Chapter 17

4.2K 186 12
                                    

Nakita niya tayo!

Napahigpit ang hawak niya sa seradura ng pintuan ng isara niya iyun pagkalabas ng binata.

Hindi niya inasahan na makikita siya nito sa anyong lobo niya at huli na ng matanto niya iyun saka lang niya naramdaman ang presensya nito ng makatuntong siya sa balkonahe niya.

Napasuklay siya sa kanyang mahabang buhok.

Sigurado hindi na siya mananahimik ngayon nakita niya tayo!

Naikuyom niya ang mga palad.

Bakit ba kailangan mangamba siya? At bakit niya nararamdaman yun? Isa siyang prinsesa ng mga lobo at hindi siya nakakaramdam ng ganun pero bakit? Bakit siya nakakaramdam niyun..ng pangamba at...takot?

Sa tingin mo matatakot siya satin? Nag-aalala tayo na baka katakutan niya tayo at hindi niya tayo tanggapin?

Damang-dama niya ang pangamba nila ng wolf niya.

Bakit? Bakit ganito ang pakiramdam?! Tao lang siya! Hindi siya dapat matakot rito?

Kung nanaisin niya mas gugustuhin niya na wag ng ipaalam rito ang tungkol sa tunay niya pagkatao pero..huli na. May nalalaman na ito dahil sa padalos-dalos niya at kapabayaan.

Nagiging careless na siya at hindi niya matanggap yun!

Bakit kailangan mangyari iyun. Binubuking niya ang sarili sa binata.

Mate natin siya,hindi ba dapat malaman naman talaga niya?

Muli niya naikuyom ang mga palad. Magulo ang isip na umupo siya sa paanan ng kama niya.

"Hindi ko alam.." usal niya.

Hindi siya makapagdesisyon.

Paulit-ulit niya inisip ang nakasulat sa propesiya.

Her choice. Her choice. Her choice.

Pero may sinisigaw ang puso at isip niya.

Her mind and her heart shout her,Choice to be with him!

Mariin niya ipinikit ang mga mata.

"Sana nandito sina ama at ina," naguguluhan niyang usal.

Kinabukasan,maaga siyang umalis. Ayaw muna niya magkita sila ng binata na alam niyang kuryuso na sa pagkatao niya.

"Uh,M-ma'am..?"pukaw ng isang empleyado niya.

Nangangamba ito pero gayunpaman pursigido itong makausap siya.

"What is it?"kalmante niyang saad na tila kinahinga ng maluwag ng empleyado niya.

" Ahm,Ma'am..ito na po yung expenses report na magagastos sa nalalapit na anibersaryo ng kompanya,"anito saka nilapag sa mesa niya ang isang long folder.

Agad na dinampot niya iyun at pinasadahan ng tingin. Nakasaad roon ang halaga na magagastos at nakasulat roon ang paggagastusan ng halagang iyun.

Tumango siya at mataman na tumingin sa babaeng empleyado niya na naghihintay ng tugon niya.

"Alright,simulan niyo na ang pag-oorganize."aniya.

Napangiti ang babae. " Opo,Ma'am Alexiz!"

Bumuga siya ng hangin at sumandal sa sandalan ng swivel chair niya.

Bigla kumalam ang sikmura niya.

I'm famished! Sana man lang kumain muna tayo bago tayo umalis,reklamo ng inner wolf niya.

Bakit nga ba umiiwas siya sa lalaking iyun? Nagutom tuloy siya! Nagngingitngit ang kalooban niya.

Bumukas ang pintuan ng silid niya at agad na napabaling siya roon.

"Dinalhan ko kayo ng almusal niyo,Ma'am Alexiz," nakangiti saad ni Arthur.

Napamaang na lang siya sa biglaan pagdating nito sa opisina niya. Dinalhan siya nito ng pagkain!

Woah! Ang thoughtful ng mate natin!

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon