Chapter 18

3.8K 153 3
                                    

Habang hinihintay niya matapos kumain ang ma'am Alexiz Ann niya sa opisina nito nagpasya siyang mag-ikot-ikot muna sa buong gusali na pag-aaari nito.

Sa batang edad nito matagumpay na ito sa buhay. May sarili na agad na kompanya.

Kanina,nabahala siya na hindi ito nag-almusal kaya naman naisipan na lang niya pagdalhan ito. Ang mahigpit na bilin sa kanya ng tiyahin niya ay huwag itong gugutumin. Sa kabila niyun may hidden agenda din siya. Gusto niya mapalapit sa dalagang amo niya. Gusto niya unti-untiin ang pagtuklas sa tunay nitong pagkatao.

Malakas talaga ang kutob niya na may nililihim talaga ang dalaga at hindi siya titigil hanggat hindi niya iyun natutuklasan.

Napahinto siya sa paglalakad ng may humarang sa kanyang isang babae.

"Hi! Naliligaw ka ba?" sa klase ng pananalita nito ay parang nang-aakit ito.

Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang babae. Maiksi ang suot nitong kulay pink na palda at hapit na hapit naman ang suot nitong kulay pink din na blusa. Nakabukas ang dalawang butones kaya nasisilip ang cleavage nito.

Malamang empleyado ito rito.

Mapang-akit na ngumiti sa kanya ang babae na may kakapalan ang make-up although may hitsura naman.

Pero mas maganda pa rin ang Ma'am Alexiz Ann niya! Simple and sexy!

Pinamulsa niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa na suot niyang pantalon.

"Nag-iikot lang ako,Miss.." casual lang niya tugon. Pinakita na hindi siya interesado rito.

"Talaga? Ahm,bagong empleyado ka ba dito?"namumungay ang mga mata nito na tumingin sa kanya.

Palihim siyang napabuntong-hininga. Alam na alam niya ang ganoon pormahan. Interesado sa kanya ang babae.

" Uh,hindi..nagtatr--"agad na pinutol nya ang sasabihin ng maalala na wala siya dapat ipagsabi na nagtatrabaho siya sa Ma'am Alexiz Ann niya. Para na rin sa privacy nito at kasama iyun sa agreement.

"Uh,may binisita lang ako saglit na kakilala dito,miss.." saad niya.

Matamis ang ngiti na tumango-tango ito. "Talaga? Saan department? Lahat na nagtatrabaho dito kilala ko,ako nga pala si Margaret," anito sabay lahad sa kanya ng palad nito.

Nakukulayan ng pulang pintura ang mahahaba nitong mga daliri.

Saglit na sumulyap siya roon. Maginoo naman siya kaya tinanggap niya ang pakikipagkamay nito pero bago pang sumayad ang balat niya sa palad na babae bigla may nagsabit ng paperbag sa kamay niya.

Sabay na napabaling sila ng babae sa gumawa niyun.

"M-ma'am Alexiz,m-magandang umaga po!" bigla kinabahan bati agad ng babae na nakalimutan na niya ang pangalan.

Blanko ang ekspresyon ng maganda nitong mukha. Nakataas ang isang kilay at mariin na nakatitig sa kanila.

Uh-oh..

Sumulyap ito sa suot nito relong-pambisig at puno ng lamig na hinarap nito ang babae.

"Work hours hindi ba?"malamig at istrikto nitong baling sa empleyado nito.

Nakita niya ang biglang panginginig ng mga daliri ng babae. Nanlalaki ang mga mata at pamumula pa lalo ng mukha nito marahil sa pagkapahiya nito.

Bigla tuloy siyang naawa sa babae.

Pero pareho sila ng babae na kinakabahan rito eh!

Pero sheyt lang! Ganun kalakas ang epekto ng amo niya sa empleyado nito.

Kinakatakutan ito!

Lihim siyang napangisi.

That's my girl!

"A-ahm,o-opo,Ma'am..ahm,pabalik na po ako sa office,ahm,sige po,maiwan ko na po kayo," nagmamadali na itong umalis.

Napailing na lang siya. That's so intense!

Siya naman ang hinarap nito. Isang ngiti ang pinukol niya rito pero nagsalubong lang ang makurba na nitong mga kilay.

"Nabusog po ba kayo,Ma'am?"

Napatikwas ito ng kilay sabay halukipkip sa harapan niya.

"Umuwi ka na,sa susunod huwag ka basta-basta pupunta dito," masungit nitong saad.

"Nag-aalala po kasi ako na hindi kayo nag-almusal sa bahay," tugon naman niya rito.

Hindi ito kaagad nakaimik at bigla nawala ang masungit na aura nito.

"Nagmamadali ako kaya ma--" anito na agad din pinutol ang sasabihin.

Nameywang ito at bumalik sa masungit at intimidating na aura.

"Go home now," mariin nitong saad.

"Yes,Ma'am! Rigth away!" aniya na sinamahan pa niya ng pagsaludo dito na kinunutan lang siya ng nuo.

Masaya siya na tinalikuran niya ito.

Kahit na pinagsungitan siya nito alam niyang nagustuhan naman nito na pinagdalhan niya ito ng pagkain.

Alright,one step at a time.

Kaya sa susunod huwag magala,Becham. Kitam mo parang nagselos dun sa empleyado.

Parang lang...pero sana nga totoo.

Masayang-masaya siya na nilisan niya ang gusali iyun.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon