Chapter 4

4.4K 182 3
                                    

Literal na namangha si Arthur habang sinusuyod niya ng tingin ang kabuoan ng mansion na kinaroroonan niya. Nang makarating siya roon na sinundo pa siya ng Tiyahin ay agad sya nito iniikot sa bawat sulok ng mansion at mas namangha siya ng malibot ang buong mansyon. Mamahalin ang bawar gamit at muwebles na nakikita niya. Mainit sa mata ng mga taong akyat-bahay pero ayon sa Tiyang niya safe naman ang buong paligid at sa nagdaan na mga taon na pananatili rito ng kanyang tiyahin ay wala naman masamang nangyari rito kahit naiiwan ito ng mag-isa.

Sa isang malaking silid kung saan siya naroroon ang huling pinakita sa kanya ng kanyang tiyahin. Agad na namangha siya ng makita na puno ng mga nakaimbak na pagkain ang buong silid. Kung ikukumpara mo sa mga palengke na may samu't-saring klase ng gulay at pagkain ganoon na ganoon ang silid na nasa harapan niya.

"Ito ang imbakan ng mga pagkain tuwing linggo nagsusupply dito si Zei," pukaw sa kanya ng tiyahin niya.

Napalingon siya sa tiyahin niya na abala sa pagsipat sa mga patatas sa isang malaking basket.

"Kahit isang taon hindi basta-basta mauubusan ng supplies dito sa dami ng imbak ng pagkain rito," reak niya. Manghang-mangha pa rin.

Hinarap siya ng tiyahin niya. "Kayang ubusin ang mga iyan sa isang linggo lang,Arthur," anito na tila normal lang rito ang sinabi nito iyun na hindi niya agad napaniwalaan pero agad din naunawaan. Kung ganun,marahil ang tinutukoy ng tiyahin niya na hindi dapat malaman na kahit sino ay ang pagiging matakaw ng amo nito!

He smiled wickedly,"Ganun katakaw ang pinagluluto niyo rito,paniguradong wala na sa timbangan ang bigat nila sa lakas nilang kumain,"aniya sa natatawang turan.

Nangunot ang nuo ng tiyahin niya sa sinabi niya. "Anong nila? Isa lang ang amo ko dito na magiging amo mo na rin at...Arthur iyun ang sinasabi ko sayo confidential.."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ng tiyahin. "Ang ibig niyong sabihin isang lang tao ang pinagluluto niyo at ganun siya katakaw?" maang niyang saad.

Nagkibit ng balikat ang tiyahin,"Oo.."

Dahil maloko siya isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig niya.

"Tibay ng amo niyo,Tyang ah! Ilang pounds ba ang nadadagdagan sa kanyang araw-araw? May personal doctor rin ba siya rito gusto ko itanong kung healthy pa ba ang amo niyo?!" natatawa niyang saad.

Pinanlakihan siya ng mga mata ng tiyahin niya sa sinabi niyang iyun.

"Huwag kang loloko-loko dito ha! Binabalaan kita,Arthur ha,ngayon nandito ka na sa poder niya wala kang kahit ano sasabihin sa mga kakilala mo..ang mga bagay na nalaman mo at lalo na ang tungkol sa amo mo!" puno ng kaseryusohan nitong saad.

Pilit niyang pinigilan na matawa. Ganun ba ka-big deal sa amo niya ang tungkol sa pagiging matakaw nito?

"Ang pathetic naman ng amo niyo,Tyang. Eh bakit niya nililihim na matakaw siya kung magiging obvious naman dahil paniguradong sobrang taba niyang tingnan," aniya at muling natawa.

Naiimagine na niya kung ano ang hitsura ng amo niya. Isang ubod na taba na hindi na siguro makatayo sa sobrang katabaan nito!

Natatawa pa din hanggang sa isang hampas sa braso niya ang ginawad ng tiyahin niya sa kanya. Tumawa lang siya ulit.

"Baka kapag nakita mo si Ma'am Alexiz Ann baka tumulo laway mo!" naniningkit ang mga matang saad ng tiyahin.

Ngumisi siya. Babae pala ang amo niya. Hmm,Alexiz Ann..magandang pangalan pero maganda nga ba?

"Tutulo ba laway ko,Tyang..siguro kasi parang ako nakakakita ng inahin baboy na masarap ilechon at gawin paksiw na lechon!"natatawa niyang saad.

Isang hampas muli sa braso ang tinugon ng tiyahin niya sa kanya.

"Puro kang kalokohan! Halika na sa kusina ikaw ang magluluto ng hapunan niya,kailangan maimpress mo siya,"anang ng tiyahin.

At natatawang sumunod siya agad rito.

Sasarapan niya ang luto inspired siyang magluto kung ganun pala katakaw ang ipagluluto nya.

Isang ngisi ang nakapagkit sa mga labi niya ng tinahak niya ang malaking kusina.

Iyun ang gusto niya. Mas ginaganahan siya magluto ng masarap kapag ang pinagluluto niya ang malakas kumain.

Walang tapon!

Tuwi-tuwina ay natatawa pa rin siya habang abala sa paghahanda ng lulutuin na tinuturo naman ng tiyahin niya.

Ang tiyahin niya ang idolo niya pagdating sa pagluluto. Ito rin kasi ang nagturo sa kanya magluto at dito niya namana ang talentong yun!

"Umayos ka,Arthur. Sinasabi ko sayo. Sa oras na makita mo na si Ma'am Alexiz Ann,huwag kang maloko,naku,ewan ko na lang magiging reaksyon mo kapag nakita mo na siya!"

Nginisihan niya ang tiyahin. "Huwag kang mag-alala,Tiyang..magbibehave ako,syempre ayaw ko naman ipahiya kayo noh,"aniya.

"Siguruduhin mo lang. O siya,iiwan muna kita rito at aayusin ko lang ang lamesa sa dining area,"paalam nito sa kanya.

"Uh,Tiyang..sandali,"agad na tawag niya rito.

Nilingon siya nito. "Oh?"

"Tawagin niyo ko kapag kailangan niyo ng tulong ah! Kaya siguro masakit na balakang niyo kasi mabigat yung inaalalayan niyo!"

Nanlaki ang mga mata ng tiyahin sa sinabi niyang iyun.

"Loko-loko ka talagang bata ka!"

Tumatawang hinarap na niyang muli ang niluluto. Napangisi siya.

Naiexcite na talaga siyang makita ang amo niya.

Kaya pala ganun kaconfidential kasi nga ganun kasiba ang amo ng tiyahin niya!

Panay pa rin ang tawa niya kapag naiisip ang hitsura ng Alexiz Ann na iyun.

Maganda sana ng pangalan saka ang sexy pakinggan pero...olats naman,lakas kumain!

Pero infairness,napuna niya na magulay ang putahe kaya healthy'ng-heathy talaga ng amo nila!

Muli siyang natawa.

Iba talaga kapag laking mayaman na. Hindi lang sa materyal busog. Busog na busog din sa masasarap na pagkain.

Nang matapos na niyang ilagay sa mga lagayan ang mga niluto niya napangisi siya habang iniisa-isa ng tingin ang mga yun.

"Hindi ako makapaniwala. Iisa lang talaga kakain ng mga ito?"natatawa niyang sabi.

"Tapos ka na?"pagpasok ng tiyahin niya.

"Ready na,Tiyang!"

"Sige na,dalhin mo na yan sa mesa..nandyan na si Ma'am, "anang ng tiyahin niya.

"Right away!"

This SERIES IS COMPLETED IN DREAME. FEEL TO VISIT ME THERE!

USERNAME: CallmeAngge

https://m.dreame.com/novel/2gcM2CXRZlomhiGhgKmxsQ==.html

The Princess of Black Wolves District Series 2 : Alexiz Ann F. Lucio(Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon