Part 4: Jeremy and the Unbeliever

893 35 1
                                    

Heaven Scent Christian Love Story

"JEREMY and The Unbeliever"

Philippines Copyright 2015 for NIMFA BECK

This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.

No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.

==================================

"Kumusta ang date?" excited na tanong ng kaibigan niya nang makita siyang nagkakape sa balcony ng hotel. May two seater table doon at umupo ito sa silya na nakaharap sa kanya.

Iniharang niya sa mukha ni Becca ang kamay niya telling her friend to stop right there. Tahimik na sa kuwartong okupado nito nang dumating siya kagabi kaya hindi niya na ito ginising. "Nothing happened and Jeremy is a thing of the past now. Kaya huwag na nating pag-usapan, okay?"

Lumabi ito na parang nagtatampo dahil tinarayan niya. "Nag-away agad kayo? Pambihira ka naman, hindi mo man lang pinatagal?"

Inirapan niya ito. "Ano'ng akala mo sa akin, warfreak? Hindi ako nang-aaway ha! Kahit iyong mga ex ko ay tahimik akong nakikipaghiwalay kung kinakailangan. O kung sila man ang lumalayo ay pinababayaan ko lang. Umiiyak lang ako mag-isa pero hindi ako nang-aaway."

Nalaglag ang balikat nito nang maisip ang katotohanan ng sinabi niya. "I know, kaya nga binabalikan ka kapag naisip na nila na mahirap humanap ng babaing hindi nagger."

She remained quiet with that.

"Pero hindi ibig sabihin niyon ay walang rason para sabihin mo sa akin na thing of the past na si Jeremy. Ano ba ang nangyari?"

Bumuntong hininga siya at humigop ng kape sa mug. "Hindi ko alam, I just found out na magkaiba kami. He is a Christian."

"Christian din naman tayo, ha."

Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang naiisip. "Iba sila, eh. Wala silang religion. Basta Christian lang. They praise God all the time. Ganun."

"Eh, tayo din naman pini-praise natin si God all the time."

"They are praying all the time."

"Eh, tayo din naman-"

Inismiran niya ang kaibigan sa kakulitan nito. "Nagdasal ka ba bago matulog at pagkagising mo?" putol niya sa sasabihin nito.

Hindi ito nakakibo.

She sighed in resignation. Hindi niya dapat inaangilan si Becca. Hindi naman sinabi sa kanya ni Jeremy kung paano ito magdasal. She just assumed. At hindi niya rin dapat inaway o iniwan si Jeremy kagabi. The man was just being faithful to God at siya ay makasalanan. Itinatama lang nito ang maling pamantayan niya sa panonood ng concert nito. The man didn't want to find himself guilty in winning souls by idolatry to him. Pero ano ang gagawin niya kung ito talaga ang rason kaya nanonood siya ng concert na nito?

Nagsalin si Becca ng kape sa bakanteng mug na nasa mesa. "Ano talaga ang nangyari?"

Tinitigan niya ang kaibigan. Hindi tulad niya na maraming issue sa buhay at dinadaanang guilt feeling araw-araw, Becca's life was simple and nurtured. Mayaman ang pamilya nito sa Davao. Pag-aari nito ang condo nito sa Makati samantalang siya ay umuupa lang.

Becca, like Sophia was a CPA in their office and Althea was the Administration Manager. Magkakatabi ang mga offices nila at terrible three ang tawag sa kanila ng mga tao. It was a joke. Hindi naman sila terror. They were just serious when it came to work.

She ended up telling the story to her friend after awhile dahil alam niya na hindi naman ito titigil sa kakatanong. "It was okay, nag-usap lang kami about my life and I was able to tell him what happened in Canada three years ago. Then we talked about his concert. Hindi ako makapagsinungaling sa kanya para sabihin na nanood ako ng concert dahi kay Jesus. So I told him we were there because of him, Jeremy."

Napanganga si Becca.

"Parang gusto niyang bawiin ko iyon at sabihin ko na naroon ako dahil kay Jesus. Hindi naman iyon totoo. Dahil kung gusto kong magdasal o i-praise si Jesus, eh, di dapat sa kuwarto ko na lang ako, hindi ako manonood ng concert ni Jeremy."

Humigop ng mainit na kape ang kaibigan niya habang titig na titig sa kanya.

She shrugged. "Yan lang ang nangyari. Sabi ko sa kanya makasalanan ako tapos iniwan ko na siya."

Ibinaba nito ang kape sa mesa at siya naman ang dumampot ng kape niya at humigop ulit. Hinintay niya ang verdict ng kaibigan.

Pero mahigit isang minuto na silang nagtititigan ay hindi pa rin ito nagsasalita. She sighed. "I know I'm wrong with what I did."

Becca seemed to agree on that one. "Paano na 'yan?" may panghihinayang na tanong nito.

"Paanong ano?" kunwari ay tanong niya.

"Wala na si Jeremy?"

Umiling siya. "Wala naman talaga. Parang bigla lang akong nangarap kahapon nung itulak mo ako paakyat sa stage with the rest of what happened hanggang sa i-invite niya ako sa backstage and to spend time with him after the concert. Ang totoo, hindi naman talaga kami bagay nun. Napaka-secular natin, santo siya."

Her friend sighed then. Natuwa naman siya at naintindihan agad siya nito. "Sayang naman."

Sayang talaga. She could have gained his friendship, kahit iyon lang sana, pero nawala agad. Maybe God didn't want her for Jeremy. God was, of course, preparing something big for the man. Bigger than her. Bigger than life. Ah, she was so bitter.


=======================================


Dearests,

If there's a chance that you want to thank me in your heart for writing and posting these novels here for you to read.

Please COMMENT and/or VOTE. It will be very much appreciated.

Thank you.

Much love,

-nimf

JEREMY & D' Unbeliever (COMPLETED): A Christian Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon