Chaprer 41

4.3K 155 8
                                    

Kanina pa nararamdaman ni Alexiz Ann ang tensyon sa pagitan ng kanyang ama at ni Arthur. Tahimik lang ang binata habang panay ang inom ng tubig. Pinagsaluhan nila ang masarap na hapunan na niluto nito. Napangiti siya sa sarili ng makita na may pabulaklak pa ito pero hindi na iyun naiabot sa kanya ng binata marahil dahiL sa presensya ng kanyang ama.

Hindi niya talagang inaasahan na bibisitahin siya nito!

"Saan mo siya nakilala?" maya-maya saad ng ama niya.

Sabay sila napatingin sa isa't-isa ng binata.

"Personal cook ko po siya,Ama.." matapat niyang tugon sa ama.

Kilala niya ang kanyang ama alam niyang pinag-aaralan na nito ang katauhan ng binata.

"Sinabi mo ba sa kanya agad?" muli nitong tanong sa kanya na nanatili ang tingin nito sa kasintahan niya.

She sighed. "Hindi po,Ama..ahm,nabigyan ko siya ng ideya kung ano ako dahil sa naging kilos ko na nagbigay sa kanya ng pagdududa sa tunay kong pagkatao," aniya.

"Tanggap ko po siya,Sir.." biglang saad ng binata.

Matapang nito sinalo ang madidilim na mga mata ng kanyang ama.

"Talaga..?" duda ng ama.

Hala,natitense na ko!

Pinatahimik niya ang wolf niya. Aware siya dun na tila disgusto ng kanyang ama ang binata.

"Yes,Sir..ako ang mate niya..tinadhana kami kaya naman..kahit ano pa siya tatanggapin ko siya dahil mahal ko ang anak niyo," matiim nitong saad sabay sulyap sa kanya.

"Mahal mo..baka naman natatakot ka lang na tanggihan siya dahiL alam mong hindi siya tao," matalim na saad ng ama.

Kung hindi lang niya kilala ama baka nakipagtalo na sya rito. Alam niyang sinusubukan na nito ang binata.

"Sa maniwala man kayo o hindi,tanggap ko siya at totoong mahal ko siya.." buong tapang na tugon ng kasintahan sa kanyang ama.

Hayy~ I love him talaga! Pinaninindigan talaga tayo ng mate natin!

Nakaramdam siya ng kasiyahan dahil sa pinapakita ng kasintahan sa kanyang ama.

"Paano kung sabihin kong ayaw ko sayo kahit ikaw pa ang mate niya?"

Napatingin siya sa ama. Nangunot na ang nuo niya rito.

"Sir..gusto niyo ako o hindi..hindi ko hihiwalayan ang anak niyo..kamatayan lang ang pipigil sakin na mahalin ang anak niyo,"saad ng kasintahan na kinabaling niya rito.

Puno ng kaseryusohan ang anyo nito na nakikipagtitigan sa ama niya.

"Hmm..kamatayan huh," malamig na saad ng kanyang ama.

Tumayo ang ama niya sa kinauupuan nito.

"Sumama ka sakin,patunayan mo sakin ang mga pinagsasabi mong kamatayan," may panganib na saad ng ama.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ama..?"

Bumaling sa kanya ang ama na madilim pa rin ang anyo.

"Let him prove kung kaya ka nga niya panindigan,ayoko sa mga taong puro angas at salita lang," istrikto nitong saad sa kanya.

Napabaling siya kay Arthur na hawakan nito ang kamay niya na nasa gilid ng Plato niya.

"Ayos lang ,huwag kang mag-aalala..paninindigan ko ang pagmamahalan natin dalawa," nakangiti nitong sabi sa kanya.

Marahas siya napabuga ng hangin. Hindi niya mapipigilan ang ama sa binabalak nito.

"Tandaan niyo,ama..he's my mate kapag nasaktan siya para niyo na rin ako sinaktan," matiim niyang saad sa kanyang ama.

"I know,my princess," masuyo nitong tugon sa kanya.

"Sumunod ka sakin," matigas na ang anyo nito ng bumaling sa kasintahan niya.

"I love you,mahal ko!" nakangiti man ito alam niyang kinakabahan ito.

Sundan mo kaya sila?!

Hindi..mate natin siya. Hindi gugustuhin ni ama na saktan ako.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon