Chapter 13

4.3K 177 13
                                    

He saw it?!

Ang alin,Arthur?

Ang ginawa niya paghawi sa puno na babagsak sayo o yung magandang katawan ng boss mo na tanging kulay itim na underwear lang ang suot sa ilalim na nakabukas na roba niya?!

Napakurap-kurap siya. Sumasakit na nga ang panga niya dahil kanina pa siya nakanganga sa kawalan.

Marahas siyang humugot ng hininga. Saka lang nagsink in sa utak niya ang nangyari.

Agad na bumaling siya sa papalayong dalaga.

Paano nito nagawa ang bagay na yun?! Parang walang anuman na hinawi lang nito ang puno?!

Is she hurt? Sigurado yun!

Mabilis na sumunod siya sa kanyang amo. Magulo pa ang isip niya at nasasabayan pa yun ng kakaibang pag-iinit ng makita ang magandang katawan ng amo niya!

Fuck him!

Nasa salas na ito ng maabutan niya.

"Ma'am Alexiz,sandali,nasaktan po ba kayo?"agad na pagtatanong niya rito.

Huminto ito bago ito humakbang sa unang palapag ng hagdanan.

" Alam kong nasaktan kayo gusto ko makita kung nasugatan kayo,"may pag-aalala sa tono niyang saad.

Kahit gulantang siya sa nasaksihan niya pinangungunahan pa rin siya ng pag-aalala sa ginawa nito.

Saka na niya iisipin kung paano nito iyun nagawa.

Dahan-dahan itong pumihit paharap sa kanya.

Blanko at walang emosyon ang maganda nitong mukha.

DahiL mahaba ang manggas ng suot nitong roba hindi niya makikita ang braso nito na ginamit nito kanina sa paghawi sa puno na babagsak sa kanya.

"Nasaktan nga ko pero hindi naman ako ganun kahina para umiyak sa sakit," matiim nitong saad.

Nakaramdam siya ng pagkapahiya pero mas nangingibabaw ang pag-aalala niya rito.

"Pasensya na,Ma'am Alexiz.." tangi saad niya.

Marahas ito bumuga ng hangin at tumalikod na sa kanya.

"Paano niyo nagawa yun ng ganun kabilis,Ma'am?" bago pa man niya napigilan ang sarili nasabi na niya ang tanong na yun na kanina pa gustong umalpas sa bibig niya.

Napahinto ito sa pag-akyat ng hagdanan.

Mariin ito kumapit sa bariles ng hagdanan.

"Segundo bago iyun bumagsak sakin pero...pero bigla kayong sumulpot at parang walang anuman na hinawi niyo iyun?"saad niya.

Ilang sandali pa ang lumipas bago itong muli humarap sa kanya. Nasa ganun anyo pa rin ito. Hubad sa emosyon ang anyo nito .

Humalukipkip ito at tumalim ang mga mata nito sa kanya.

Bigla siya dinunggol ng kaba.

Sheyt! Bakit ba tinanong ko agad?!

Sana man lang pinalipas muna niya at saka na lang itatanong iyun.

"Imbes na magtanong ka kung paano ko yun ginawa magpasalamat ka na lang..saka pwede ba,wag kang gumawa ng bagay na ikakasakit mo habang nasa poder ko," puno ng lamig nitong saad sabay mabilis na tinalikuran siya.

Deym,what a shame,Arthur Becham!

She's right,magpasalamat ka na lang at niligtas ka niya.

Naikuyom niya ang mga palad.

Hindi. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nasasagot ang katanungan niyang iyun.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon