Part 6: Jeremy and the Unbeliever

980 37 14
                                    

Heaven Scent Christian Love Story

"JEREMY and The Unbeliever"

Philippines Copyright 2015 for NIMFA BECK

This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.

No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.

==================================

Panay ang tingin ni Althea sa wall clock sa dingding ng hotel room nila. Kanina pa sila nakabalik at alam niyang limang minuto na lang ay alas dose na.

"Bumaba ka na doon. Huwag mo na siyang paghintayin. Tapos doon mo bastedin. Hindi iyang pinagtataguan mo!" Becca told her while still watching whatever that was on CNN. Sige din ang pagni-nail file nito.

They were both sitting on the couch watching TV pero wala naman doon ang isip niya. Hindi niya nga alam kung ano na ang sinasabi ng mga nagsasalita. Her mind was all on Jeremy.

"Hindi ba sasagutin mo na si Luke pagbalik natin sa Manila?"

Napatingin siya sa kaibigan. Nasabi niya iyon kay Becca at Sophia. At nasabi niya rin kay Jeremy kagabi out of, she couldn't understand what. Basta na lang lumabas sa bibig niya. "Hindi ko alam. Hindi ko man lang siya naiisip. He texted me twice at hindi ko sinasagot. Kagabi ay may miss call siya pero hindi ko man lang naisip na mag-return call nung makita ko iyon kaninang umaga."

"Kasi nga nandiyan si Jeremy," parang pagod na sabi ni Becca. "Pero kung tingin mo ay hindi naman talaga kayo ni Jeremy ang para sa isa't isa, eh, 'di kalimutan mo na ang lalaking iyan. Basta huwag mo siyang bastusin dahil wala naman siyang ginawang masama sa iyo. Babain mo for the last time. And then tell him to forget about you."

Tiningnan niya ang suot na damit. Hindi na siya nagbihis mula pa kanina. She looked flowery and fresh. She felt fresh, kahit maraming tanong at agam-agam sa puso niya.

The clock strike at twelve at napatitig siya sa TV. "Paano kung hindi ko iyan masabi sa kanya? You know that I like him," amin niya dito. "Wala nga akong maipagmamalaki sa lalaking iyon para bastedin siya.

"Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo kaharap si Luke and Jeremy is the man of your dream. Not because he is the man of God but because he is Jeremy, popular, handsome and rich."

Napapikit siya. Becca was nailing all of it. Pero tumututol ang puso niya. Hindi siya materialistic na tao. And she didn't mind popularity. Hahangaan niya siguro si Jeremy pero hindi niya ilalapit ang sarili dito dahil sa mga rason na ibinigay ni Becca.

"Bumaba ka na doon. Talk to Jeremy and get this all over with!"

Tiningnan niya ang kaibigan.

"Go!" masungit na utos nito.

Jeremy sounded doubtful when he allowed her to sit beside him. "Akala ko ay hindi ka na dadating."

Napatingin siya dito. "I don't really want to stood you up."

He smiled at sinenyasan na lumapit ang isang waiter. "Thank you, I appreciate that." Binuklat ni Jeremy ang menu na ibinigay ng waiter. He shared it with her. "Go pick what you want to eat."

"Noodles lang at coke."

He nodded and ordered a birthday noodles and coke along with house battered chicken and roast beef. At bottomless iced tea.

Althea couldn't help but look at any abnormalities. She felt weird being with a man like Jeremy.

Nang makaalis ang waiter ay bahagyang pumihit si Jeremy paharap sa kanya. "You look aghast."

JEREMY & D' Unbeliever (COMPLETED): A Christian Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon