Chapter 28

3.9K 164 9
                                    

Isang duffle bag ang bumagsak sa harapan niya at pag-aaari niya iyun. Naguguluhan na napatingin siya sa dalagang amo niya na wala na kahit anong emosyon sa maganda nitong mukha.

"Your leaving now," malamig nitong saad.

Marahas siya bumuga ng hangin. Hindi niya ito susundin.

"Hindi ako aalis,Ma'am..papaalisin mo ako ngayon may ideya na ko sa sekreto niyo?" tahasan niyang saad.

Tumalim bigla ang mga mata nito sa kanya. Agad sya kinabahan.

Mariin niya ikinuyom ang mga palad.

"Ma'am..ayokong umalis..hindi ko...kaya," aniya.

Lalo dumoble ang bilis at tibok ng kanyang puso.

"Why?" matiim at puno ng babala ang tono nito.

Ano ka ngayon,Arthur?

Humugot siya ng malalim na hininga at buong tapang na sinalubong niya ang matalim at madilim na mga mata ng dalaga.

"Ayokong iwan ka,Alexiz.." puno ng kaseryusohan na sagot niya rito..shit,wala ng Ma'am! Alexiz na lang sana buhay pa siya sa susunod na segundo ng buhay niya.

Nasaksihan niya ang pagkurap-kurap ng dalaga.

"Ayoko..Dito lang ako ngayon na may ideya na ko kung ano ka hindi ba dapat lang na bantayan mo ang kilos ko? Pero mapagkakatiwalaan mo ako,hindi kita ipapahamak," seryoso pa rin niyang saad.

"Sa kabila..sa kabila ng mga pagdududa ko sa tunay mong katauhan mas nananaig sa kalooban ko na makilala pa kita.."

Nanatiling nakatitig lang sa kanya ang dalaga pero wala na ang talim sa mga mata nito.

"Alexiz..alam mo ba kung ano ang sekreto ko?" aniya.

Nakatitig lang ito sa kanya.

Bahagya sya ngumiti. Ngiti na may halong kaba.

"G-gusto kita..hindi..higit pa pala sa pagkagusto,Alexiz.." matiim niyang pag-amin rito.

Nasaksihan niya ang pagbabago ng emosyon sa mukha ng dalaga. Iyun ang kauna-unahan pagkakataon na nakakitaan niya ito ng emosyon.

She look so shock.

Gusto niya mapahiya. Nakakashock ba na mahulog ang loob niya sa mismong amo niya na pinagtatrabuhan niya?

Nilunok na nga niya ang kahihiyan at kaba masabi lang niya ang tunay na damdamin niya para rito at gusto niya mahalin ang isa pang bahagi ng buhay nito.

Yeah,mahalin!

He just look at her. Matagal sila nagtitigan dalawa. Unti-unti na siya binabalot ng kaba at pagkapahiya.

Nasaan na dila mo,Arthur?!

"Hindi ko itong sinasabi para makuha ko ang mga sagot sa mga tanong ko..gusto ko lang malaman mo na kahit ano ka pa..hindi magbabago ang damdamin ko para sayo," pagbasag niya sa tensyon na namumuo sa pagitan nila ng dalaga.

"I'm sorry pero hindi mo ako mapapaalis dito," mariin niyang saad.

Nanumbalik ang talim ng mga mata nito sa kanya.

"You crazy," maya-maya usal nito.

Napangisi siya. "Baliw nga ko...dahil sayo," aniya na kinaismid nito.


The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon