Chapter 37

4.1K 179 11
                                    

Dinala niya ang tatlong lalaki sa pribadong opisina niya. Malawak ang silid niyang iyun.

Nakatutok pa rin sa binata ang baril ng isa at nagpupuyos sila ng wolf niya sa galit sa lalaking na may hawak ng baril.

Naningkit ang mga mata niya rito. Isa-isa niya sinipat ang mga ito. Malalaking tao pero mas doble ang lakas,bilis at kakayahan niya kaysa sa mga ito.

Get slay now,princess!

Nakahalukipkip na hinarap niya ang mga ito.

"Name your price now?" Untag niya sa mga ito.

"30 million!" sagot agad ng lalaki sa tabi ni Arthur.

Mukha ito ang leader. Tumango-tango siya at patamad na tinungo niya ang mesa niya.

Sumunod sa kanya ang dalawang lalaki. Nang hilahin niya ang drawer agad na tumutok sa kanya ang isang baril. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Mahirap na baka may baril ka dyan eh,"sigurista nitong saad.

Hinila niya iyun pabukas habang nasa magkabila gilid niya ang dalawang lalaki nakaantabay sa bawat galaw niya.

Mabilis niya pinirmahan ang tseke pero bago iyun makuha ng isang lalaki iniiwas niya iyun.

" Pakawalan niyo muna siya bago ko ito ibigay sa inyo,"business-like niyang saad sa mga ito.

Agad naman nakumbinse niya ang leader na siyang may hawak sa binata. Agad na tinulak nito si Arthur na kinaangil nila ng kanyang wolf.

No one can hurt her mate!

Lumapit siya sa binata. Nakagapos pa rin ito kaya siya na ang yumakap rito.

"Turn around,ayokong makita mo ang gagawin ko sa kanila," bulong niya rito. Nakakunot nuo ito na tumitig ito sa kanya.

Tinanguan niya ito.

"Pero gusto ko makita kung paano mo sila parurusahan," matiim nitong saad. Galit sa tatlong lalaki na gumambala sa kanila.

She sighed. No choice kundi hayaan ang binata na masaksihan ang gagawin niya sa tatlong ungas.

Hinarap niya ang mga ito tinaas niya ang kamay na may hawak sa tseke at walang kurap na pinunit niya iyun sa harapan ng mga ito na kinagitla ng tatlong lalaki.

"Bakit mo pinunit!" galit na bulalas ng leader sabay kalabit sa baril nito pero bago iyun pumutok bumalibag na ito sa isang sulok ng silid.

She's now on her wolf shape. Nagulantang ang dalawang lalaki sa nangyari at hindi makapaniwala sa nakikita ng mga ito.

Nang matauhan ang dalawang lalaki agad na tinutok ng mga ito baril sa kanyang anyong lobo pero bumalibag din ito gaya ng unang lalaki at walang ng malay na bumagsak sa sahig. Tatakbo sana ang isa pero maliksi na hinarangan niya ito.

Isang nakakakilabot na pag-angil ang pinukol niya rito na kinahimatay ng huli.

Bumaling siya sa binata na namamangha na nakakatitig sa kanya.

"Shit,lalo ako nainlove sayo.." mangha saad nito.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon