Part 16: Jeremy and the Unbeliever

706 29 2
                                    

Heaven Scent Christian Love Story

"JEREMY and The Unbeliever"

Philippines Copyright 2015 for NIMFA BECK

This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.

No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.

==================================

BACK IN MANILA

"Ano naman ang pumasok sa kukote mo at nagpakasal ka ng ganun-ganun na lang?" gigil na sabi ni Sophia na sinabayan siya habang naglalakad sa hallway ng opisina. Nakita agad nito ang wedding ring niya at hindi na siya nakapagkaila. "In fairness, ang ganda ng wedding ring mo. Hindi ka ba niya binilhan ng engagement ring?"

"Gusto niya pero sabi ko huwag na, ikakasal rin naman kami nung oras na iyon. Kaya itong wedding ring na lang ang pinabili ko."

"Nakakainis ka talaga!" sinundan pa siya nito hanggang sa loob ng opisina niya at umupo sa visitor's chair pag-upo niya sa executive chair niya.

Tiningnan niya ito.

"You didn't look happy," mahina nitong sabi.

She sighed. "I am here to use up my vacation leave and resign tulad ng gusto niya."

"What?" hindi makapaniwalang sabi ni Sophia. "Ngayon na? Agad-agad?"

Sunud-sunod ang tango niya.

"Infairness, may plano si Jeremy, ha! Kinunsulta ka ba niya?"

"Oo, nung sasabihin niya na sa akin ang plano niya at gagawin na namin."

Napasandal ito sa upuan na parang nanghina. "Gosh! Ano'ng gagawin mo ngayon?"

Tumuwid siya ng upo. "Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, as a Christian, ano ang gagawin mo?"

Napapikit ito na parang natalo sa pustahan. "You have to submit to Jeremy, Thea."

Nabasa niya iyon sa Bible. "Exactly!"

Natutop nito ang noo. "Gosh! Hindi ganito kabilis! Hindi ka dapat nagpadalus-dalos at nagpakasal sa kanya! Mahal mo ba talaga siya?"

"Yes," diretsong sagot niya.

Tinitigan siya ni Sophia. "Did you even think about all of this when you married him?"

"No."

Her friend might be cursing in her head pero hindi niya ito masisisi. "Hinatid ka ba ni Jeremy sa Airport? I was expecting na sa Lunes ka pa papasok."

"Because we got married at gusto niyang ayusin ko na ang lahat so I could be with him for good, hinayaan niya akong umuwi ng mas maaga provided na tatapusin ko ang lahat in two weeks time."

"At kaya ba?"

"Kaya naman, pero hindi kampante ang dibdib ko."

Matagal silang natahimik at parehong nag-isip. Panay ang buntong hininga nila at ang tingin sa labas ng glasswall overlooking the city.

She sighed again. "I have to talk to HRD today at sa big boss."

Ilang ulit lumunok si Sophia. "You should be happy friend pero parang pasan mo ang daigdig."

Tinitigan niya ito. "You know that I have been praying. And even though I don't look happy, I am at least peaceful. Sa sobrang peaceful. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin." She wasn't joking. Somehow she knew that God was with her.

JEREMY & D' Unbeliever (COMPLETED): A Christian Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon