Part 2: Jeremy and the Unbeliever

1.2K 48 1
                                    

Heaven Scent Christian Love Story

"JEREMY and The Unbeliever"

Philippines Copyright 2015 for NIMFA BECK

This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.

No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.

==================================

Many of times that I have felt alone,

Many of times that I have the world was crashing down upon me,
You always stood here by my side,
You were always there  

-Jeremy Camp

=======================

Ilang minuto na ang nakararaan at tapos na silang kumanta ni Jeremy. Nakababa na siya at lahat at nakabalik sa upuan katabi ni Becca ay nakatulala pa rin si Althea sa stage hanggang sa tumawag ng thirty-minute break si Jeremy at umalis ito sa stage. The band played with soft instrumentals while no one was singing. Noon lang napatingin si Althea kay Becca.

"You pushed me there!" akusa niya dito.

"You did great, gosh! Ang galing mong mag backup. In fairness ang ganda ng blend ninyong dalawa. May bago ka nang profession."

"I don't care! You still pushed me!" mahina pero inis na sabi niya.

Tumawa lang ang kaibigan niya na parang hindi siya naririnig. "At si Jeremy, gosh! Maya't maya nasa iyo ang mga mata! Grabe! Para talagang may something!"

Tumingin siya sa stage dahil sa sobrang inis niya dito. Ayaw niyang tingnan man lang ang kaibigan. Mabuti na lang at saulo niya ang kanta. Kung hindi ay malilintikan si Becca sa kanya.

Napaupo siya ng tuwid nang makitang may babaing nakapalda ng pencil cut na itim, white undershirt at black coat ang papalapit sa kanila. She was also walking tall in her heels. "Hi Althea, I'm Cameron, Filipino din ako." Iniabot nito ang kamay sa kanya.

Bigla siyang napatayo para tanggapin ang offer na shake hand ng babae kahit pa hindi niya ito kilala dahil hindi naman ito mukhang mobster na isi-set up siya sa masama. "Hi, please to meet you," alanganing sabi niya. Sino ba ito?

Si Becca ay tumayo din at nakipagkamay. "My name is Becca, we are friends," parang KSP na sabi nito habang itinuturo siya.

Napangiti si Cameron at ibinalik ang tingin sa kanya. "Althea, Jeremy wants you to meet him at the back stage kung okay lang daw sa'yo? I am his PA, by the way."

Bigla siyang nag-alala kaya natanong niya si Cameron. "M-may nagawa ba akong mali?"

"Oh no!" agad na tanggi ng babae. "He just wants to talk to you. You did great."

Nakahinga siya ng maluwang. "Okay. Thank you."

"Please follow me." Nakangiting tumalikod si Cameron.

Nakita niyang susunod si Becca kaya pinandilatan niya ito. "Diyan ka lang. Kasalanan mo ito, eh. Tinulak tulak mo ako sa stage."

Becca pouted pero naupo na rin sa dating inuupuan.

Sumunod siya kay Cameron na ang itim na itim na buhok ay nakabalumbon ng French knot sa likod ng ulo. Hinawakan niya ang kulot na at maiksing buhok na kahit ano'ng gawin ay ayaw madiretso. Nakailang rebond na yata siya. But people loved her hair. It was soft and silky at dahil doon ay nagmumukha daw siyang foreigner.

JEREMY & D' Unbeliever (COMPLETED): A Christian Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon