Chapter 36

3.9K 142 1
                                    

Naalipungatan si Arthur ng may malamig na bagay ang dumidiin sa sintido niya. Pagkamulat niya isang nakangising lalaki ang nasa gilid ng kama sa may likuran niya. Nguso pala ng baril ang nakadaiti sa sintido niya. Sa tulong ng liwanag ng buwan naaninag niya iyun. Agad na napalingon siya sa dalaga na mahimbing pa rin natutulog sa tabi niya.

Balot ng kaba at takot para sa kasintahan.

Hindi lang isa ang lalaki na nasa silid nila. Tatlo ang mga ito at nakatutok sa kanila ang mga baril ng mga ito.

Shit! Pinasok sila ng mga akyatbahay!

Sinenyasan siya ng nasa gilid niya na bumangon. Mabuti na lamang nakaboxer siya.

Maingat na bumangon siya at tiim-bagang na pinakikiramdaman niya ang tatlong lalaki. Agad na tinalian siya ng isang lalaki sa kamay sa likod niya. Puno siya ng pangamba at takot para sa kasintahan. Natatakot siya baka saktan ng mga ito ang dalaga.

"Huwag niyo na siya idamay," tiim-bagang niyang pakiusap sa mga ito.

Ngumisi ang lalaki nakatutok ang baril sa kanya. "Maganda ang asawa mo,masyado mo ata pinagod kaya hindi na niya namamalayan na may baril na nakatutok sa ulo mo," malisyoso nitong saad.

Sinamaan niya ito ng tingin. Magkamali lang ito galawin ni dulo ng buhok ng kasintahan niya. Magkakamatayan sila ng mga ito.

Kahit nakatali siya handa niya ibuwis ang buhay wag lang mga ito galawin ang dalaga.

"Ituro mo samin kung nasaan ang volt at hindi namin kayo sasaktan,"anang ng pangatlong lalaki.

Mga ungas!

"Ano? Sumagot ka!" niinip na saad ng lalaki sa tabi niya.

Mariin niya naikuyom ang mga palad na nakagapos. Bigla tumigil ang pagtibok ng puso niya ng itutok ng pangatlong lalaki ang baril nito sa dalaga.

"Huwag..huwag niyo siya sasaktan," buong babala saad niya. Nagpupuyos sa galit ang damdamin niya sa tatlong lalaki.

Ngumisi ito at malisyosong hinagod ng tingin ang dalaga na tanging makapal na kumot lang ang takip sa katawan nito.

"Kung ayaw mo sabihin ,pwes ito na lang asawa mo ang pupuntiryahin namin," anito na agad naman kinangisi ng dalawang kasama nito.

Halos magdilim ang paningin niya sa sinabi nito pero bago pa man niya murahin ang mga ito nagmulat ng mga mata ang dalaga.

"Mahal ko," nangangamba saad niya habang magkatitig sila sa isa't-isa ng kasintahan.

Walang emosyon na nilibot nito ang paningin sa buong silid. Matagal nito tinitigan isa-isa ang tatlong lalaki.

Pinagpapasalamat lang niya na nanatiling kalmado ang dalaga. Damn! Nakalimutan niya na hindi lang pala ito basta tao!

Pero hindi! Dehado pa rin sila isang kalabit lang ng mga ito sa gatilyo ng baril panigurado patay sila ng dalaga at iyun ang ayaw niyang mangyari.

Bumangon ang dalaga at mabilis na inabot ang roba nito na nasa gilid ng kama. Wala itong pakielam kahit may nanunuod rito sa bawat kilos nito. Mabilis ito nakapagsuot na hindi nakikita ang kahubdan nito na kinahinga naman niya ng maluwag.

"Anong kailangan niyo mga ungas kayo?" matalim nitong saad sa mga ito.

Nagkatinginan ang tatlong lalaki. Napamaang sa asta ng babae.

"Pera at alahas! Nasaan ang volt rito?!" bulalas ng lalaki nasa tabi niya na siya nakatutok pa rin ang baril sa kanya.

Bored na pinagmasdan nito ang nagsalitang iyun. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano balak ng dalaga. Alam niyang lamang ang kakayahan nito sa kanila pero nasa panganib pa rin ang buhay nito dahiL sa baril ng mga ito!

"Wala akong volt dito..nasa banko lahat ng pera ko," tugon ng kasintahan.

"Ah ganun! Gusto mo bang sumabog ang utak nitong asawa mo?!" pinagduldulan pa nito ang baril sa kanya na kinaangil niya rito.

"Kung ganun bibigyan ko na lang kayo ng cheque,milyon ba ang kailangan niyo? Nasa kabilang silid ang tseke ko,doon tayo," kalmante nitong saad at nauna ng lumabas ng silid.

"Ang astig ng asawa mo ah! Siguro under de saya ka niya noh!" anang ng isa na kinatawa ng dalawang lalaki habang lumalabas sila ng silid niya.

Mga ungas!

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon