Chapter 26

3.8K 135 3
                                    

Hindi maitago-tago ni Arthur ang ngiti sa mga labi niya habang magkaagapay sila ng dalaga sa loob ng isang Groceries Store. Tulak-tulak niya ang cart habang nakahalukipkip sa tabi niya ang amo na patingin-tingin sa nadadaanan nilang shelves na puno ng mga iba't-ibang produkto.

Natutuwa siya dahil sumama ito sa kanya kahit di siya sigurado na sasama ito sa kanya pero sinubukan pa rin niya ayain ang dalaga saka baka mainip ito sa loob ng kotse sa kahihintay sa kanya lalo pa at may karamihan ang namimili ng mga oras na ito.

May ilang kabataan na babae ang napapatingin sa kanila mga nakauniporme pa nga ang iba. Tila bang kinikilig ang mga ito sa kanila. Napangisi na siya. Sino ba naman hindi kikiligin sa kanila eh magkasama ba naman sila ng maganda niyang amo na namimili. Saka hindi sa nagmamayabang may hitsura naman siya.

Napangisi siya sa kanyang isip.

Pero ang sweet nga ng dating para silang magkasintahan na magkasamang namimili.

"May titingnan lang ako sa banda roon,sa cashier na lang tayo magkita,okay?" pukaw nito sa kanya.

Tsk,akala pa naman niya hindi ito hihiwalay sa kanya.

Come on,Arthur! Ano ka? bata?

"Sige,Ma'am..mabilis lang ako," aniya.

Tumango lang ito at lumiko sa kabilang dibisyon ng mga shelves.

Kailangan niya magmadali ayaw na rin niya matagalan sila at baka humaba ang pila ng magbabayad sa cashier.

Nang makumplento na niya ang kailangan niyang bilhin agad na hinanap niya sa mga cashier ang dalaga. Pero wala ito roon kaya nag-ikot-ikot siya baka natagalan ito sa pagpili o nalibang sa pag-iikot.

Tsk,dapat talaga hindi sila naghiwalay eh.

Halos nadaanan na niya ang bawat shelves pero hindi niya makita ito hanggang sa marating na niya ang dulo.

Agad siya nakahinga ng maluwag ng makita ito at abala sa hawak nito. Isang brand ng napkin?

Napangisi siya. Oh well,kung uutusan siya nito bumili nun hindi siya magdadalawa-isip na bilhan ito.

Hindi muna niya ito inabala. Tila hindi pa ito nakakapamili. Hinayaan muna niya ang sarili na panuorin ito.

Tila modelo ang tindig nito kaya kahit saan mo tingnan ang kabuoan nito hindi mo aakalain na napakalakas nitong kumain.

Napangiti siya. Siya lang ang nakakaalam ng sekreto nito iyun.

Nakita niya napukaw ito mula sa binabasa nito. Bumaling ito sa kabilang dako at sinundan niya iyun ng tingin. Agad na nangunot ang nuo niya dahil wala naman siya nakikita bukod sa mga istante.

Humakba ito at tila may pupuntahan kaya agad na tinulak niya ang cart para sundan ito. Lumiko ito sa kabilang dulo at nasaksihan niya babagsak ang mga naglalakihan delata gatas sa isang bata na patuloy sa pagtulak sa cart na binabangga ang istante. Nanlaki ang mga mata niya na matantong babagsakan ang bata ng mga iyun bago pa man siya makakilos natulos siya sa kinatatayuan niya ng makita ang ginawa ng Ma'am Alexiz Ann niya.

Bigla bumalik ang eksena noon na kung saan babagsakan siya ng malaking puno at bigla na lamang ito sumulpot sa harapan niya.

Napaawang ang bibig niya sa nasaksihan niyang iyun.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon