Chapter 16

4K 151 3
                                    

Maalinsangan ang gabi kaya hindi siya makatulog. Ayaw naman niya mag-aircon dahil mas gusto niya ang natural na lamig mula sa hangin na pumapasok sa balkonahe at bintana niya. Dinampot niya ang isang pakete ng sigarilyo niya at kumuha ng isang stick niyun. Lumabas siya sa nakabukas na balkonahe niya at doon muna siya hanggang sa dalawin siya ng antok. Umupo siya sa gilid niyun at doon tahimik na tiningala ang kalangitan na may nagkalat na maiitim na ulap.

Napapangalahati na niya ang sigarilyo ng bigla siya napabaling sa kanang bahagi niya. Bigla huminto ang pag-ikot ng oras ng makita niya ang isang malaking nilalang na tumalon sa kabilang balkonahe kung saan ang silid ng amo niya.

Kulay itim na malaking hayop!

Nanigas siya pati ang paghinga niya ay pinigilan ng sa ganun hindi maramdaman ng malaking nilalang na iyun na naroroon siya.

Gusto man niya gumalaw dahil bigla niya naalala ang amo niya sa loob ng silid na iyun at baka saktan ito ng malaking itim na nilalang na iyun!

Nanlaki ang mga mata niya ng makita pumasok iyun sa loob. Doon lang siya natauhan at humahangos na lumabas siya ng silid upang puntahan ang amo.

Baka kung ano na nangyayari sa dalaga.

Shit!

Humihingal na kinatok niya ang kwarto nito ng sunod-sunod. Lalo siya nag-alala ng hindi agad tumugon ang dalaga sa loob.

"Shit!" bulalas niya na pilit na niyang binubuksan ang nakalock na seradura.

"Ma'am Alexiz!" malakas niyang tawag rito.

Nang wala sagot balak na sana niya tadyakan at sirain ang pintuan ng bigla na lamang iyun bumukas.

Salubong ang kilay at kunot-nuo na sumungaw sa kanya harapan ang kanyang amo.

"Ma'am Alexiz!" bulalas niya at walang pakundangan na pumasok siya sa silid nito na walang pasabi.

Sinuyod niya ng tingin ang buong silid at nagtataka na wala siyang nakitang malaking nilalang roon.

"What's wrong with you? Bakit bigla ka na lang nambubulabog ng dis-oras ng gabi? Nasusunog ba ang bahay?" malamig nitong sita sa kanya.

Hindi makapaniwala na humarap siya rito. Imposible! Nakita niya iyun na pumasok ang malaking nilalang na iyun sa silid nito at alam niyang hindi siya namamalikmata ng mga oras na iyun!

Humalukipkip ito at may disgusto sa ginawa niyang biglaan pagpasok sa silid nito. Doon lang nya natanto ang nagawang kahihiyan.

Pero imposible na wala rito ang malaking na nilalang na iyun!

"Ano ba ang kailangan mo at kailangan mo pang kumatok ng ubod ng lakas at tila ba gusto mo pang sirain ang pintuan ko?" muli nitong paninita sa kanya.

Shit! Sobrang pagkapahiya na talaga ang ginawa niyang iyun!

Pero nakita talaga niya!

"U-uh,Ma'am ,"hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nakikita niya na ayos lang ito at parang wala naman itong nakita kung ano na pumasok sa silid nito.

Unless na lang..kung may alaga itong wild animal at itinatago lang nito?!

Sheyt,marami ba itong sekreto tinatago?!

" P-pasensya na,Ma'am.."tangi nasabi na lang niya.

Matiim siyang pinakatitigan nito at sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba at ng pagkapahiya.

Iwas ang mga mata niya na lumabas siya ng silid nito. Mariin niya naikuyom ang mga palad niya na nasa magkabila gilid niya.

Alam niya..at nararamdaman niya na may tinatago ang dalaga sa kanya!

Sa nangyari ngayon mas tumindi pa ang pagnanais niya na alamin ang lahat sa dalaga.

Sisiguruduhin niyang malalaman niya ang nililihim nito.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon