Chapter 21

4K 146 6
                                    

Kahit ilang beses at manghina siya sa pagtakbo sa kakahuyan hindi mapapawi ang nararamdaman niyang in heat.

Malapit ng sumikat ang araw ng magpasya na siyang bumalik sa mansion.

Habang tumatagal lalo umaalab ang pag-iinit nila ng kanyang wolf.

Kundi lang sana komplikado ang sitwasyon sa pagitan niya at ng kanyang mate madali na niya magagawa ang isang bagay na magpapaalis ng pag-iinit nila.

Pero hindi. Hindi ganun kadali. May kailangan pa sila pagdaanan bago mangyari yun.

Ang pagtanggap sa kanya ng lalaking itinakda sa kanya.

Lalo niya pinabilis ang pagtakbo pabalik sa mansion niya. Nakakaramdam na rin siya ng gutom sa haba ba naman ng oras na inikot nila ng wolf niya sa loob ng kakahuyan.

Yeah,at wala naman nabago bukod sa nagugutom na tayo..

Napaangil siya sa isipin iyun. Atleast malayo naman siya sa binata at hindi siya nangangamba na baka bigla na lamang nila ito pasukin sa silid nito.

Tss,ugali pa naman ng lalaki iyun na palagi bukas ang balkonahe nito. May aircon naman siya.

Mas masarap kung sariwang hangin kasi..saka madali natin siya mapapasok if ever..

Tss,never.

Walang kahirap-hirap na nilundag niya ang kanyang balkonahe. Naaamoy na niya ang niluluto ni Arthur.

Lalo tuloy siya nagutom.

Agad siya napahinto sa pagpasok niya sa kanyang banyo.

Naaamoy niya ang amoy ni Arthur sa silid nya.

Pumasok ba siya rito?

Noong nakaraan gabi lang di ba?

Humugot siya ng malalim na hininga. Yun na nga eh,mas sumisidhi ang pag-iinit nila dahil sa naiwan amoy ng binata sa silid niya.

Yaan mo na,please..

Nagpatuloy na sya sa pagpasok sa banyo. Nagugutom na talaga siya.

Saan ba siya nagugutom?

Sa naaamoy niyang niluluto ng mate niya o mismo ang nagluluto?

Grr..control self!

Nilubog nya ang sarili sa malawak na Jacuzzi niya na siyang pinakasentro ng banyo niya. Kulay itim ang pintura ng kanyang banyo pero naliliwanagan iyun ng ilaw.

Hindi siya nagtagal roon dahil gutom na talaga siya. Agad na bumaba siya sa kusina at nakahain na ang almusal nya.

"Magandang umaga,Ma'am!"magiliw na pagbati ng binata sa kanya.

He look so fresh.

Woah,mas mabango kapag malapitan!

Bagong ligo ito at suot ang usually na lagi suot nito. Simpleng T-shirt at kupas na pantalon.

Napaka-rugged lang ng dating dagdag pa ang manipis na balbas at bigote nito.

He look so very manly sa kahit saan anggulo ng anyo nito.

Tumikhim siya at dumiretso na sa kanyang upuan.

Agad ito umalis pagkaupo niya.

Minsan naman kaya ayain mo siya kumain ng sabay sayo,prinsesa?

Natigilan siya sa pagsubo sa sinabi iyun ng wolf niya.

Hmm..tempting.

Sige na,hmm..

Tingnan ko..kapag nasa mood ako.

Ugh!

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon