon sa mukha niya. Humalukipkip siya rito.

"Ano yang bineyk mo?" muli niyang pagtatanong.

Agad itong ngumiti.

Oh,gwapo niya kapag nakangiti!

Hindi niya pinansin ang sinabi ng wolf niya. Nanatiling emotionless ang anyo niya. Pero sa kaloob-looban niya gusto na niyang sunggaban ang pagkain nasa harapan niya.

"Uh,lecheflan cake,Ma'am..especialty ko,ahm,hindi pa ko nagpapasalamat sa mga nagawa niyo samin ni Tiyang..salamat,Ma'am..sa lahat-lahat,"sinsero nitong saad.

Ohh,ang sweet naman pala niya eh.

Gusto niyang mapaingos sa sinabi ng wolf niya hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga sinabi nito sa kanya.

" Ipaghihiwa ko kayo,ma'am..para po talaga ito sa inyo,"anito na mabilis na kumuha ng platito at pinaghiwa siya ng isang slice niyun at nanuyo ang lalamunan niya ng makita kung gaano kalambot ang nasa ibabaw ng cake.

"Sana magustuhan niyo,Ma'am..yung tamis sana mahilig kayo?" anito pagkaraan ilapag sa harapan niya ang platito.

Umaagos ang ang caramel syrup na nasa ibabaw niyun kaya lalo siya natakam. Hitsura pa lamang at amoy siguradong napakasarap niyun.

Agad na tumikim siya hindi na siya nagpigil dahil talagang gusto na niya iyun matikman.

Nang isubo niya iyun lihim sila napahalinghing ng wolf niya ng kumalat ang lasa niyun sa bibig niya.

Pinigilan niya na mapapikit ng mga mata sa harapan ng lalaki.

Kailangan niya magmukhang intimidating sa lahat na oras na kaharap niya ito.

Tahimik lang na nakatingin sa kanya ang lalaki. Well,he look so nervous.

Tsk,for real?

"Okay lang,tama lang ang tamis,"walang anuman na komento niya.

Nakita niya ang bahagya nitong paghinga ng maluwag.

Dinampot niya ang platito at binitbit iyun palabas ng kusina.

Di ka man lang nag-thank you?

Why should I? He bake me a cake for the 'thank you',right? And maybe to apologize,too.

Tsk,kahit na..so rude ha.

Agad na sumubo siya muli niyun habang papanhik sa pangalawang palapag ng mansion niya.

Doon ipinikit na niya ang mga mata sa sarap ng kinakain niya.

Alam niyang mabibitin siya sa hiniwa ng lalaki para sa kanya pero ayaw naman niyang bumalik agad para kumuha ulit at saka para naman iyun sa kanya kaya makakain pa siya niyun kinabukasan.

Muli siyang sumubo niyun. Napalambot niyun sa bibig. Ang toppings naman niyun. Ang smooth sa dila agad na natutunaw.

Iyun na ata ang pinakamasarap na cake na natikman niya.

Oo,yummy din kasi yung nagbeyk eh!

Pinagkibit na lamang niya iyun ng balikat. Kapuri-puri naman talaga ang lalaki sa pagluluto nito pero nga lang hindi pa nawawala ang inis niya para rito.

Nang makarating siya sa kanyang silid agad na pinatong niya ang wala ng laman na platito sa ibabaw ng bed side table niya.

Isa-isa niya inalis ang mga saplot niya sa katawan at tinahak ang comfort room niya na kumpleto sa kagamitan. There's a black ceramic jacussi at sa bandang tapat niyun ay ang shower glass.

Kailangan niya marelax. Hindi man siya kaagad na nakararamdaman ng kapaguran narirelax pa rin niyun ang buo niyang katawan dahil sa warm water. Inilubog niya ang sarili sa loob ng jacussi at umapaw ang tubig niyun. Isinandal niya ang sarili sa gilid niyun at ipinikit ang mga mata.

Ito ang isa sa pinakapaborito niyang ginagawa ang magbababad sa maligamgam na tubig na nahahaluan ng mabangong amoy na hinahalo sa tubig upang bumula iyun.

Sa ilalim niyun ay tilang kumukulo ang tubig at may bula na nagsisimula ng bumalot sa kabuoan ng jacussi. Kumalat na sa buong palikuran iyun ang mabangong amoy niyun.

Her favorite scent. Hindi na namalayan ng prinsesa na nakatulog na ito habang nakababad pa rin sa tubig.

Kung hindi lamang siyang isang lobo malamang sa malamang nagkasakit na siya sa tagal ng pagkakababad niya roon. Kung normal na tao siya siguradong ubo at sipon ang aabutin niya.

Madaling-araw na iyun ng magising siya.

Pero sabi nga nila kahit gaano ka man katibay natitibag din.

Isang hantsing ang umingay sa silid niya pagkalabas niya ng banyo.

Uh-oh,that's not good,mahal na prinsesa.

Muli siya napahantsing hanggang sa hindi na iyun tumigil.

Call Zei or Valerie..ayaw ko magkasakit,mahal na prinsesa.

Dismayadong umupo siya sa paanan ng kanyang kama.

"Hindi tayo magkakasakit,okay.."

Muli siyang napahantsing.

Yeah,right,mahal na prinsesa. Hindi nga tayo magkakasakit.

"Just drink a water alot then it's done.."aniya saka mabilis na tinungo niya ang kanyang closet upang maghanap ng susuutin sa araw na iyun.

Muli umalingawngaw ang paghantsing ng prinsesa sa loob ng silid na iyun.

"Ugh,no way!"may inis na bulalas ng prinsesa.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon