Chapter 43

4.5K 187 14
                                    

Puno ng pagkamangha ng makita ang unti-unti paghilom ng pagputok ng labi niya sa isang matingkad na kulay itim na pinahid sa kanya ng Reyna ng mga lobo. Lalo nakadagdag sa pagkamangha niya ng malaman na tulad niya ay itinakda ito sa isang lobo.

Laking pasasalamat niya rito na sinalba nito ang buhay niya mula sa isang lobong na wala ata balak na buhayin siya. Shit! Pinatoturture siya ng Hari!

"Kamusta na sa mundo natin?" magiliw na tanong ng Reyna sa kanya.

Hindi niya alam kung papaano niya ito kakausapin gagamit ba siya ng mahal na Reyna..ng Opo at po o aasta na parang magkasing-edad lang sila. Mukhang bata pa kasi ito kaysa sa kanya. Magandang Reyna. Ngayon alam na niya kung saan namana ng kasintahan ang kagandahan nito.

Alam na rin niya kung saan namana ng kasintahan ang personality nito.

Sa haring itim na lobo!

"Wala naman p..po,nagbago sa mundo natin,mahal na Reyna,magulo pa rin maliban sa pagbabago ng presidente natin,"tugon niya rito.

Tumawa ito. " Hay,bigla ko namiss ang mundo natin,hindi naman ako pwede bumalik na dun dahil mula ng umapak ako dito hindi na ko makakabalik satin pero hindi ako nagsisisi dahil nandito sa mundong ito ang kalahati ng buhay ko,ang aking asawa na si Haring Brikz,"mahabang saad nito.

Ang masiyahin nitong anyo ay napalitan ng simangot. "Loko talaga ang Brikz na yun,tama bang pahirapan ang magiging future son-in-law ko!"inis nito saad na kinatawa niya.

"Ahm,pasensya na,mahal na Reyna," hingi niya ng pasensya sa pagtawa niya sa kabila ng pagkainis nito. Sana hindi siya mapugutan ng ulo o di naman kaya ipalapa sa mga lobo dahil sa inakto niyang iyun.

Ngumiti naman ito na kinahinga niya ng maluwag. "Ang gwapo ng mapapangasawa ng prinsesa namin!" mangha nitong puri sa kanya.

Bigla tuloy siya nahiya sa papuri iyun ng Reyna.

"Ahm,Salamat sa papuri,mahal na Reyna,"awkward niyang saad.

Tumawa ito. " Heto,alam kong binili mo ang singsing na yun pero mas mainam kung ito ang isusuot mo sa daliri niya,"anito sabay lahad sa kanya ng kulay itim na singsing. Dalawang pares na singsing na matingkad ang kulay.

"Ang singsing namin mag-asawa..isinuot sa akin ni Haring Brikz ang isang singsing nito bago ko iwan ang mundo natin at sumama sa kanya,simbolo na din ng wagas na pagmamahalan namin,kaya gusto ko ito ang isuot niyo simbolo na kayo ang pinagbuklod ng pag-ibig at ng tadhana,"anito.

Namamangha na kinuha niya ang dalawang singsing.

"Binabasbasan niyo na po ako na maging asawa ang anak niyo,mahal na Reyna?" hindi makapaniwala saad niya.

Nakangiti na sunod-sunod na tumango ang Reyna.

"Ahm,ang Hari po kaya?"medyo nangangamba niyang saad.

" As if naman may magagawa siya na tutulan kayo,ikaw ang itinakda ng aming prinsesa,may saltik lang yun kaya pinahirapan ka at humanda talaga sakin ang batong yun!"

Natawa siya sa sinabi ng Reyna.

Unbelievable!

Iba taLaga magbiro ang tadhana. Pinagtagpo ang dalawang puso na magkasalungat sa lahat ng aspeto.

Naeexcite na siyang makasama ang mga ito sa napakagandang mundong ito.

Mas gusto niya rito mamuhay kasama ang magiging asawa at magiging supling nila ng kasintahan niya.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon