Chapter 39

4.2K 177 5
                                    

Hindi na niya naabutan ang Tyang niya na buhay sa hospital. Inatake ito sa puso pero hindi rin nagtagal sa ICU ang Tyang niya. Nagkaroon ng komplikasyon ang bigla pag-atake sa puso nito ayon sa doktor na umasikaso rito.

Tahimik lang siya nakatitig sa kabaong ng Tyang niya. Ibuburol niya iyun ng tatlong araw lang.

Napukaw siya ng maramdaman ang paghawak sa braso niya ng kasintahan. Blanko ang maganda nitong mukha pero nakakakitaan niya ito ng pagdadalamhati para sa matanda na matagal na nanilbihan rito.

"Sabi niya sakin noong isang araw malakas pa siya kaysa sa kalabaw," usal niya sa dalaga.

Hinaplos nito ang mukha niya. "Pasensya na..kung alam ko lang na may sakit pala siya sa puso noon pa lang na nasa poder ko siya sana naipagamot ko siya agad,nagiguilty ako,wala ako ginawa kundi kumain sa pinaghirapan niyang lutuin,"puno ng pagsisisi nito sa sarili.

Umiling siya. " Wala kang kasalanan,inilihim ni Tyang ang sakit niya,"aniya.

"I'm sure,masaya na ngayon si Tyang magkikita na sila ni Nanay. Close kasi ang dalawang yun," aniya na may ngiti sa mga labi habang nakatitig sa kabaong.

Yumakap sa kanya ang dalaga at tumataba ng puso niya dahil nasa tabi niya ang kasintahan sa panahon na nag-iisa na lang siya. Si Alexiz ang naging kapalit ng Tyang niya na makakasama niya sa buhay.

Napuna ni Arthur ang pagiging tahimik ni Alexiz mula ng makabalik sila ng Maynila. Iba ang pagiging tahimik nito. Hindi siya mapakali dahil doon kaya naman bago sila matulog tinanong niya ito.

"Gusto ko malaman kung bakit tahimik ka mula ng makabalik tao rito?" untag niya rito ng nasa kama na sila.

Tumayo ito at tinungo ang nakabukas na balkonahe ng silid nito.

Sinundan niya ito at niyakap mula sa likuran nito.

"Mahal ko,ano ba ang iniisip mo? Nag-aalala na ko," usal niya sa gilid ng ulo nito.

"Bigla ko lang namiss ang mga magulang ko..pati na rin ang mundo na kinalakhan ko," usal nito maya-maya.

Pinihit niya paharap ang dalaga sa kanya. Bigla siya nangamba ng makita kung gaano nito pinangungulilaan ang pinagmulan nito.

"I-iiwan mo ba ko?" nangangamba niyang saad.

Napatingin sa kanya ang dalaga.

"S-sasama ka ba sakin kung..kung yayayain kitang sumama sa mundo ko?"ito naman ang kakakitaan ng pangamba.

Mataman niya ito pinakatitigan. Iniisip ba nito na hindi siya sasama rito kung sakali na babalik na ito sa mundo na pinagmulan nito? Hell! Hindi siya papayag na iwanan siya nito mag-isa!

" Alexiz,hindi ako papayag na iwanan mo ako rito..wala na kong pamilya rito..ikaw na lang ang meron ako..kapag iniwan mo ko hindi ko alam ang gagawin ko dito..baka magpakamatay na lang ako,"mariin niyang saad.

Nanlaki ang mga mata nito sa huling salita na sinabi niya at pagkaraan sinamaan siya ng tingin nito mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niyang iyun.

"Isasama kita,sa ayaw at sa gusto mo," puno ng awtoridad nitong saad.

Napangiti siya. "Sasama ako sayo,hindi ako papayag na mawala ka sakin,mahal ko," aniya sabay angkin sa mga labi ng dalaga.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon