Heaven Scent Christian Love Story
"JEREMY and The Unbeliever"
Philippines Copyright 2015 for NIMFA BECK
This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.
No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.
==================================
Let this love story exalt you in the next level of Romance Fiction. Because with God nothing is impossible. Make sure to put Kleenex beside you. Enjoy!
====================================
HISTORY IS HIS STORY
We don't have a story, JESUS put us in HIS story
Napahinto si Jeremy habang naglalakad sa lobby ng hotel na tutuluyan nila ng mga kasamahan niya sa banda nang makita ang babaing nakasuot ng maiksing shorts at oversize na puting T-shirt. Maiksi ang buhok nito na lumampas lang ng kaunti sa leeg at kulot. She had a brown dyed hair at kung hindi siya nagkakamali ay Filipino.
"Tara na, Jeh, may practice pa tayo," yaya ng kapatid niyang si Jerry.
He took his time in walking while wishing that the woman would catch his eyes. But she was all focused on the item that she was looking at the souvenir shop. Wala siyang nagawa kung hindi sumunod kay Jerry wondering if the woman would watch the concert. And wondering why he cared about that. She wasn't dressed like a Christian. He doubted kung kilala man lang siya ng babae gaano man siya kasikat sa Christian world.
Ipinilig niya ang ulo at pumasok sa elevator.
"Ano ba tumayo ka na diyan. Mali-late na tayo!"
Nilingon ni Althea ang kaibigan na bihis na bihis na, para itong pupunta sa isang formal party. Tumaas ang kilay niya. "Ano'ng meron?"
"'Di ba nga ngayon yung concert ni Jeremy? It will start in approximately one hour. Dapat kanina pa tayo nando'n. Baka may umupo na sa upuan natin."
Marahan siyang umupo mula sa pagkakadapa sa kama at tumitig sa kaibigan. "Our seats are paid and reserved at nandiyan lang ang venue sa function room sa itaas nitong hotel. At hindi kailangang mag-night gown ng kita ang dibdib. Baka mapalabas tayo. Christian concert iyon."
Bilang ganti ay pinandilatan din siya ni Becca habang nakatayo ito sa gilid ng kama. "Eh, ano ba ang isusuot mo?"
"T-shirt at jeans."
Hindi alam ni Althea kung sino sa kanila ni Becca ang mas nakakahiya. Ang kaibigan niyang kita na ang kaluluwa dahil bukod sa malalim ang dibdib ng suot nitong dress ay manipis din, o siya na parang basura ang suot kumpara sa mga naroon. Nasa harap pa naman sila ng stage. Mabuti na lang at banda sa gilid ang reservation nila. But it was still at the front at sa konting ikot ng mga nasa stage ay kitang kita sila.
Nagkatinginan silang magkaibigan at sabay na nagtawanan. The irony of how they looked made almost unstoppable for them to laugh. Napatingin sila sa stage nang biglang tumugtog ang tila ambulansiya. Althea knew it was the start of the song Mighty To Save.
People stood from their seats and began praising God. Napalunok siya at atubiling tumayo na rin. It was her first time to attend this kind of concert. Kahit mahilig siya sa Christian songs dahil magaganda ang melody at lyrics ng mga iyon para sa kanya ay hindi talaga siya magbabayad para manood lang ng isang Christian concert. This ticket was given to her by a rich and dear friend for free dahil pumunta ng London ang kaibigan niya at nanghihinayang man na ma-miss ang concert ni Jeremy ay mas ginusto nitong bumiyahe kasama ang mga magulang sa Europe.
BINABASA MO ANG
JEREMY & D' Unbeliever (COMPLETED): A Christian Love Story
RomanceEverything came like a bomb! "You need to undergo radiation and chemotherapy to kill the cancer," he paused intentionally. "It will kill your baby, too." "Paano kung hindi ako magpapa-chemo?" alanganing tanong niya. Tinitigan siya ng doktor. "You...