Chapter 1

4.9K 185 2
                                    

Salubong ang kilay at hindi maipinta ang maganda mukha ni Alexiz Ann habang nakatingin sa tatlong babae na empleyado niya.

Nahuli niya itong nagtsitsismisan lang habang nasa oras ng trabaho.

Hindi makatingin ang mga ito sa kanya habang namumutla ang mga mukha na may makakapal na kolorete sa mukha.

Matagal na nirereklamo sa kanya ng ibang empleyado niya ang tungkol sa tatlong ito na wala daw ginawa kundi magtsismis at manira ng katrabaho pero pinalampas niya lang iyun.

"Sana hindi na lang kayo dito nagtrabaho kung ang pakikipagtsismisan ang gawain niyo? Bakit hindi kayo pumasok sa entertainment world o di naman kaya maging writer tutal naman magaling kayo gumawa ng kwento,"mariin at nagpipigil na humilagpos ang galit niya para sa mga ito.

" M-ma'am..p-pasensya na po,h-hindi na po mauulit,magtatrabaho na po kami ng maayos,"halos magkandabulol-bulol na saad ng isang empleyado niya.

Naningkit ang mga mata niya. "Sa tingin niyo palalampasin ko ang ginawa niyo? Sinuswelduhan ko kayo para magtrabaho hindi para magtsismisan!" pasigaw na niyang saad na kinaigtad ng tatlong babae.

Nanginig ang mga ito sa takot sa kanya.

Hey,Prinsesa,calm down,tinatakot mo sila! Bigla pag-alingawngaw ng inner wolf niya.

Mariin niya ipinikit ang mga mata at marahas na humugot ng hangin.

"Get out in my office...now,"kasinglamig ng northpole na saad niya sa mga ito na halos magkabungguan sa pagmamadali na makalabas sa opisina niya.

Not cool..you are so bad!

Shut up,wolf..

Napahilot siya sa sintido niya. Noong una nagustuhan niya ang mamuhay rito sa mundo ito pero sa paglipas ng mga taon naiirita na siya dahil ang mga tao na rin ang gumagawa ng ikakasira ng mundong ito!

Sana hindi na lang siya pumayag at nagmatigas na wag na lamang sundin ang nakasaad sa propesiya.

"Nasa mga kamay niya ang magiging kapalaran niya. Buhay man o pag-ibig..."

Tsk,pwede naman niya na piliin na wag na makilala pa ang mate niya pero nakatadhana iyun sa kanilang mga lobo.

Marahas siya napabuga ng hininga at nakapikit ang mga mata na sumandal siya sa sandalan ng swivel chair niya.

Agad na nasapo niya ang sikmura ng kumalam iyun.

"I'm famished..."

Agad na tumawag siya sa bahay niya para sabihin sa personal cook niya na maaga siyang uuwi at magluto ito ng tatlong putahe para sa hapunan niya.

Takaw! Anang ng inner wolf niya.

Masarap kumain lalo na kung masarap ang nagluto niyun. Marami na siyang pagkain na nakain na talaga nagustuhan niya at isa na dun ang sinigang na baboy at adobo.

Niligpit na niya ang nakakalat na gamit niya sa galit niya kanina sa tatlong babae iyun nabuntunan niya ng galit ang mga papel na binabasa niya.

Well,kailangan niya bigyan ng memo ang mga iyun bilang punishment sa mga ito.

Hindi naman siya ganun kasama para tanggalin agad-agad ang mga ito nakakaawa ang mga ito, naalala niya ang kwento ng kanyang ina ng mawalan ito ng trabaho at magutom dahil nagtitipid at ayaw niya iparanas iyun sa iba kahit na ba ang mismo na ang mga tao ang gumagawa ng ikakasama nila.

Still,they are deserving for the second chance.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon