Part 3: Jeremy and the Unbeliever

1K 46 0
                                    

Heaven Scent Christian Love Story

"JEREMY and The Unbeliever"

Philippines Copyright 2015 for NIMFA BECK

This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.

No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.

==================================

"Sige na Bec, mauna ka na sa room natin. Nangako ako kay Jeremy na hihintayin ko siya," pakiusap niya sa kaibigan na ayaw siyang iwan.

"Magti-thirty minutes nang tapos ang concert, ubos na ang tao at malinis na ang stage, pero nakaupo pa rin tayo dito. Sigurado ka ba na nasa likod pa si Jeremy at naaalala ka pa niya?"

She knew that Becca meant well pero nanghihinayang naman siya sapagkakataon dahil baka biglang dumating ang lalaki at wala na siya. "Eh, 'di kung ako na lang ang tao dito, aalis na ako."

Pinandilatan siya nito. "Nakakahiya kaya iyon!"

"Fangirl mode ako ngayon, girl. Walang nakakahiya."

"Bahala ka nga diyan! Tawagan mo na lang ako kapag hindi ka niya sinipot at gusto mong maglabas ng sama ng loob!" Inis na nag-martsa palayo sa kanya si Becca. Hindi na nito hinintay ang sagot niya.

Naghintay pa siya ng ilang minuto bago nagdesisyon na kung hindi darating si Jeremy in five minutes ay aalis na siya.

Two minutes after, Jeremy came running in his white T-shirt, jeans and blue sneakers.

Napatayo siya nang makita itong papalapit.

"Sorry, ganun talaga katagal magdasal after the show."

Napanganga siya dito. "Nagdasal lang kayo?"

Tumango ito. "Yes, but more of praising and thanksgiving."

Again, she couldn't understand that kaya binalewala niya na lang.

"Come, dun tayo sa backstage lumabas. Wala namang nakakakilala sa akin dito bukod sa mga dumalo sa concert," sabi nito na inaalalayan siya sa siko papunta sa itinuturo nitong dadaanan nila.

"Nandiyan pa ang family mo?"

"No. They went to their respective rooms' kasama ng buong banda."

Napatango na lang siya. Natanaw niyang nagliligpit na ang lahat sa backstage nang lumabas sila.

Jeremy seemed to know where he was going. "Are you hungry? May restaurant ng Filipino foods na malapit."

Umiling siya. "I'm not hungry."

"Then let's just walk and talk."

She smiled.

"How old are you, if you don't mind me asking?"

"Twenty five."

"Thank God!" eksaheradong sabi nito. "You look younger than that, akala ko ay sixteen ka lang. Saan kayo nakatira sa Manila?"

"Sa Quezon City. Malapit sa Munoz Market ang bahay namin talaga. Pero may condo unit ako sa Makati malapit sa opisina. Doon ako umuwi palagi."

Tumango lang ito na parang malalim ang iniisip.

"Ikaw, may bahay ba kayo dito sa Pilipinas?"

He glanced at her. "May condo unit si Papa sa Makati. Nasa New York ang bahay namin at sa Sydney."

JEREMY & D' Unbeliever (COMPLETED): A Christian Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon