Mundong Colai

5.3K 199 4
                                    

(COMPLETED ON DREAME)
A/N: CallmeAngge

Mataman na pinapanuod nila mag-asawa ang kanilang prinsesa na si Prinsesa Alexiz Ann habang magiliw ito sa pag-ubos ng pagkain na nakahain sa mahabang mesa. Tila ba itong ginutom ng ilang araw sa lakas nito sa pagkain.

Isang naaaliw na tawa ang umalpas sa bibig ng Reyna na si Adriane.

"Hay,naalala ko noong nasa earth pa lang ako..palagi akong gutom dahil kailangan kong magtipid,"naalala nitong saad.

Inabot ni Haring Brikz ang kamay ng Reyna.

" Kumakalam ang tiyan noong oras na interview-hin kita,"naalala niya din saad.

Muli ito tumawa at isinandig ang ulo nito sa balikat niya agad na pinatakan niya ng halik ang ibabaw ng ulo nito.

"Alam kong hindi siya magugutom sa oras na nasa mundo na siya ng mga tao," usal nito habang mataman nila pinapanuod ang prinsesa.

Pinisil niya ang balikat ng kabiyak na nakaakbay rito.

"Hindi naman ako papayag na maranasan niya ang naranasan mo noon..naiisip ko pa lang noon na nagugutom ka at wala makain nagagalit ako sa takbo ng buhay mo," aniya.

Tiningala siya ng kabiyak at matamis ito ngumiti sa kanya.

"Pero dumating ka at pinagtagpo tayo..."

"Nakatadhana na mangyari yun at dahil na rin sa propesiya," aniya at mabilis na pinatakan niya ng halik ang bibig ng asawa bago nila muli pinagmasdan ang kanila prinsesa.

Sa Mundo ng mga tao...

"Mahal na prinsesa,kamusta?" anang ni Zei ng makalabas ang prinsesa ng mga itim na lobo.

Walang emosyon ang maganda nitong mukha.

"Ayos lang naman,Zei.." tugon nito sa malamig na tono.

He chuckled. Mukhang nagmana ang prinsesa sa Hari.

"Naalala ko sayo si Haring Brikz noong hindi pa niya natatagpuan ang Reyna pero ng magtagpo sila lumambot siya,nagliwanag ang madilim niyang aura.."pagngisi niyang saad.

" Ganun po ba,mabait naman si Ama.."blunt nitong saad.

Muli siyang natawa. She's so cold and intimidating.

"Handa na ba kayo para sa bago niyong mundo,mahal na prinsesa?" aniya.

Sinipat nito ang buong paligid. "Hindi na masama,siguro naman hindi ako magugutom dito?"anito na kinatawa niya.

" Wala kayong dapat ipag-alala ikinuha kita ng personal cook mo para sa ganun makakain ka ng maayos at ng masasarap na pagkain na meron sa mundong ito,"aniya.

Tumango ito sa kanya bilang tugon.

"Heto,mahal na prinsesa..nandyan lahat ang kakailanganin niyo habang nandito kayo sa mundo ng mga tao.." pag-abot niya rito sa kulay itim na parihabang kahon.

"Anong laman nito?"tanong nito ng nasa mga bisig na nito ang kahon.

"Mga importanteng bagay na kakailanganin niyo habang nandito kayo..lalo na ang pag-aari ng inyong ama,ang iniwan niyang kompanya rito," sagot niya sa tanong nito.

Tumango-tango ito na tila mas interesante pa nga ito sa pagkain.

"Salamat,kinagagalak ko makausap at makaharap ang dating panginoon ng mga lobo," tugon nito sabay titig sa kanya ng mga mata nito.

"Isang karangalan na makasama ang prinsesa ng itim ng mga lobo dito sa bagong mundo ko at magiging mundo niyo,mahal na prinsesa!" aniya sa Prinsesa.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon