Chapter 22

3.9K 129 2
                                    

"Good morning,Ma'am Alexiz!" agad na pagbati ni Arthur sa sa kanya pagkalabas niya ng mansion.

Kunot-nuo siyang napatingin sa rito.

Humalukipkip siya pagkatapos niyang huminto sa harapan nito habang ito naman ay nakaupo sa hood ng kotse.

"Ihahatid ko na kayo,Ma'am Alexiz," nakangiti nitong saad.

Lalo nagsalubong ang mga kilay niya.

"Bakit? Hindi ba trabaho mo lang ay ang ipagluto ako? Hindi naman kita driver,Mr.Becham,"aniya.

" Ahm,gusto ko lang sana ipagmaneho kayo wala na kasi ako ginagawa pagkatapos ko magluto at maglinis ng bahay,"anito na sinundan ng nahihiyang ngiti.

Ihh,sige na...

Sa anyo pa lang ng binata mukhang gusto talaga nitong ipagmaneho siya. Napabuga siya ng hininga.

Sige na,prinsesa!

"Alright," aniya at mabilis na tinungo niya ang likuran kung saan siya uupo.

Bakit hindi sa unahan?!

Shut up,wolf!.angil niya rito.

Bago pa man niya mabuksan ang pintuan naunahan na siya ng binata.

Nakangiti ito sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Agad na kinalma niya ang pagtibok ng mabilis ng kanyang puso.

Woah,so gentleman!

Walang imik na sumakay na siya. Mabilis naman na sumakay na din ang binata at maingat ang pagmamaniobra nito sa kotse.

"Ahm,bakit nga po pala hindi niyo ginagamit itong kotse? Sabi ni Tyang matagal ng nakagarahe itong kotse roon?" maya-maya usisa nito sa kanya habang nasa daan sila.

Infairness,hindi boring ang biyahe ! Talk to him!

Nanatili nakakrus ang mga braso niya sa harapan.

"Si Zei lang ang may gusto na gamitin ko ang kotse na 'to..hindi ko naman kailangan pa," casual niyang pagsagot.

Hindi agad umimik ang binata kaya napatingin siya sa rearview mirror at nakakunot ang nuo nito.

"Zei? Yung nagdideliver ng mga gulay?"anito na may bahid na pagdisgusto.

Napaangat ang isang kilay niya ng may mahimigan siya sa boses nito.

"He's not just delivery boy,Arthur,kaibigan na matalik din siya ng pamilya ko..." bigla pagpapaliwanag niya na hindi naman niya alam kung bakit sinabi niya iyun.

Nanatili pa rin nakakunot ang nuo nito.

"He's my guardian,too..since malayo ako sa magulang ko,"dagdag pa niya.

Hindi niya agad naiiwas ang mga mata ng mapatingin sa salamin ang mga mata ng binata.

Unti-unti nawawala ang pagkakunot ng nuo nito.

"Guardian..."usal nito habang nakatitig sila sa isa't-isa.

Agad na iniiwas niya ang paningin rito. Ibinaling niya iyun sa labas ng bintana.

" Okay lang ba kung hatid-sundo ko kaya sa tuwing papasok kayo sa trabaho? Saka wala naman na ko ginagawa kapag wala ka na sa bahay,"pukaw nito sa kanya.

Muli siya napabaling sa salamin sa unahan at hindi na nakatingin roon ang binata.

"Bakit naman?" saad niya.

"Gusto ko lang kayo pagsilbihan..ganun,saka sayang naman itong kotse hindi nagagamit,ang sarap pa naman imaneho,ngayon lang ako nakapagmaneho ng ganitong kagarang kotse sa amin kasi pick up truck o di naman kaya motor lang ang nahahawakan ko,"pagkukwento nito.

Infairness ha,masarap siya kausap. Hindi awkward..

Agad na sinupil niya ang bigla pag-usbong ng pagkagiliw rito. Nagsishare ito ng tungkol sa buhay nito.

And she glad to hear that although she still keep saying herself na wala siyang pake sa buhay nito pero..he starting open his self to her at...nagugustuhan naman niya iyun.

Pero alam naman natin na kailangan dahil mate natin siya!

Yeah,right.

"Okay lang po ba,Ma'am?"untag nito sa kanya ng matahimik siya.

Tumikhim muna siya bago siyang tumango ng bahagya.

Nakita niya ang pagpunit ng isang ngiti sa mga labi ng binata mula sa rearview mirror kahit hindi ito nakatingin roon.

Ahh,good decision,Princess!

Ipinikit niya ang mga mata pero aware siya sa presensya ng binata.

Maya-maya pa ay naririnig niya mahina nitong pagkanta.

Oh someone is happy!!!

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon