Chapter 24

3.8K 133 1
                                    

Itinigil niya ang paghahanap ng kung ano sa silid ng amo niyang dalaga. Maingat at maayos niya binalik sa dati ang pagkakaayos ng mga gamit na ginalaw niya. Wala naman kakaiba roon maliban sa iilan gamit na naroroon.

Namangha pa nga siya ng makita ang ubod ng daming damit sa closet ng dalaga maliban doon wala na siya nakita pang importante sa dalaga. Ilang piraso lang ang bag na meron nito at pulos sneakers pa ang sapatos na ginagamit nito. Hindi high heels?

Hindi materyales ang dalaga at nakakamangha yun. Kahit mayaman ito hindi ito maluho sa kahit anong material na bagay. She's so simple and yet beautiful!

Hindi lamang yun sa pananatili niya sa silid ng dalaga dumidikit sa pang-amoy niya ang mabangong pabango ng dalaga.

Matamis sa pang-amoy ang pabangong iyun.

Sana sweet din ang gumagamit.

Biguan siyang lumabas ng silid ng dalaga. Hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan sa utak niya! Nakabitin pa rin ang kuryuso niya.

Nang makababa siya ay nagtungo siya sa may bar area at nahagip ng mga mata niya ang kulay gintong bote.

Tss,gusto niyang lagyan ng alak ang sikmura sa dami ng iniisip niya gusto muna niyang irelax yun at ang alak sa tingin niya ang makakapagkalma sa kanya.

Inabot niya ang gintong bote. Hindi pa rin niya iyun mabuksan.

Sino ba ang nakaisip nito na ganitong kahigpit ang pagkakatakip ng bote?!

"Uh,nakalimutan kong sabihin sayo na hindi mo basta mabubuksan yan unless na lang ang prinsesa ang magbubukas niyan,"anang ng boses ng lalaki na siyang nagpalingon sa kanya.

Ang nagdideliver ng gulay..na guardian daw ng dalaga.

Nakapamulsa ito sa suot nitong pantalon habang palapit sa kanya. Nilapag niya ang bote sa may counter at naguguluhan na hinarap niya ito.

"Hindi ko maunawaan ang sinasabi mo?"wika niya.

Ngumiti ito. " Ang alak na yan ay tinatawag namin alak ng pagtanggap,"mahiwaga nitong saad.

Lalo sya naguluhan. "Ginugulo mo ang pag-iisip ko," seryoso niyang saad.

Mahina itong tumawa.

"Pasensya na,kaibigan. Malalaman mo lang ang ibig kong sabihin sa oras na mabuksan iyan ng prinsesa at doon mo na rin malalaman ang mga bagay-bagay na gusto mo malaman sa kanya," mahiwaga pa rin nitong saad.

Napahilamos siya ng mukha. "Pwede bang deretsahin mo na lang ako? Magulo ang isip ko ngayon," naiirita na niyang turan.

"Uh,pasensya. Naparito lang ako para sundin ang pakiusap ng prinsesa na tingnan ka kung nakauwi ka na," nakangiti nitong saad.

Bago pa man siya muli maging bayolente sa pagtugon rito. Nakalapit na ito sa kanya. Hindi siya kaagad nakareak. Masyado itong mabilis para makalapit agad sa kanya.

Sheyt! Anong nangyare?!

Pinatong nito ang kamay sa isa niyang balikat. Side by side ang posisyon nila.

"Umaasa ako na matatanggap mo siya ng buong puso..nakatakda kayong dalawa para sa isang pag-ibig.."

Bago pa man siya makatugon mabilis na ito lumabas ng mansion. Hindi siya agad nakakilos para habulin ito.

Lalo siya naguluhan sa mga nangyayari sa kanya!

Sheyt! Nasaan na ba siya? Natrap ba siya sa isang malaking maze at hindi na niya alam kung saan siya lulusot o makakalabas?

Marahas siya napabuga ng hangin at nilingon niya ang bote.

Ang prinsesa lang daw ang makakabukas niyun?

Ano bang kalokohan pinagsasabi ng lalaking yun?!

Naikuyom niya ang mga palad.

Lalo lamang nadagdagan ng katanungan ang isip niya sa pinagsasabi ng Zei na yun.

Napakamisteryoso naman ng alak na ito. Naiiling na binalik na lamang niya ang bote sa pinaglalagyan nito kanina.

Nawalan na tuloy siya ng gana na uminom pa.

Mabuti pang magsimula na siyang maghanda ng hapunan para sa dalaga.

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon