Chapter 34

4.1K 156 2
                                    

Nakangiti at mataman na pinagmamasdan ni Arthur ang magandang mukha ng dalaga na mahimbing pa rin natutulog sa kama niya. Lalo lumaki ang pagkakangiti niya ng maalala ang nangyari sa kanila ng nakaraan gabi..shit,magliliwanag na ata ng tigilan nila ang isa't-isa.

Masuyo niya hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumabing sa kalahati ng mukha nito at iipit iyun sa likod ng tainga nito. Nagising ang dalaga at dahan-dahan nagmulat ng mga mata.

"Good morning,mahal ko," pagbati niya rito.

Mataman ito tumitig sa kanya na tila sinisiguro nito na hindi ito nanaginip na nasa harapan siya nito.

Nakasandig ang likod ng ulo niya sa kamay niya habang nakatukod ang siko niya sa unan paharap sa dalaga.

Bumaba ang maiitim nitong mga mata sa hubad niyang harapan. Napangisi siya ng umungol ito at isubsob ang mukha sa unan.

He chuckled. "Mahal ko," nangingiti na tawag niya rito habang hinahaplos niya ang magulo nitong buhok.

Nilapit niya ang sarili rito at hinapit niya ito palapit sa kanya. Mula sa pagkakasubsob nito sa unan lumipat ito sa leegan niya. Mariin niya inilapat ang bibig sa nuo ng dalaga.

"Okay ka lang ba?" naaaliw niyang saad.

Tumango lang ito at natatawang hinapit pa niya ito sa katawan niya.

Natutuwa siya na makitang nahihiya ang dalaga sa kanya.

Humugot ito ng hininga sa balat niya.

"Ikaw? Kamusta na pakiramdam mo?" tanong nito na tiningala siya.

"Hmm..okay naman..hindi katulad kagabi para akong magdidileryo sa init," aniya.

Bumuga ito ng hangin at pinagtapat nito ang mukha nila.

"Ahm,epekto yun ng ininom mong alak kahapon," anito.

"Sabi na eh!"

"Ahm,mag-iinit ka kapag ininom mo yun...gaya ng pinagdadaanan ko..ahm,in heat ang tawag samin mga lobo yun," anito.

Tumango siya. "Kung ganun paano kayo dadanas nun? Kapag uminom din kayo?" Kuryuso niyang saad. Naging mapusok kasi ang dalaga at ramdam niyang pareho silang in heat.

Nakagat nito ang pang-ibaba labi. Namumula iyun at alam niya dahiL yun sa paghahalikan nila ng matagal at paulit-ulit.

"Magiging in heat kami mga lobo..sa ora na..matagpuan na namin ang aming mate," anito.

Napamaang siya sa sinabi nito. Agad na may namuong konklusyon sa utak niya.

"Ang ibig sabihin--"

Tumango ang dalaga sa naisip niya. Napaawang ang bibig niya at ng makabawi napangisi siya.

"Sana pinasok mo na lang ako sa kwarto papayag naman ako eh,"maloko niyang saad.

Tumalim bigla ang tingin nito sa kanya. "No way," matigas nitong saad.

Natawa siya. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita,prinsesa ko," bulong niya sa tapat ng tainga nito.

Humigpit din ang yakap nito sa kanya. "M-mahal din kita," mahina nitong saad.

"Ang sarap naman marinig yan," natutuwa niyang saad.

Isang mahigpit na yakap ang tinugon nito na bahagya niyang kinangiwi. Pero natawa na lang siya sa huli.

Bayolente.

Careful sa panunukso,Arthur!

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon